Jacque POV
Maaga akong nagising ngayon.
Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para gawin ang morning ritwals ko.
Pagka-labas ko ng pinto narinig ko ang malakas na tug-tog sa ibaba.
Siguradong si Joana ang nagpapatug-tog dahil yan din ang hilig nya.
Tumug-tog ang Need you now ng Lady antebellum.
Sinabayan ko ang lyrics ng kanta habang bumaba-ba ng hagdan at lumalakad pa puntang kusina.
Picture perfect memories scatters all around floor
Reaching for the phone
cause i can fighting anymore
And i wonder if i ever crossed your mind for me it happens all the time..Nakita ko sila Joana at Duncan pero hindi lang silang dalawa ang nandito.
Kasama nila sila Cloud, Adrian at Josh na abala sa paghahanda ng mga dadalhin.
Ngayon na kasi ang swimming.
"Good morning Jacq Jacq!" Energetic na bati ni Joana kasabay ni Duncan.
Kaya napatingin sa akin ang tatlong 'to.
Nailang man ang pakiramdam
Ngumiti parin ako sa kanila."Morning din! Handang handa ah!" Ganting bati ko sa kanila habang umiinom ng fresh na gatas.
"Syempre naman! Ready naba ang two piece mo?" Masayang tanong ni Joana na nagpasamid sa akin!
"Oh! Dahan dahan naman Jacq Jacq! Di ka mauubusan!" Suway nya sa akin habang tinatapik ng malakas ang likod ko.
Sinalo ko ang kamay nya dahil sadyang malakas ang pagkaka-tapik nya! Nang-aasar nanaman 'to ang aga-aga!
"Tama na! Matanggal ang baga ko sa ginagawa mo!" Inis kunwaring sabi ko.
Tinawan ako ng bruha.
Narinig ko din na tumawa sila sa sinabi ko.
"Bakit Jacq Jacq ang tawag mo kay Jacque Joana?" Nabigla ako sa tanong na iyon ni Cloud.
Ngumisi naman ng nanunukso si Joana sa kanya.
Sa totoo lang di ko inaakala na ginagamit nila Cloud ang lenguwaheng pilipino.
Kilala ko naman kasi sila Joana at Duncan nag-uusap talaga kami ng lenguwaheng pilipino dahil nga don ko sila sa Pilipinas na kilala.
Mas na una kong nakilala si Joana dahil nga mahilig 'tong mag-shopping.
Nang makilala ko si Duncan bilang kuya nya saka ko lang napansin na may lahi silang banyaga halata sa mata at tangkad ni Duncan.
"Bakit Jay? Anong tawag mo kay Jacq Jacq?" Nanunuksong tanong nya kay Cloud.
Jay talaga ang tawag nila kay Cloud dahil second name nya ang Jay.
Pero ako Cloud ang tawag sa kanya. walang pakealamanan.
Binitawan ni Cloud ang ginagawa nya at tumutok sa akin ang asul nyang mga mata.
"I prepared Baby for her."
Conceited na sagot nya ng hindi kumukurap!Waaah! Adek talaga 'tong Cloud na to!
Ang lakas ng loob na sabihin yan sa amin!
Naramdaman kong nag-init ang mukha ko at kahit hindi ako manalamin alam kong pulang-pula ang mukha ko!
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
РазноеSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...