Chapter 40

6.8K 185 0
                                    

Cloud POV

Nandito kaming lahat sa conference room.

Nagpatawag ng meeting si tito Jade dahil isang linggo nang nasa misyon ang baby ko.

Kailangang sa loob ng isang buwan ay matapos nya na ang misyon nya at makuha na namin ang files ng mga kalaban. Tatlong linggo nalang ang nalalabi.

Ayon sa report ni agent Blaze na si Alexis.

Naghahatid ng pagkain ang baby ko kung kanino man sya iutos ay pupuntahan at susunod sya dito.
At noong nakaraan pala inutusan syang magdala ng pagkain sa babaeng nakausap at nakapambuno nito.

At ang magandang balita? Ayon sa report ni Alexis magi-ging servant sya ng mga bosse's ng organisasyon.

Pero hindi pa alam kung kelan at ibig sabihin malalaman nya na kung nasaan ang chips na nag-lalaman ng mga files,

Pero di ko maiwasang kabahan paano kung may magka-gusto sa kanya na isa sa mga boss ng organisyon?

Paano kung may gawin sa kanyang masama?

Paano kung may mangyari sa kanyang masama?

Naka-ka praning isipin ang mga posibilidad na pwedeng mang yari.

"Cloud Jay." Napatingin ako kay daddy dahil sa pag-tawag nya sa akin.

"I know what your thinking, lets pray for her safety son." Saad ni daddy at tinapik ako.

"Wag kang mag-alala kay Jacque, she's gonna be alright, she is one of the brave woman that i ever met next to your mom." Dugtong pa nya. Kaya naman napangiti ako sa sinabi nya.

"Wag kang mag-alala Jay, mag-tiwala ka lang sa baby mo.." nakangising sabi ni Vince sa akin.

Katatapos lang ng meeting kaya nandito kaming lahat sa hapag-kainan. Kumpleto kame.

Patapos na kaming kumain ng pumasok sa hapag si Josh.

"Gumagalaw nanaman ang tracking ni ate Jacque." Bungad nya kaya naman mabilis pa sa kidlat na tumayo ako.

Sumunod silang lahat sa akin sa secret room.

Pagdating namin kumikilos ulit ang tracking, madaling malalaman kung kumikilos na ito kapag umilaw at gumagalaw ang maliit na tuldok na ilaw sa monitor pero hindi namin makikita ang mga mangyayari sa kanya.

Nalalaman lang namin na buhay pa sya dahil ang tracking nya ay nakakabit sa talampakan nya at may kasama iyong pag-pintig, maliban dun maririnig lang namin ang lahat ng nasa paligid nya.

Nakarinig kami ng mga ingay na parang nakahalo sya sa maraming tao dahil iba-iba ang mga naririnig naming boses. Mukhang kumakain sila

Dahil sa tunog ng kalansing ng mga kubyertos.

Hanggang sa makarinig kame na parang sigaw na salita.

"Get out there." Boses ng isang babae sa device command, pero hindi sa kanya.

Walang tugon mula sa kanya hanggang inulit ng babae ang sinabi nya.

Nakarinig kami ng mga ingay na parang may nag che-cheer sa kung ano.

Kinabahan ako dahil alam na alam namin na kapag kinanti ang baby ko ay lumalaban talaga ito.

Kaya naman saglita ako sa device command.

"Lady jhay anong nangyayari dyan?" Tanong ko sa kanya.

"May nanti-trip sa akin." Mahinang tugon nya kaya naman napabuga ako ng hangin.

Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon