Chapter 26

6.6K 167 0
                                    

Jacque POV

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Silang dalawa sa iba-baw ng kama at kapwa walang saplot.

Para akong tinakasan ng ulirat, natulala ako at bumalik sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Janine non sa Montealegre Island, "Your guess is right honey, He fuck me too like he fuck you and his still fucking me."  napakurap ako habang  parang echo ang boses ni Janine sa isipan ko.

Naghahalikan sila habang si Cloud ay nakahawak sa magka-bilang balikat ni Janine, nakapikit pa sya!

Gusto kong talunin sila at pagbabalian ng buto! pero sa hindi malamang dahilan hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko, maging ang isip ko ay parang na blangko habang nararamdaman ko ang pang hihina ng tuhod ko.

Nagmulat sya ng mata at sa dereksyon ko unang tumama ang asul nyang mga mata.

"Baby?" Bigla nyang itinulak si Janine na ikinalaglag nito sa higaan.

Mabilis syang tumayo mula sa kama, naka boxer short pa pala tong hayop na 'to!

"Baby i can explain!" Biglang sabi nya sa akin.

Tumayo din si Janine at mabilis na niyakap si Cloud.

"Sweetie lets continue of our love making." Nakakapanindig balahibong sabi pa nya.

Nakita kong mabilis na tinanggal ni Cloud ang mga brasong nakayakap sa kanya.

"Stop it Ja!" Galit na sigaw nya sa malanding pusa na to!

Lumapit sya sa akin pero dahil sa kaguluhan sa isip ko at sa nakita ko ngayon dumagdag pa ang sakit na nararamdaman ko dahil sa eksena nila, mabilis akong humakbang paatras habang nanginginig ako sa galit.

"Baby-" panimula nya pero pinutol ko ang anumang sasabihin nya.

"Don't call me that!" Malakas na sigaw ko na nagpatigil sa kanya.

Humakbang ako palapit sa kanya at binigyan sya ng malakas na sampal sa kanang pisngi na nagpabaling sa kanya!

Bumakat ang palad ko sa guwapo nyang mukha!

"I hate you!" Galit na galit na sigaw ko sa kanya, pagkatapos mabilis akong tumalikod at lumabas ng bahay nya, sa ngayon iyon lang ang kaya ko, dahil hindi talaga gumagana ang isip ko.

Hindi ako makapaniwalang magagawa nya ito sa akin! dapat talaga sa simula pa lang hindi na ako umasa na mamahalin nya ako ng tunay! bakit ba kasi ang tanga ko? naniwala ako sa mga sweet gestures nya at mabubulak~lak na salita!

Ano nga namang laban ko sa isang Janine Thalia? na bukod sa kababata nya ito, mayaman, maganda at higit sa lahat pang rampa ang katawan, wag mo ng isama na napaka babaero ni Cloud noon at mukhang magpasa hanggang ngayon and the worst thing is, ' I am one of his slut' masakit mang aminin sa sarili ko pero sadyang iyon talaga ang katotohanan.

Nagsimulang maglandas
ang mga luha ko at parang nawala ako sa sarili ko habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada.

Nakarating ako sa bahay ng hindi ko namamalayan.

Wala pa ang dalawang mag kuya dahil wala pang ilaw.

Agad kong hinanap ang susi ng bahay sa bag ko at pumasok.

Umakyat sa silid ko at nagkulong ng kwarto.

Umiyak ulit ako ng umiyak, sadyang nakakaiyak ang pagiging tanga.

Hanggang sa napagod ako at naka-idlip.

Naalimpungatan ako dahil nagugutom na ako.

Anong oras naba?

Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon