Jacque POV
Lumipas ang isang linggo at sinabi ni dr Alexander na pwede na daw akong lumabas ng ospital.
Namangha ako ng malaman kong sila Alexis ang may ari ng hospital na MDH!
Wow.. yamanin..
Ang mga kaibigan talaga nila puro mayaman..
Nagulat talaga ako nang malaman ko na alam na pala nilang lahat na buntis ako, etong Joana na'to iba din ang trip eh..
Natouch ako nang malaman kong tanggap ng magulang nya ang batang dinadala ko.. nakakataba ng puso, alam nyo yun? Ganon ang pakiramdam ko..
Naghahanda na ako para sa pag-uwi ko, inaayos ko na ang mga gamit ko.
Hay salamat naman at makakauwi na din ako.. na mis ko na ang bahay nila Joana lalo na ang kama ko.. na mis ko na din magserve ng coffee sa MCS at makipag chikahan sa mga ka-crew ko.. na mis ko na ang mga ginagawa ko na simple lang pero nakakapag-bigay ng saya sa akin.
Nang matapos ko ang misyon nila at naratay ako sa ospital ng halos isang buwan, at nang magising ako pakiramdam ko eh nakahinga ako ng maluwag .. dinaig ko pa ang preso ng mapunta ako sa organisasyon na yon!
Habang nag-aayos ako, naramdaman kong may lumalapit sa akin ng dahan-dahan kaya naman yung hawak kong bag eh binato ko sa kung sino mang lumalapit ng hindi lumilingon.
"Ay! Jacq Jacq naman! Nakakagulat ka!" Biglang sigaw ni Joana na tinamaan ko at nakita ko sya kasama sina Reid, Adrian,Vince, Gray, Josh at Alexis.
Inikutan ko sya ng mga mata ko, katulad ng laging reaksyon nya.
"Wow ah.. ikaw 'tong parang pusa na nagdada-han-dahan dyan ako pa ang naka-kagulat?" Saad ko sa kanya.
Tumawa ang mga kasama nya sa sinabi ko, nanlaki ang mga mata nya.
"Naramdaman mo ko? Eh dahan-dahan nga lang ang hakbang ko eh." Saad naman nya.
"Dahan-dahan? Kaya pala naramdaman ko.. Eh ang bigat ng hakbang mo, kasing bigat mo ang hakbang ng mga paa mo.." nakangising sagot ko sa kanya at narinig kong tumawa ng malakas si Adrian.
Dinampot naman ni Joana ang bag ko na hinagis ko sa kanya at binato kay Adrian na sinalo lang nito.
Tinawanan lang sya ulit ng mga 'to.
"O sige tara na.." aya ko sa knilang lahat.
"Wait lang Jacq Jacq!" Pigil ni Joana sa akin.
Kumunot naman ang noo ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"May pupuntahan muna tayo.." saad nya at nauna nang lumabas ng kuwarto.
Nilingon ko ang mga kasama nyang mga lalaki.
"Saan daw?" Tanong ko sa kanila, nagkibit-balikat lang ang mga 'to.
"Basta Jacquelyn, sumama kana lang kay Joana. Wag kang mag-alala, escort nyo kami.." saad naman ni Vince sa akin at kumindat pa.
Inikutan ko nalang sya ng mga mata ko.
Umalis na kami ng hospital at sumakay sa Limosin na puti.
Seryoso?
May pupuntahan lang naka Limo pa?
Hindi nalang ako umimik at sumakay nalang papasok ng sasakyan, pumasok na kaming lahat, nagtaka pa ako dahil si Alexis ang nag maneho habang katabi nya si Vince sa unahan.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...