Jacque POV
Parang isang panaginip..
Hindi ko sukat akalain na may ganong ng yayari at sa akin pa? Kung sabagay 25 years old na ako.
So okey lang yun total
naman siguradong hindi na ako matatandaan ng guwapong Adonis na yun. Ay oo nga pala..Ako si Jacquelyn Flores,may tatlong kapatid ako at ang mama ko nalang ang kasakasama namen sa bahay kasama ang nanay ng mama ko which is lola namen, namatay sa malubhang karamdaman ang ama ko noong grade 3 palang ako.
Pangalawa ako saming apat na magkakapatid,
At ako? Nakapagtap0s ako ng high school, hanggang dun lang.
Naalala ko tuloy yung kaibigan ko noong grade 2 ako.
Si Liane Jhing ang pangalan nya at meron syang kakambal na lalake na si Liam Xiaolin.
Parehas ko silang kasundo.
Yung nanay nila ay may lahing purong intsik na marunong ng simpleng martial arts.
Kapag nagpupunta ako sa kanila noon nag papaturo ako ng mga defense sa kanya.
Nadala kasi ako dati nung grade one palang ako.
Binubully ako ng mga kaklase ko dahil maliit ako.Kaya nakiusap ako kay Liane na kung pwedeng sabihan nya ang mama nila na kung pwede bang turuan ako.
Dahil close ako sa kanila at palagi akong sumasama sa kanila napapayag nya ang mama nya.
Naging mabilis ang kilos ko at nakasanayan ko yun Laging may nagtatangka na ibully ako kaya ang
instinct ko? Hinahawakan ko ang kamay at pipilipitin ko.Na guidance pa ako dahil kamuntik mabalian ng buto ang nakalaban kong babae.
Kaya ayon walang nambubully saken.
At dahil dun tinawag akong Jackie chan ni Liane at Liam, kaya kapag sabay-sabay kame yun talaga ang
tawag nila sakin.Nang magtapos kame ng grade 6.
Nalaman ko na bumalik na ng china sila Liane at Liam kasama ng mama nila.
Kinuha na sila ng papa nila sa China.
Sayang malapit ko na sanang ma-master yung mga turo nya saking self defense.
Nang minsan umuwi ako ng bahay galing sa pag sauli ng toga na ginamit namin sa graduation nung grade 6.
Kinausap ako ni mama na hindi ko na daw maipagpapatuloy ang sekondarya ko.
Hindi ako umimik dahil naiintindahan ko naman ang sitwasyon namin.
Dahil ang kinikita nya sa pagtitinda ng kakanin sa araw-araw ay sapat lang na pangkaen namin.
Pang gastos lang talaga sa pang araw-araw.
Nag-gagasera lang kame kapag gabi at nag iigib ng tubig araw araw.
Kaya wala na kaming iba pang gastusin bukod sa pagkaen.
Mabuti nalang at pinalad pa kaming magkaron noon ng sariling bahay.
Nakapag patayo pa si papa ng munting bahay na gawa sa mga cocolamber at lawanit ang paligid. Kalahati lang ng bahay namin ay hollow blocks dahil nung mga panahon na hindi pa natatapos ang bahay na pinapagawa ni papa.
sa ibang lugar pa kame nakatira noon.Nangungupahan pa kame dati.
Pinalad si mama na mabigyan ng kaunting lupa sa lugar ng kapatid nyang mas bata sa kanya.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
DiversosSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...