Chapter 12

7.5K 178 0
                                    

Jacque POV

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto ng silid na tinutulugan ko.
"Jacq, Jacq, bumangon kana, kakain na tayo." Narinig ko ang boses ni Joana.
Nandito na ako sa L.A dalawang araw na ang nakalipas, pagkatapos ng insedente sa condo ay dumiretso ako kayla Analyn ng araw na yon,

Pagkatapos umuwi na ako sa bahay at ni-ready ang mga dadalhin ko para sa pag-alis. Hinatid pa ako ng pamilya ko sa Airport.
Ayon konting paalala at konting drama,
si mama kasi at ate cathy umiyak bago pa ako makasakay ng eroplano.
Ang ending? Mugto ang
mata ko ng sumakay ako.
nahawa ako sa iyakan
nila eh!

First time kong mapalayo sa pamilya ko. Kaya noong sinundo ako ni Joana di ko talaga napigilang ang home sick na naramdaman ko pagkarating ko dito.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang nakapameywang na si Joana habang
nakataas ang kilay.
"Ano na Jacq Jacq?" Tanong nya sa akin.
"Wag kang mag-muk-mok dyan at lumabas ka naman ng bahay, dalawang araw ka ng nandyan sa silid mo." Patuloy pa nya.
"Opo nay, bababa na po." Sagot ko. Mabilis akong humakbang paatras ng maramdaman kong hihilahin nya ang buhok ko.
"Gaga 'to!" Nakatawang sabi nya.
"Sandali lang maghilamos lang ako ah," nakangiting sabi ko.
Tumango sya at bumaba na.
Nandito kame ngayon sa Real State nila.
Mayaman pala talaga 'tong sila Joana?
May Real State bongga.

Mabilis akong naghilamos at nagpalit ng damit.
Isang plain white na loose long sleeve shirt na may naka print sa harapan at plain white short.
Bago bumaba sinuklay ko at tinali ang buhok kong lagpas balikat ang haba.

Naabutan ko si Joana na kumakaen ng Oats na lumalangoy sa gatas,
"Bakit yan ang kinakaen mo? Ayaw mo ng sinangag?" Tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa hapagkainan.
"Nag d-diet ako." Maikling sagot nya.

Pinasadahan ko sya ng tingin. Matangkad si Joana na may taas na 5'5 may lahi sila kaya hindi pangkaraniwan ang tangkad nya. Malusog din sya at parang labanos ang makinis at maputi nyang balat.
Matangos ang malaki nyang ilong na binagayan ng dika-kapalang kilay, natural din na mapula ang kanyang labi katulad ng aking labi manipis din ito.
Pero di katulad kay Duncan ang mga mata nya.
Si Duncan ay Blue ang mga mata, sya naman Hazel Brown.
"Baket?" Tanong ko.
"May swimming tayo sa susunod na buwan. Doon tayo sa Montealegre Island na pag-aari nila tita." Sabi nya habang hinihigop ang gatas na nakalagay sa bowl nya gamit ang kutsara.
Mahinhin kumilos si Joana kumpara sa akin.
Pero wag ka.
Marunong yan ng martial arts.

Naaala ko pa dati madalas ako sa bahay nila lalo na kapag nakatapos ako ng kontrata at bibigyan ako ng isang buwan na bakasyon at noong nasa mall pa ako, kapag day off ko din pupunta ako sa bahay nila tapos mag s-sparing kame,

Meron silang training room sa bahay nila, pagtapos may sarili syang master.
Palagi akong inaaya nyan kaya nahasa-hasa din ang katawan ko at pakiramdam ko kaya kong magbuhat ng isang buong baka, sya ang may kagagawan dahil di nya ako tinatantanan, ako ang ginagawang punching bag nya, noong mga unang sparing namin di ko talaga sya matamaan ang bilis nyang kumilos kahit malusog sya,
Hanggang sa natalo ko sya,
Nabuhat ko nga sya pa punta sa likod ko at ibinagsak sa sahig na may malambot na kutson na nakalatag.
Kaya nasabi ko na kaya kong magbuhat ng isang buong baka, kasi ganon sya kabigat, hahaha
Nagdiwang talaga ako ng mapabagsak ko sya!
Nanunuod pala si Duncan sa ginagawa namin kaya sabi ko sa kanya non ilibre nya ako kasi napabagsak ko ang kapatid nya, tumawa lang sya pero nanlibre nga.
Mahirap palang biruin ang mga mayaman? Tinototo-o?

