Jacque POV
Nagpunta kami ng bunsong kapatid ko sa Montealegre Mall. 45 minutes ang biyahe pa punta dito. Wala naman kaming sariling sasakyan kaya nag commute lang kami. Nagpapabili sa akin ng silver. Bilhan ko daw muna sya bago ako umalis dahil matagal daw nya akong di makikita.
Dumaan muna kami ng dept store at namili ng mga bagong damit namin.
Dinaanan ko din ang dati kong area sa Ladies Wear at nakipag kamustahan sa dati kong Supervisor na si madam Christina. Madam ang mga tawag namin sa visor dito sa mall. Dito ako unang nakapag-trabaho pag-ka graduate ko ng sekondarya."Bakit ba ang hilig mong mangolekta ng mga silver? Bakit di nalang gold?" Tanong ko sa kapatid ko habang tumitingin ng mga silver sa Silver Works.
"Bakit te? Bibilhan mo ako ng gold?" Nakangising tanong nya sa akin.
"Syempre naman.. hindi.. masyado ka ng pinagpala kapag nangyare yun." Nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya.
"Kaya nga silver nalang eh. Di pa matakaw sa mata ng mga magnanakaw." Nakatawang sabi nya habang tumitingin sa stanteng salamin.
"Ito nalang kaya te?" Turo nya sa silver bracelet na makapal at my presyong 2800.
Tiningnan ko naman ang tinuturo nya. Maganda.
"Ayan na?" Tanong tingin ko sa kanya na syang sinagot nya ng nakangiting tango.
"Miss." Tawag ko sa sales lady at tinuro ung nagustuhan ng kapatid ko.Habang nililibot ko ang paningin ko sa stante may nahagip ang mga mata ko na silver necklace na may pendant na cross at may mga nakapalibot na bato. Kakaiba sya sa iba dahil pa round ang style ng necklace nya.
Simple lang sya kumpara sa iba at wala syang kaparehas na design. Mura lang din sya sa halagang 1700.
"Miss patingin naman po nito." Turo ko sa kwintas.
Ngumiti naman ito at agad inabot sa akin ang kwintas. Pinagmasdan ko ito.
"Ang simple naman nyan te." Sulpot ng kapatid ko na tumabi pala sa akin.
"Maganda nga eh.." nakangiting sabi ko.
"Sabagay, mahilig ka sa mga simple, bagay yan sayo te." Sabi pa nya tumango ako.
"Miss paki sama na din po ito." Nakangiting sabi ko sa sales lady.
Binayaran ko ito ng cash.
Mag wi-widraw nalang ako.Naglibot kami dahil naghahanap kami ng makakainan.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa kapatid ko.
"Sa Greenwich te." Mabilis nyang sagot.
Tumango ako at mabilis na hinanap ang kakainan namin.
Kunti lang ang tao sa Greenwich kaya mabilis kaming nakaupo.Dumating naman agad ang order naming lasagna spaghetti, rice with chicken at one slice pizza with drinks nag pa extra kami ng isang box na pizza.
Oo ganyan kami kalakas kumaen.Habang kumakaen kinausap ko sya kung anog gusto nyang course sa collge dahil kaka-graduate lang nito.
"Siguro mag I.T nalang ako?" patanong na sagot nya habang kinakain ang spaghetti nya.
"Iyon ba ang gusto mo?" Tanong ko naman. Kasi parang hindi sya sigurado sa course nya.
"Hindi. Pero libre lang kasi don te, ang mga babayaran lang don ay uniporme at project. Pwede rin ako sa Manuela mag-aral kasi may kaibigan akong malapit don, don nalang ako tutuloy." Mahabang sabi habang kumakain naman ng pizza.
Tinitigan ko sya ng mataman. na ikinatawa nito.
"Baka kasi magulat kayo nila ate kapag kinuha ko ang gusto kong course." Sabi nito.
"Eh ano nga ba ang gusto mo?" Nakakunot na tanong ko.
Nag-isip mo na sya bago sumagot.
"Business Management." Sagot nya na nagpatulala sa akin.
Itong kapatid ko na 'to gustong mag-aral ng business management? Big word! Narinig kong natawa sya sa reaksyon ko.
"Kaya nga hindi nalang yon dahil alam ko naman na hindi natin kaya." Sagot nya at malamyang ngumiti.
Napaayos ako ng upo.
"Sige, sasabihan ko ang dalawa tungkol dyan sa gusto mo." Sagot ko ng makarecover ako sa sinabi nya.
"Tsk! Hindi mo na maasahan dyan si ate Cathy, alam mo namang may dalawang anak na yon." Saad nya naman.
"Hayaan mo, mata-take mo yun pero hindi ngayong taon, sa susunod pa dahil pag-iipunan ko muna." Sabi ko naman habang umiinum ng drinks.
"Talaga te?" Masayang tanong nya at tumango ako.
"Basta tulungan mo si mama sa pagtitinda at wag kang gala ng gala." Saad ko sa kanya na nagpakamot ng ulo nya.
"Hindi naman ah!" Tanggi naman nito.
"Kaya pala! Palagi kang nasa computer shop!" Saad ko habang pinanlalakihan sya ng mga mata. Tumawa lang itoMagana kaming kumakain ng magtanong nanaman ito.
"Ay te, nakita mo naba yung bagong boyfriend ni ate Cathy?" Tanong nito na nagpakunot ng noo ko.
"Sino? Yung kamukha ni master java?" Tanong ko na syang nagpahalakhak dito. Napatingin sa amin ang ibang kumakaen kaya naman sinipa ko sya sa ilalim ng mesa.
"Ang hard mo talaga ate lyn, kamukha talaga ni master Jabba? Sa dami ng alien sa star wars yun pa ang kamukha nya? Bakit di mo nalang sinabing kamukha ni master yoda?" Natatawang saad nya.
Nagtawanan kami sa pinag-uusapan namin.
Seryoso.. kamukha ni master Jabba yong boyfriend ni ate.
Mukha lang syang tao ng kaunting-kaunti.
Hahahaha! I know i'm being mean.. just kidding..Tinapos nanamin ang pagkaen nag-pa take out narin kami para pasalubong sa bahay bago umalis sa Montealegre Mall.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...