Cloud POV
Nandito kaming lahat sa mansion.
Pinatawag ni tito Rex ang hawak nyang grupo na kinabibilangan ni Craig Anderson ang leader nila, pero ang second in command nito ang dumating na si John Myher at ang iba pa, naka leave duty daw si Craig.
Pinakalat na ang ibang mga agents sa lugar ng mga kalaban.
Dahil baka ano mang oras ay makuha na ng baby ko ang chips.
Pinag-usapan at pinagplanohan na ito bago pa gawin ang misyon.
Bumaba na kaming lahat sa secret room.
Nakita naming gumalaw nanaman ang tracking ng baby ko.
Nakarinig kami ng mga tunog.
Pagkalipas ng ilang sandali nakarinig kami na parang may pumitik dahil ang lakas non.Pagkatapos narinig nanaman namin ang ang baritonong boses ng lalaki.
"You look still shock of what happened yesterday." Nadinig naming bigkas ng lalaki.
Pero hindi namin nadinig na sumagot ang baby ko.
Yesterday.
Ang pangyayari kahapon ay hindi ako pinatulog.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa kanyang masama.
Gayong magka-galit kami ng baby ko bago sya sumalang sa misyon.
Napapikit ako ng mariin, ang gago ko lang.. hindi ko muna sya tinanong kung ano yung nakita ko, nagpadala ako sa selos na sumalakay sa akin.
Napakuyom ako ng palad sa tuwing ma-aalala ko ang huling pag-aaway namin.
"Are you afraid to die?" Naagaw ng baritonong boses ng lalaki ang aking atensyon.
Nagkatinginan kami ni Duncan.
"Your such a moron, of course i am." Pabalang na sagot ng baby ko.
Nakita kong napailing si Reid at ganun din si Vince.
"Ang tapang talaga ni ate Jacque, sumasagot pa ng ganon.. ang angas," nakangising saad ni Reid.
Nang pumasok si Joana.
"Ano ng nangyare?" Bungad nya sa amin pero walang sumagot sa kanya dahil nakatuon ang atesyon namin sa pinakikinggan namin.
"I don't believe in you.. you said your afraid? But.. i know your not." Sagot ng lalaki sa mahal ko.Hindi naman tumugon ang baby ko.
Mukhang umalis na ang kausap nito dahil wala ng nagsalita.
Nakarinig pa kami ng mga ibang tunog senyales na may ginagawa ang baby ko.
Hanggang sa may nagsalita ulit pero iba na 'tong kausap nya.
"Change your cloths and bring this to master Looki, he want you to bring this to him. Room to the left side." Saad ng boses.
Mukhang ang baby ko ang kinakausap ng kung sino man.
Nakarinig kami ng pagbukas ng pinto, kasunod ang boses ng baby ko sa device command."Pa-punta ako sa silid ng isa sa mga master. Eto yung nakitaan ko ng chips. Papasok ako sa silid nya."
Mahabang saad ng baby ko agad kong pinindot ang button.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
Ngẫu nhiênSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...