Cloud POV
"Nagpadalos-dalos ka sa kilos mo! Tingnan mo ang nangyari! Cloud Jay!" Madiing saad at sermon sa akin ni Daddy. Napapikit ako sa inis sa sarili ko!
"Ano na ngayon? Paano mo ma-a-anounce sa lahat na magiging fiance mo ang kasintahan mo! Kailan pa? Kapag bumalik pa galing misyon?!" Dugtong pa na sermon ni daddy sa akin. "Tito Luca-" naputol ang sasabihin ni Duncan ng magsalita si Daddy.
"And you? Duncan? Bakit mo idinadamay ang kasintahan ng pinsan mo sa mga misyon na yan? Alam mong delikado!" Madiing saad ni Daddy na nagpayuko kay Duncan.Nandito kame sa loob ng mansion sa gitna ng Real State dahil kapag may mga gathering dito kame nagkikita-kita. At meron itong napakalaking secret under ground kung saan kumpleto kami sa mga gadgets.
Tanging mga Agents at mga pinsan ko lamang ang makakapasok bukod sa mga founder at council namin.Nagpatawag ng maagang meeting dahil nagreport na si agent A-jhay na nakapasok na daw sya sa first mission nya bilang maid ng organisasyon. Yes agent A-jhay was my baby..
Pero pinalitan ko ang A nya sa A-jhay ng Lady.. kaya ang tawag sa kanya ay Lady jhay
Yun ang agent name nya.
"Tito sigurado pong matatapos agad namin 'to. Mabilis kumilos si Jacque at sigurado pong susunod sya sa instruction namin at pinapangako po namin na walang mangyayaring masama sa kanya." Mahabang paliwanag ni Duncan. Humugot ng malalim na hininga si Daddy bago pa ulet kami tingnan lahat.Nang malaman nya kasi na ang baby ko ang gagawa ng stunt ay matindi na ang pag-tangi nito sa gagawin ng grupo namin.
Malala pa ang pag-tangi nito kaysa sa akin lalo na ng ipakilala ko ang baby ko sa kanila bilang girlfriend ko.Ilang beses silang nag-pulong nang mga founder na kinabibilangan nilang apat na magkakapatid na lalaki. Ngunit na sa baby ko ang disisyon at gagawin daw nito ang misyon.
"Don't worry kuya Lucas Jacque is tough girl, she's gonna be ok." Sabat ni tito Jade kay daddy. Tumango nalang ito ulit, mukhang pinapakalma nito ang sarili. Tahimik kaming lahat maya-maya ay tumayo na ito. Napatayo na din kaming lahat.
"Please... Cloud Jay wag mo patatagalin away nyong dalawa kapag nakabalik na sya. Ang mga mahal na binibini ng ating angkan ay palaging sinusuyo kapag nagkakagalit tandaan mo yan anak.." mahabang saad nito. Nakayuko akong sumagot.
"Yes dad." Pero may pahabol pa sya!
"Imposibleng wala pang nangyayare sa inyo ni Jacque, ginagamitan mo ba iyon ng proteksyon? At kung hindi, hindi mo manlang ba chineck baka mamaya may laman na pala ang tiyan non at mag-kaka apo na pala kame?" Mahabang saad nya na nag-paubo sa akin! Tinapik naman nya ako sa balikat ng may ngiti!
"Just kidding son pero sana ngay meron na! Hindi mo ba sya tinanong?" Ulit pa nya!
"Dad!" Nanlalaking mata ko kay daddy na ikinatawa lang nito. Si daddy talaga! Lumabas na sila kasama ang iba pang founder namin. Ang agency namin ay may pangalang M.E.E Montealegre Eagle Eye.Pagka-alis nila daddy ay mabilis na lumapit sa akin si Joana at hinampas ako sa likod kung saan ako tinamaan ng takong ng baby ko!
"Ouch! What was that for?" Daing ko dahil nagulat ako! "Para yan sa ginawa mo kay Jacq Jacq!" Inis na sabi nito sa akin!
"Tsk! Ako ba? Sya itong may kahalikan! Kasalanan ko parin?" Naiinis kong tanong! Tsk bakit ba laging ako ang dehado?
"Hindi ganon si Jacq Jacq! Sigurado kaba sa nakita mo?" Depensa nanaman nito habang nakataas pa ang kilay ni Joana.
"Sigurado ako sa na kita ko!" Madiing bigkas ko sa kanya at mariing ipinikit ang mga mata. May nararamdaman pa akong hilo dahil sa hangover na dinanas ko kagabi.Pero kahit na uminom ako sariwa parin sa akin ang mga nangyari kagabi. Iyon na yata ang pinaka-masakit sa lahat. Ang iwan nya ako at sumama sa tsinoy na yon!
Flash back
Ngayon ang araw ng anibersaryo nila mom and dad. Pinaghandaan ko ang gabing ito dahil mag po-proposed na ako sa baby ko.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
DiversosSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...