Jacque POV
Sinabi ni Dr Alexander na pwede na daw tanggalin ang cement ko, nagtaka pa ako kung bakit ang bilis?
Sabi nya mabilis daw magpagaling ang mga gamot na pinapainom nya sa akin, tinanong ko pa kung safe ba yung mga yon para sa baby ko, sabi nya oo naman daw.
Baby ko..
Big word.. iniexpect ko naman na buntis ako pero nawalan parin ako ng malay? Totoo pala yon? Sa sobrang kaba mo sa isang bagay ey mawawalan ka ng malay."Ok, meron kang ilang araw para maituwid ang paglakad mo at maigalaw na ng husto ang kanang binti at kanang braso mo.." mahabang saad ni Dr Alexander sa akin ng matanggal nya na ang cement sa akin.
"Talaga." Maikling sagot ko. Ginalaw ko ang kanang braso ko, medyo kumikirot pero keri naman.
Naka bandage pa ang kanang dib-dib ko dahil tinahi ito sanhi ng pagkaka-saksak sa akin.
"Wag mong igagalaw masyado ok? Kapag gusto mong maglakad kailangang may kasama ka para akayin ka." Saad pa nito kaya tumango ako.
"So.. your ok na baby.." napalingon ako kay Cloud na nakasuot ng denim na polo at naka maong na pantalon.
Bakit parang mas gumawapo ata 'to lalo? O na mis ko lang talaga sya.
Tumango ako sa kanya."Ok kana Jackie Chan?" Lumipad ang tingin ko kay Liane at napangiti ako nang makita sya katabi ang misteryosong lalaking abohin ang mga mata.
Akalain mo? Agent pala nila Duncan 'to? Ang kaibahan lang nagkataon lang talaga na nandun sya sa misyon ko hindi para spy kung hindi para iligtas pala ang kasintahang si Liane.
Phs! Kaya pala tumatanaw sya sa may hagdan paakyat sa ika-pitong palapag.
Ok na din blessing in disguise sya sa galaw ko sa loob.
"Ok na ko.." maikling sagot ko sa kanya, naramdaman ko ang paghapit sa akin ni Cloud na nakangiti sa akin. Kaya naman hinilig ko ang ulo ko sa balikat nya.
Lumapit si Liane sa kama ko habang aka'y sya ni Craig. Craig pala ang pangalan nito.
"Nagulat talaga ako ng malaman kong ikaw pala ang biglang pumasok sa kulungan ko, nagtaka pa ako kung sino ka dahil tinawag mo ako sa first name, Jhing kasi ang pagkakaalam nila doon na pangalan ko." Mahabang saad nito sa akin.
Napangiti naman ako.
"Mas nagulat ako sayo noong unang beses na dalhan kita ng pagkaen mo, binato mo ako ng bread knife at bumaon pa sa pader! Pagkatapos bigla mo akong sinugod mabuti nalang at natanggal kita sa likod ko, para kang tuko kung kumapit sa katawan ko." Natatawang saad ko at natawa silang lahat sa sinabi ko.
"Pero nakakahanga dahil na ibalibag mo ako sa sahig. Katulad kapa rin ng dati, hindi ka talaga basta nagpapatalo." Nakangiting saad ni Liane kaya naman natawa ako dahil naalala pa pala nito ang mga pag-sparing naming tatlo. Saka ko lang na-alala si Liam.
"Si Liam pala?" Tanong ko at sakto naman at may kumatok at pumasok ang taong hinahanap ko.
"Hey Jackie Chan.. ok kana?" Nakangiting tanong nito habang may hawak na isang basket na prutas.
Prutas nanaman? Walang kamatayang prutas nalang ang pinapakaen nila sa akin!
Napasimangot ako sa dala nya.
Natawa sya sa reaksyon ko.
"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?" Natatawang tanong nito.
"Prutas nanaman? Na u-umay na ako dyan.. simula nang magising ako puro prutas nalang ang kinakain ko.. wala bang fries?" Mahabang saad ko sabay baling kay Cloud na tumingin muna sa akin bago tumingin kay Alexander na tumango.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
AléatoireSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...