Jacque POV
Nagising ako sa marahang yug-yog ni Joana.
"Jacq Jacq, gising ka muna." Marahang saad nito.
Dahan-dahan akong bumangon.
Kumunot ang noo ko dahil hindi naman ito ang kuwarto ko sa bahay nila Joana.
"Nasaan tayo?" Tanong ko kay Joana na nakaupo sa tabi ko.
"Nandito tayo sa Hotel namin malapit sa Airport, nakatulog kana kanina eh." Sagot nito na lalong nagpakunot ng noo.
"Hotel? Airport? Bakit tayo nandito?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Hindi ba sinabi ni tita sayo? Sa Palawan ng Pinas kayo mag pi-pictorial ng gown.." saad nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya! Sa Palawan ng Pilipinas?
Alam kong may pagka-bingi ako pero matandain ako sa mga sinasabi sa akin, at natatandaan kong walang nabanggit si tita Lorri na sa Palawan pala ang pictorial ng gusto nyang imodel ko na gown.
Meron nga ba syang nabanggit? Takte! Hindi ko maalala!
"At ngayon na ang alis nyo, syempre sasamahan na kita. Mamaya mapagod ka ng husto, at magcollapse pa! Papagalitan ako panigurado ni Jay." Eksaheradang saad nito.
Napakamot ako sa ulo ko, wala si Cloud dahil nag-pa-alam ito na mawawala daw muna sya sandali dahil may pinapagawa daw sa kanya si tito Lucas.
"Nasaan ang phone ko? Tatawagan ko muna si Cloud." Saad ko kay Joana habang hinahanap ang bag ko.
San ko ba yon nilagay?
"Eto nalang gamitin mo." Abot nya sa akin ng phone na hawak nya.
"Naka-conect dyan ang number ni Jay, para sayo talaga yan, kahit nasaan pa sya matatawagan mo sya, pindutin mo yung unang number na makikita mo." Sabi nito habang nakangiti.
Inabot ko ang phone at agad i~di~nial ang numero ni Cloud, hindi ko napigilang paikutin ang mga mata ko sa pangalang naka phonebuk.
Lady Jhay's man dialling..
May ganun pa talaga? Natawa nalang ako.
Sa unang ring palang sinagot na nito ang tawag.
"Hello baby.." sagot nito sa kabilang linya.
"Cloud! Nasaan ka?" Tanong ko dito, araw-araw 'tong tumatawag sa akin, ngayon lang hindi.
"Aww baby.. you miss me already?" Pang-aasar pa nito. Umupo ako sa kama.
"Yes i am Cloud.. nasan ka nga.." saad ko dito.
Namimis ko na sya dahil ilang araw nang hindi ko sya nakikita.
"Don't worry baby, malapit nang matapos ang pinapagawa ni daddy sakin and i miss you too.." sagot nito sa malambing na tono.
Napangiti nalang ako ng tuluyan.
Nang maala-la ko kung bakit nga pala ako tumawag.
"Ay, Cloud pupunta pala kaming Pilipinas ngayon." Saad ko dito.
"Pilipinas? Anong gagawin mo dun? At sinong kami?" Tanong nito sa akin.
"Si tita Lorri mo kasi inalok akong maging modelo nya, pumayag na ako kasi naki-kiusap sya at sa Pilipinas daw ang pictorial." Mahabang paliwanag ko kay Cloud.
![](https://img.wattpad.com/cover/65822744-144-k813094.jpg)
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...