Chapter 32

6.6K 165 0
                                    

Jacque POV

Paano ba malaman kung nagdadalan tao ang isang babae?

May nabasa ako sa internet.. ang mga signs ng mga nagbubuntis.

Mood swings sa uri ng pagkaen. Yung mga pagkain daw na ayaw mo dati ay syang gustong gusto mo, morning sickness ilan lamang yan sa mga natandaan ko.

Dalawa don ang nararanasan ko na, pero wala akong morning sickness.

May ganun ba? Hindi pa ako gumagamit ng PT dahil kinakabahan ako.

Paano kung buntis nga ako? Tatanggapin kaya nya 'to? Kahit maraming beses nya nang sinabi na mahal nya ako napapa-praning parin akong isipin na Montealegre ang batang dala-dala ko kung sakali.

Tanggapin kaya ako ng mga magulang nya?

Nagbalik ang isipan ko nang marinig ko ang sinabi ni Duncan na kailangan na daw naming bumalik dahil sisimulan na ang operation nila, at oo nga pala! Pumayag ako sa paki-usap ni Duncan na gawing spy nila!

Tsk! Pero ok lang dahil may tiwala naman ako kay Duncan.

"Duncan pwede ba akong-" naputol ang sasabihin kong pakiusap kay Duncan kung pwede ba akong umuwi muna dahil nami-miss ko na ang pamilya ko nang tumunog ng malakas ang phone ko na nakapatong sa kanan ni Cloud.

Kunot noong tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

Liam calling...

Dinampot ko ang phone ko at nang akma ko nang sasagutin ay hinawakan ni Cloud ang kamay ko, kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Sagutin mo pero i-loud speaker mo." Seryosong saad nito sa akin, anong nangyari dito? Hindi nalang ako sumagot at pinindot ang answer button.

"Hello?" Sagot ko.

"Thanks god at sinagot mo din! Alam mo bang kanina pa kita tinatawagan?" Salubong ni Liam sa kabilang linya.

"Bakit?" Maikling tanong ko.

"Hindi kaba sinaktan ng Montealegre?" Agad na tanong nya, napatingin ako sa mga kasama ko dito sa mesa at lahat sila ay seryoso ang mga mukha napakunot ako nang noo sa tanong nya.

Bakit naman nya naisip yon?

"Hindi ah.. bakit mo naman naisip yon?" Tanong ko sa kanya.

"Eh kasi naman po kung makapalag ka sa kanya at sigaw ng pangalan ko wagas!" Natawa ako nang malakas dahil sa sinabi nito, oo nga pala nakita nya ang eksenang habulan namin ni Cloud kanina at kung makatakas talaga ako kay Cloud parang may gagawin syang masama sa akin.

Napailing nalang ako.

"Wala yon.. nagkaron lang kami ng mis-understanding pero ok na kami.." nakangiting sagot ko.

Sinimulan na ng mga kasama ko ang pagkain nila pero dahan-dahan ang pag-galaw ng mga kutsara at tinidor nila.

Halatang nakikinig 'tong mga 'to sa usapan eh.

"Mabuti naman.. may itatanong sana ako sayo na medyo personal.. pwede ba?" Mahabang saad nito.

"Ok," maikling sagot ko.

"Totoo bang ikaw ang kasintahan ni Cloud Jay?" Mabilis na tanong nya na nagpakunot ng noo ko.

"Oo bakit?" sagot ko.

" Hindi ba kapani-paniwala?" Agad na dugtong ko pa, kung sabagay hindi nga kapani-paniwala, kahit sino pa ang makarinig iisipin nila na ambisyosa ako.

"Oo," walang pakundangan nyang sagot sa akin! nakita kong nag cross arms si Cloud sa tabi ko.

At ang ibang mga kasama naman namin sa mesa ay natigilan at tumingin sa akin! Walang hiyang Liam 'to!

Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon