Chapter 22

7K 186 2
                                    

Jacque POV

Ano daw?
Ako may katext?

"Hey! Kayong dalawa dyan akyat na." Tawag ni Joana saming dalawa.

Di ko sya sinagot dahil wala naman akong katext.

Bakit naman nya nasabi yon?
Nauna na ako sa kanya.

Naramdaman kong hinawakan nya ako sa kamay para alalayan pasakay ng lantsa.

"Ano na baby? Sinong katext mo kanina?" Inulit nya ang tanong nya sa akin habang pa upo kame pag-kaakyat.

"Wala akong katext." Nakakunot noo na sagot ko sa kanya.

Makulit 'to eh kaya hindi ako tatantanan nito.

"Wala daw, nakangiti ka pa nga sa van." Sumimangot ang guwapo nyang mukha ng sabihin nya yon.

Napa-isip naman akong maigi.
Kanina? Saka ko lang na-alala.

Natawa ako ng mapagtanto kong ano yong sinasabi nya.

Hinapit nya ako palapit sa kanya.

"Why are you laughing at?" Nakasimangot talaga sya.

"Wala akong katext, nagbabasa ako ng Wattpad." natatawang sagot ko sa kanya.

Adek lang? Porket hawak ang phone at tumatawa may katext agad?

Tinitigan nya akong maigi.
Tinititigan ko din sya.

Pagkatapos ngumiti sya sa akin at dinampian ako ng halik sa noo.

Nagulat ako kaya kinurot ko sya sa tagiliran nya.

"Aww!baby!" Hinuli nya ang kamay ko.

"Nawiwili ka na ah!" Inis kong sabi sa kanya para mapagtakpan ang hiyang nararamdan ko!

Pero tinawanan lang nya ako!

"Can't help it." Simpleng sagot nya.
Hmp! Ganito rin kaya 'to sa ibang mga babae nya?

Ayoko man isipin pero di ko mapigilan! Hmp! Kainis.

"Oi oi, tigil muna ang PDA nyo dyan meryenda muna!" Agaw atensyon sa amin ni Joana.

Saka ko lang napansin ang mga kasama namin na nakapalibot pabilog sa ibaba ng lantsa.

Nandito kasi kami sa may deck sa taas.

May dala si Joana na pagkaen kakaiba ang itsura nila dahil may dahon dahon sa ibabaw na nalagay sa tray.

"Walang fries?" Tanong ko kay Joana.

"Meron baby ko, wait lang at ipa-pa fried ko muna, wait me here ok?" Sabat ni Cloud.

Tumango lang ako.
Ngumiti naman sya sa akin bago bumaba.

Tumabi sa akin si Joana na may ngiting nakakaloko.

"Hindi kita nauusisa dahil parehas tayo busy kahit magkasama pa tayo sa bahay, ngayon iinterbiyuhin kita, kelan pa kayo ni Jay ha?" Mahabang sabi nya sa akin.

Hindi talaga sya nagku-kuya kay Cloud dahil bukod daw na si Duncan ang kaedad nito isang taon lang naman daw ang agwat nila.

Si Duncan ang tinatawag nyang kuya dahil bukod sa kapatid nya ito,
nakasanayan talaga nya.

Ako naman? Hindi ko talaga tinatawag na kuya si Duncan.

Nahihiya ako no! Nakaka-ilang kasi. noong una kaming nagkakilala napagkamalan kong magkasintahan silang dalawa dahil nakikita kong sinasamahan nya si Joana dati sa Dept store.

Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon