Jacque POV
Tatlong linggo na ang lumipas buhat ng mapunta ako dito sa L.A. na ho-home sick parin ako madalas.
Kaya ang ginagawa ko, nagbibisi-bisihan ako.Madalas nag i-skype kame nila ate at mama.
"Jacq Jacq," sulpot ng boses sa likod ko. di ko na kailangang lingonin kong sino 'tong tumatawag sa akin.
Iisa kang ang tumatawag sakin nyan."Oh?" Sagot ko habang nag ta-tap ng mga order sa akin.
Pagkatapos kong ibigay ang order sa barista namin.
Saka ko lang nilingon si Joana.Nakasuot sya ng kulay peach na office attire na medyo fit sa kanya, at dahil matangkad sya pinarehasan nya ito ng 3inches na sandals na kakulay ng suot nya na lalong nag
patangkad sa kanya.Habang ako naman ay naka suot ng sky blue na blouse at may patong na dark blue na stripe na blazer, naka slacks kame dito, ang kaibahan lang ng sa akin, napaka lambot ng tela nya at hapit sa akin.
Binagayan ko ito ng dark blue na doll shoes,"Marunong kang kumanta diba?" Tanong nya sabay ngiti.
Tumaas ang kilay ko sa tanong nya. Ganito kame mag-usap, natural lang sa amin 'to pero kahit kailan ay hindi kame nagalit sa isat-isa, madalas ko nga 'tong sinasabihan ng mga prankang salita, lalo na kung tungkol sa ex ni Jhoven ang pinag-uusapan namin.
Secret Agent din si Jhoven ang kaso nakaaksidente ng babae at nagkaron ng anak.
Nagtataka nga ako dito kay Joana eh, tinanggap parin nya kahit may anak na.
Ang katwiran nya? Mahal ko eh, hay.. pag-ibig nga naman.. hahamakin ang lahat! Masunod ka lamang.. tsk tsk
kaya madalas tungkol sa anak ni Jhoven ang pinag-uusapan namin.
Kapag pinagsabihan ko sya ang isasagot nya lang sa akin 'hardcore ka talaga jacq jacq' pero magkaganon pa man hindi kame kahit kailan nagkapikonan."Diba? Marunong ka?" Inulit nya ang tanong sa akin kaya napabalik ang isipan ko.
"Oo, marunong ako, bakit?" Tanong ko. Lumapit sya sa akin habang nakangiti.
"Papakantahin kita sa susunod na lunes," nakangiting sabi nya.
"Para saan? Haharanahin mo si Jhoven at ako ang pakakantahin mo?" Kunot noong tanong ko.
"Gaga, hindi, wala lang naisip ko lang, maganda kasi ang boses mo." Sabay akbay nya sa akin.
Ganito kami ka close na dalawa.
Parang kapatid ko din kasi 'tong si Joana."Anong meron sa lunes?" Tanong ko.
"Darating sila daddy at kasama sila tito Lucas at tita Catalina,magkakaron ng Party sa gitna ng Real State, ang alam ko andito sila tita at tito pero sasabay nalang daw sila kayla Mom and Dad dahil susunduin nila sila mommy."
Mahabang paliwanag nya.
Tumango tango ako."Ok, sige kakanta ako para sayo, yun lang ba?" Nakangiting tanong ko.
"Bakit? May iba kapa bang talento?" Nakatawang tanong nya sa akin.
"Oo, kaso mahal ang talent fee ko.." natatawang sagot ko naman sa kanya.
Nagtawanan kaming dalawa ng biglang may dumating,
si Duncan."Oh, kamusta Jacque?" Bungad sa akin ni Duncan.
Mukhang busy 'tong si Duncan at madalang kong makita.
Ngayon lang ulet."Ayos lang naman," nakangiting sagot ko.
"Kuya, sabay na kame mamaya pauwe ah." Inakbayan din ni Joana si Duncan.
"Bakit? Ang kotse mo? Gagawin nyo pa akong driver nyo." Natatawang sabi nya.
Natawa naman si Joana.
"Coding eh! Sige na kuya..
Guwapong driver ka naman eh.." dagdag nya pa. Natawa kaming tatlo."O sige sige.." tango nya habang nakatawa.
"Nagmeryenda kana kuya?" Tanong ni Joana.
Pasado alas tress na ng hapon.
"Hindi pa." Nakangiting sagot nya.
"Sige ililibre kita." Natatawang sagot ni Joana.
Tumawa lang din si Duncan.
Tumalikod na ito at humanap ng upuan, bilib ako sa magkapatid na 'to mayaman sila pero down to earth.
Nakikibagay sila kahit hindi nila kapantay."Paki bigyan mo muna si kuya, sasagutin ko lang ang tawag ni Jhoven." Sabi nya sa akin, tumango ako at sinunod agad sya.
Linapitan ko si Duncan habang nagpipindot sa laptop nya, nilapag ko ang order nyang slice strawbery cake at pineapple shake,
Bukod sa ibat-ibang uri ng kape nagdagdag sila sa menu ng ibat-ibang flavor shake.Noong nasa Pilipinas ako wala pa ang shake sa menu sa Tagaytay. Kaya nagulat ako na meron dito.
Nag-angat sya ng tingin.
"Oh, salamat Jacque." Ngiti nya sa akin.
Ngumiti din ako sa kanya.
Pinasadahan ko sya ng tingin. May kasing katawan sya at kakulay ng mata.Bigla nalang sumagi sa isip ko ang lalaking iyon.
Kamusta na kaya yon?
Natatandaan pa kaya ako no'n? Napailing ako sa naisip ko.
Syempre hindi!
Sino ba ako?
Oh nagdadrama nanaman ang isip ko.. dala 'to ng Home sick eh, he he he."Hey, Jacque." Napabalik ang diwa ko ng tawagin ako ni Duncan. Medyo may katagalan na pala ang pagkatulala ko sa kanya.
"Alam ko'ng guwapo ako,kaya wag mo ako masyadong titigan." Nakangising sabi nya sa akin.
Napasimangot ako sa sinabi nya, hambog di'ng tunay 'tong si Duncan eh, porket may ibubuga talaga.
Tumawa sya naging reaksyon ko, sabay ngiti.Nagpaalam na ako sa kanya dahil dumarami na ang costumer dito, Assistant ako ni Joana pero tumutulong din ako kapag marami na ang costumer.
Nang tumalikod ako.
Nagsalita sya.
"Oo nga pala Jacque, may naghahanap sayo." Biglang sabi ni Duncan.Kunot noo akong liningon sya.
"Sino?" Tanong ko na nagpalawak ng ngiti nya.
Hindi ko alam kung bakit.
Pero bigla bumilis ang
tibok ng puso ko.
Anong meron sa dib-dib ko?
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...