Cloud POV
Nagkita kami ni Vince sa VB na pag-aari nyang bar.
"Gusto ni boss na kapag kumuha tayo ng agent yong hindi professional pero mabilis kumilos dahil magpa-panggap lang naman itong maid nila at tayo ang magiging back-up nya." Sabi ni Vince habang ako nakatitig sa baso na may lamang alak.Yun ang pinag-usapan namin nung nagkita kami nung nakaraan.
Gusto ni tito Jade na pilipina ang kuhain naming bagong agent.
Hindi naman totally agent talaga. Kumbaga saling pusa lang sya. Hindi sila makapag dispatch ng mga agent dahil halos lahat ay may mga lahi o puro foreigner.
"Tsk. Bad trip." Anas ko. Hindi kame makapag start sa new mission dahil nga kelangan namin magdagdag ng pilipinang magiging spy. At wala pang nakukuha hanggang ngayon.Nag simula ng dumami ang mga tao sa bar. Katulad din ito ng mga bar. Maingay at medyo mausok dahil sa mga bisyo ng mga taong pumapasok dito.
Ang kaibahan lang taas at baba ang dance floor nila dito. Sa ikalawang palapag ang sahig non ay makapal na salamin. Kaya kita mo din ang nagsasayawan sa taas.
Libre silip na rin kapag ang sumasayaw ay halos kita na ang kaluluwa.Nang biglang may kumandong sa aking babae habang nakaupo ako.
Automatic na nahawakan ko ang bewang nya.
Napangisi naman si Vince.
"Hi babe.." malanding bati sa akin ng babaeng nakakandong sa akin.
Pinasadahan ko ang mukha nyang sobrang kapal
ng make-up.
"Hi sweetie.." ganting bati ko sa kanya.
She lean on me and bit my ear. Mabilis akong napatayo kasama sya.
Wala akong gana ngayon.
"Sorry sweetie. Better luck next time." Tumayo na ako ng tuluyan at sinenyasan si Vince na may dalawang babae sa magkabilang braso.
Tumayo din sya at sumunod sa akin.
"Excuse me ladies." And he winked on the ladies na napatili sa ginawa nya.
Napailing nalang ako.Lumipat kame ng ibang puwesto na malapit
sa dance floor.
"Problema Jay? Not in the mood?" Tanong nya habang inaabot sa akin ang isang baso ng alak.
Tinanggap ko naman ito at tumango sa kanya.
"Relax.. dapat nga mag relax ka muna ngayon sa lunes na ang flight natin. Sabado na ngayon. Wag mo muna ng isipin ang misyon. Saka na kapag nagkita na tayo nila Duncan sa L.A." sabi nya sa akin sabay tungga ng inumin nya.
"I'm not in the mood now Vince." Sabi ko habang umiinon sa baso ko.
Tumawa lang sya sa sinabi ko.Nang may mahagip ang mga mata ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ako maaaring magka-mali.
Yung binibini sa MCS na kausap nila ate Maya at Biboy ay nandito at sumasayaw sa dance floor.
"Hey Jay! Ano na?" Tinawanan ako ng kumag.
"Gusto mong sumayaw? Natulala ka na dyan." Pang alaska pa nya.
Pero hindi ko sya nilingon dahil nakatutok ang mga mata ko sa binibining sumasayaw.Nang bigla itong tumigil
sa kasasayaw.
Bumulong ito sa babaeng naka red dress.
Tumango tango ang kausap nya.
Pagkatapos naglakad ito palayo. Tumayo agad ako para sundan sya.
"O Jay? Saan ang punta mo? May nakita kabang nagpabalik ng mood mo?" Nakangising tanong nya sa akin.
I give him a smirk.
tinap ko ang balikat nya. "Sandali lang." Sabay tayo ko para sundan ang binibini.Nakita ko syang lumabas ng CR at umupo sa may tapat ng bartender na si Jigs.
Nakaupo sya sa stool.
Tumabi ako sa kanya at sinulyapan sya.She's wearing a black dress na hapit sa kanyang katawan.
Off shoulder ito kaya kita ang mga balikat nyang maputi. Dahil sa suot nya lalong tumingkad ang kulay ng balat nya.
Bigla itong lumigon sa akin.
Nagtama ang mga paningin namin.
Napasadahan ko na mabilis ang mukha nyang walang make up O kung meron man kaunti lang. Napaka simple talaga nya pero elegante ang dating. Ito ang uri ng kagandahan na hindi binababaran ng make up sa mukha. Parang bagong gising ang mukha nya.
Singkit ang kanyang mga mata at manipis ang kilay nya katulad ng mapula at manipis nyang labi. Wala syang masyadong abu-bot bukod sa silver necklace nya.Lumakas ang kabog ng dib-dib ko ng lumapit sya sa akin habang nakakunot ang noo.
Namumungay ang mga mata nyang tumitig sa akin.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
De TodoSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...