Cloud POV
Nakita ko ang pag-lapag ng isa sa mga private plane namin.
Napailing pa ako nang mabasa ko ang nakasulat sa eroplano.
Josh Ruiz Montejo International Airlines.
May pangalan pa talaga.Bumaba na ang mga sakay nito. Agad kong sinalubong si tita Lorri at hinalikan sa pingi.
"Kaya naman pala pakakasalan mo na ang binibini mo.. ang ganda-ganda nya, we so proud of you Jay at nakakita kana din ng magpapatino sayo.." mahabang saad agad ni tita.
Napangiti nalang ako.
Kasunod na bumaba si Joana, Alexis, Vince, Gray at Josh.
"Hey dude! Tulog na tulog ang baby mo.." nakangising salubong sa akin ni Vince.
"Mabilis palang antukin yun?" Saad naman ni Alexis.
"Antukin talaga ang mga nagda-dalan tao mga hijo.." saad naman ni tita Lorri.
"Kaya nga buhatin mo nalang si Jacq Jacq para hindi magising, antinde ng tulog eh! Hindi magising, nanaginip pa ata." Nakatawang saad naman ni Joana.
Mabilis kong inakyat ang hagdan ng eroplano.
Nakita ko si tito Randy at Reid na magkasabay lumabas.
"Oh! Jay.. susunduin mo ang iyong binibini?" Nakangising bati sa akin ni tito bago ako binati ng yakap at tapik sa balikat.
Binalik ko ang yakap at tapik nya sa akin.
"Opo tito.." nakangiting sagot ko, tinapik din ako ni Reid sa balikat.
Pumasok ako sa silid ng baby ko, nakita ko syang mahimbing na natu-tulog.
Nakangiting pinagmasdan ko muna sya, napansin ko ang suot nyang night-ties na puti, mabuti nalang may suot syang bra dahil may kanipisan ang pantulog nya, dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at dinampian sya ng halik sa labi,bago ko maingat na binuhat.
Nakarating na kami dito sa hotel, anim na araw bago ko pina-bakante ang buong hotel tanging mga staff ko lamang ang nandito dahil ukupado namin ito, dito pakaka-inin ang mga dadalo sa engrandeng kasal ko.
Pagkatapos ko syang ihiga sa malaki at malambot na kama.
Binilinan ko ang mga mag-aasikaso sa mahal ko, sinabihan ko na antayin syang magising kinabukasan. At pagkatapos ayusan na.
★★★
Kinabukasan ay nakahanda na ang lahat.
Ang bride ko nalang ang hinihintay, nakasuot kaming lahat ng formal attire, ang mga ninong at ninang ay kumpleto na, puti ang theme ng napili ni Liane para sa mahal ko, maganda naman kaya maraming sumang-ayon.
"Kuya Jay! Magpapatali kana rin sa wakas!" Malakas na bati sa akin ni Christian pinsan ko 'to sa mother side at kakambal ni Alec.
"Oo naman, kailangan ko nang itali ang binibini ko sa akin at baka makawala pa!" Ganting bati ko naman sa kanya na tinawanan ng iba ko pang pinsan,
ang aking angkan ay nandito lahat. Kahit si tita Vanessa na nasa Venice ay nakapunta kasama ang asawa at dalawang pinsan ko.
"Dapat mo ngang itali ang tigre mong binibini.. nakakatakot kapag nagwawala eh.." natatawang sabat naman ni Vince at saka kami nagtawanan.
Tumawag ang driver ng karawahe na pinagsakyan ng baby ko at sinabing nandito na daw sila.
Bigla akong pinag-pawisan dahil sa kaba.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...