Jacque POV
Ngayon na ang araw ng concert ko.. charot!!!
Ngayon ang araw na papakantahin ako ni Joana.Nagtataka lang ako sa gusto nyang ipakanta sa akin.
Way back into love ang pamagat? Sabi nya yun daw ang isa sa mga favorite songs ng mom and dad nila, edi ok.Kung duet ang kumanta ng song na 'to, gagawin kong single, total medyo mababa lang naman ang tono nito.
Ginawan ko nalang ng sarilimg version kunwari revived song hehe.Lumbas na ako ng bahay.
Nauna na sila Joana at Duncan pumunta don dahil sila naman ang importante. Mom and dad nila ang darating,Malapit lang naman ang gaganapan ng party.
Dito lang din sa loob ng Real State.Ala sais na ng hapon.
Narinig ko na dumating na daw ang mga importanteng bisita.Nang marating ko yun.
Agad akong pinapasok dahil kilala na nila ako.Madalas ko ba namang kasama ang Ma'am Joana nila ewan ko nalang kong di nila ako makilala.
Pagka hakbang ko ng isa narinig ko ang sinabi ng isang babae na mukhang hotel receptionsit.
"May i see your invitation card ma'am." Napaligon ako ng bigla, hindi naman pala ako ang kausap.
May babaeng mukhang brazilian ang nag-abot ng red card.Yun ata yung invitation card dahil pinapasok sya.
Mabilis akong naglakad papasok. Seryoso? May ganon pa? Eh bakit ako wala? Pero nakapasok ako?
kinabahan naman ako.Napaka simple pa naman
ng suot ko kumpara sa brazilian na pumasok kanina.I'm wearing a simple black dress na hanggang hita ang haba, hapit ito sa katawan ko, Nakasuot ako ng 3 inches na stilleto. Killer shoes.
Naglagay din ako ng light make up at pink lipstic, Nasubukan ko na ang maglagay ng makapal na make-up dati nag mukha akong kontrabida sa isang drama serye sa t.v.
Kaya hindi ko na inulit.
Mas bagay sakin ang light make-up. Sinuot ko yung diamond earing na niregalo sa akin dati ni Joana.
Sayang nawala yung kwintas ko, tsk, like na like ko pa man din yon.Pagpasok ko bumungad sa akin ang napakalaking Fountain sa gitna na napapalibutan ng mga mumunting ilaw, para syang malaking christmass tree.
Sobrang liwanag ng buong lugar.
May mga lamesang puti ang tela na nakapalibot pabilog sa gilid ng Fountain, sa magkabilang gilid non ang mga buffet table, humakbang ako dahil na amaze ako,
Sa may bandang dulo may stage at dun nakalagay ang grand piano.Bigla akong kinabahan.
Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinbi ko kay Joana na kakanta ako.
Bigla akong tinablan ng hiya.Akala ko simpleng party lang ang magaganap, eh mukhang Elite Party ang datingan ah.
Hinanap ko si Joana dahil dumarami na ang mga bisita.
Kakaiba talaga ang suot ko sa kanila.
Halos lahat ng mga lalake ay naka tuxedo at ang mga babae pabonggahan ng dress na parang gown, takte, di ako ininform ni Joana na ganito pala ang mga kasuotan edi sana sinuot ko yung Cinderella gown ko.Baka sakaling dito ko makita ang prince charming ko.
Nakita ko si Joana at nilapitan ko kaagad sya.
"Ano na? Kakanta naba ako? Bungad ko kaagad sa kanya.
Tinawanan lang ako ng bruha.
"Oo kakanta kana, wag kang titingin sa itaas, nandon sila mom and dad, para hindi ka kabahan, wag ka mag-alala Jacq Jacq mabait naman sila kahit magkamali kapa," mahabang sabi nya na sinamahan nya ng
yakap sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/65822744-288-k813094.jpg)
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...