Cloud POV
Nang sagutin nya ako nong gabing yon, pakiramdam ko ako na ang pinaka masayang tao sa mundo.
Kaya kahit na hindi pa sya handang gawin ulit namin yon ayos lang, dahil kapag oras na pumayag sya susulitin ko talaga!
Matinding pagpipigil ang ginawa ko noong gabi na yon! Na break ko ang record ko na lalaking di nagpipigil, para sa kanya kahit mahirap at masakit sa puson ginawa ko.
Naalala ko yung unang pagtatalo namin dahil nakita ko syang may kayakap na tsinoy!
Hindi ako ang uri ng taong seleso at alam ko yun sa sarili ko.
Pero ng makilala ko sya, lahat ng mga hindi inaasahang bagay ay nararamdaman ko at sya lang ang nakapag paramdam.
Di ko talaga napigilang magselos ng makita ko silang magkayakap ng kung sino mang poncio pilato iyon.
Kahit pa sabihin nyang kaibigan nya lang yon nagseselos parin ako.
Hindi nya ako kinakausap at kahit anong dikit ko di talaga nya ko pinapansin at nasasaktan ako dahil binabaliwala nya ako.
Nang pumunta ako sa bahay nila Duncan sinadya ko talaga sya don gusto kong magka-ayos kami.
Sabi kasi ni Joana kapag ganitong tahimik ang baby ko nagtatampo daw.
Ano bang ginawa ko?
Kasi wala akong matandaan.Ang kaso naman wrong timing.
Tumawag si Duncan at pinapatawag daw ako ni tito Jade dahil mag me-meeting.
Kaya sabi ko kinabukasan nalang kami mag-usap dahil may katagalan ang pagpu-pulong namin kapag
tungkol sa operation.Nagulat pa ako ng malaman na ang nererekomenda palang spy ni Duncan ay ang baby ko!
Ang tindi ng tangi ko na ang baby ko ang gagawing spy!
Lahat ng operation namin kahit gaano kasimple ay mapanganib.
Lalo na kung sa mismong lungga ng mga kalaban ka mapupunta.
Kailangan ang gagawa non ay marunong humawak ng baril.
Natapos na ang meeting namin pero kami ni Duncan ay hindi pa rin.
Nakikipag talo parin ako dahil mariin ang pagtanggi ko na gawing spy ang baby ko.
Naiwan ang grupo namin na kinabibilangan ko,
Duncan, Vince, Alexis, Adrian, Alec, Chris, Gray, Ren at Josh.Isa kami sa mga grupong mabibilis at gamay lumusob sa lungga ng mga kalaban.
Pero ang itaya ang buhay ng babaeng mahal ko ay ibang usapan na, kung kinakailangang itakas ko ang baby ko gagawin ko wag lang matuloy ang pag s-spy kuno nya, pero sinabi ni Duncan na pumayag na daw ang baby ko, sinabi din ni tito Jade sa akin na hindi daw ako ang magdidisiyon.
Napahinga nalang ako ng malalim.
Kailangan ng baby ko makuha at makabitan ng device namin ang chips ng mga kalaban na naglalaman ng mga importanteng files ng malaking organisayon na 'to.
Nagbebenta sila ng mga babae, mga drugs at may mga illegal na armas din sila.
Kinakabahan ako di pa man din kami nagsisimula.
Ang isiping nakasalang ang babaeng mahal ko ay nagbibigay na ng matinding kaba sa akin.
Kaya kailangan ko syang makausap ngayon.
Susunduin ko sya sa MCS dahil half day lang sya.
Nakabihis na ako ng may mag door bell.
Binuksan ko ang pinto at nakita kong
si Janine pala ang nag door bell, ano nanamang kailangan nito?
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...