Natawa nga ako sa kwento nya na dati daw nadukot sya ng may makilala syang babae din at nakipag kaibigan sya, ng malaman daw ang apelyido nya dinukot daw sya nito, ang pagkakamali lang ng dating kaibigan nito di nila alam na marunong ito ng self defense.

Natanong ko dati kong paano sya natuto. Meron daw silang lugar
kung saan pwede kang mag training.
Nagtataka nga ako dito dahil ako ang tinuturing nyang matalik na kaibigan.

Alam ko kapag mga mayaman
ay mayayaman din ang mga kaibigan at marame.
Sya? Meron naman daw pero ayaw nyang makipag close dahil bukod sa bantay sarado sya sa kuya nya at mga pinsan dahil nag-iisang babae daw sya, alam naman daw nya na nakikibagay lang daw ang mga ito dahil sa apelyido nya. Seryoso? Anong meron sa apelyido nya?

Tinawag nya ang alaga nyang persian Cat na si Sweetie at pinakaen.
Nang malaman ko noon na may alaga syang pusa nasabik akong makita.
Mahilig din ako sa pet.
Makapal ang balahibo nito at kulay green ang mga mata.
Mahilig din mag-lambing 'to kaya siguro sweetie ang pinangalan ni Joana.
"Ano Jacq Jacq, napag-isipan mo naba yung alok ni kuya?"
Tanong ni Joana sa akin.
Napasimangot ako ng maalala ko kung gaano ako kulitin ni Duncan sa alok nya.

Gusto nya akong gawing spy.
Nagulat ako ng malaman ang propesyon nya.

Isa pala syang Secret Agent.

May sarili silang training ground sa Palawan kung saan sinasanay ang mga agent's nila. Doon din daw nag ensayo si Duncan kasama ang iba pa nilang mga pinsan.
Si Joana daw don din, ang kaibahan lang daw sa kanya Self Defense lang ang tinutukan nya.
Ayaw daw nya humawak ng baril at kung anu-anong nakakamatay na sandata.

At ako? Gagawin nyang Spy?
Marunong akong lumaban ng mano-mano kahit maraming kalaban, maliit lang ako at magaan ang katawan ko, bukod dun ang specialty ko? Mabilis akong tumakbo at sumuot kung saan-saan.
Pero kong ang kalaban ko ay may baril paniguradong dedo ako. Aba kahit gaano man ako kabilis tumakbo kong sharp shooter naman ang kalaban paniguradong tatamaan ako.

Nanindig ang balahibo ko.
"Ewan ko dyan kay Duncan, sa dinami-rami ng kakilala nya bakit ako?" Patanong ko kay Joana.
"Eh kasi nga kailangan purong pilipina," sagot naman nya.
"Eh bakit nga ako? Wala ba syang ibang kakilalang pilipina na gagawa ng stunt na yan?" Sabi ko habang pinapa-pak ang bacon.
"Meron, pero wala syang tiwala," sagot nya.
Ayan nanaman tayo sa tiwala-tiwala na yan eh.
"At bakit naman walang tiwala?" Tanong ko.
"Eh kasi ang mga agents namin ay mga guwapo." Simpleng sagot nya.
Napataas ako ng kilay sa sagot nya sa akin.
"Oh ngayon? Anong konek?" Taas kilay na sagot ko.
"Malalandi ang mga kakilala ni Duncan, baka landiin daw ang mga pinsan ko kapag napag-solo sila, may tiwala si Duncan sayo sa tagal na ng pagkaka-kilala natin kilala ka na nya. Alam nyang hindi mo ugali ang manlandi ng lalake."
Mahabang paliwanag nya.
"Edi wow.." sabi ko nalang na ikinatawa nya.
"Sisimulan ang misyon kapag pumayag kana, kaya tara na sa MCS at magbukas na tayo." Sabay tayo nya.
Pumanhik na din ako sa kuwarto para maligo at magbihis.

Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon