Chapter 11

7.3K 197 0
                                    

Cloud POV

Nakatulala ako sa habang tinititigan ang kape ko.

Hindi ko parin makalimutan ang ng yari noong nakaraang araw bago ako lumipad paalis ng Pilipinas.

"Hey son." Napalingon ako bigla ng marinig ko ang boses ni Daddy.

"Yes, dad?" Biglang tanong ko. Mataman nya akong pinagmasdan.

"Is there something wrong Cloud Jay?" Tanong ni Dad.
Napaayos ako ng upo.

Kapag ganito kasing tinatawag nya ako sa buong pangalan seryoso sya.

"Nothing Dad." Umiling-iling pa ako.

Tumingin sya sa akin at tinitigan akong maige
habang nakatukod ang mga siko nya sa lamesa
ng aming hapag kainan.



Nandito na ako sa L.A dalawang araw na ang nakalipas.

Dito ako tumuloy sa Real State namin dahil tumawag si Duncan at sinabing dito daw ako dumiretso dahil nandito sila mom and dad.
Hindi na ako nagulat. Supportive sila sa kung ano ang mga ginagawa ko.

"Masyadong malalim ang iniisip mo, kaya wag mong sabihin na wala lang, come on son, you can tell your father." Malalim ang boses na saad nya sa akin.

Napangiti ako. Ganito sila ni mommy sa akin.
Siguro dahil nag-iisa akong anak kaya inaalam nila kaagad kung my problema ako.

"Tungkol lang po sa trabaho dad." Ayokong sabihin ang totoong dahilan.


Na para akong baliw kakahanap sa binibining naka one night stand ko na hindi ko man lang alam ang pangalan.


Great.. just great Cloud Jay Montealegre. Ginayuma ata ako ng binibining yun.

"Hindi trabaho ang dahilan mo Jay, babae yan.. i can feel it." Tumatango-tango pang sabi nya.

Napanganga ako sa sinabi ni dad.
Ganon ba ako ka transparent para mahulaan nya?

"I am correct? Then who's the lucky girl, mukhang sya na ang pag-asa namin ng mommy mo para tigilan mo na ang pambabae at mag focus nalang sa isa." Tanong ni daddy.

Hindi ako nakasagot agad.

Paano ko sasagutin kung ako mismo hindi alam ang pangalan ng binibini! Sh*t!
Mataman nya akong tinitigan at hinihintay ang sagot ko.

"I-i don't know dad." Nag stammer pang sagot ko.

"You don't know? I guess she's one of your women then." Sabi ni daddy.

Mabilis akong umiling.

Ayoko isipin na isa sya sa mga babae ko. She's one of the kind, she's special.

"No dad. She's special." Mabilis kong sagot.

"Ano ba ang ngyari?" Tanong ni daddy.

Huminga ako ng malalim
bago nagkwento.

Alam naman nya ang gawain ko so much better kung ikwento ko nalang ng buo.


Biglang umalingaw-ngaw sa hapag kainan ang halak-hak ni daddy na pati si mommy na nasa garden ay pumasok sa loob.

Nangunot ang noo ko kay daddy, seriously?

Nagtatanong sya tapos tatawanan lang ako?

"For the first time of history of our clan, ngayon lang ako nakarinig na iniwan ang isang Montealegre pagkatapos nag pakikipag-niig." Tumatawang sabi nya.

Sumimangot ako dahil hindi parin humuhupa ang tawa nya.

"That girl is really special, kung nagising sya at nakita ka nya na katabi sa kama hindi yun aalis sa tabi mo kong normal na babae yun ay yayakap pa yun sayo at hindi aalis sa mga bisig mo." Natatawang sabi ni dad.

"But.. she leave you? Amazing..." patuloy pa nya.

Narinig kong tumawa din si mommy na nakalapit napala sa amin.

"Jay, hindi mo ba alam ang pangalan nya?" Nakangiting tanong ni mommy.

Umiling ako.

"Nang magising ako noong umaga wala na sya sa condo ko mom." Problemado talagang sagot ko.

"Wag ka ng malungkot son, kung para sayo ang binibining iyon, magkikita at magkikita kayo." Saad ni daddy na sinang ayunan
naman ng mommy.

"Maganda ba son?" Tanong ni mommy.

Napangiti ako ng maalala ko ang unang beses na nakita ko sya sa MCS.

"She is mom." Nakangiting sagot ko. Napangiti si mommy

Tumango-tango din si daddy.

Tumayo na ako at nag excuse dahil magkikita-kita kami ng iba ko pang mga pinsan ngayon.

"Excuse mom, dad, i got a go. Pupunta ako kayla Josh ngayon eh." Magalang na paalam ko.
Tumango silang dalawa.

"Ok, take care son, drive safely." Saad ni dad.
Tumango ako kay dad.
Humalik ako kay mom bago lumabas ako ng hapagkainan.

Pero bago ko pa ulit maihakbang ang mga paa ko narinig ko sila mom and dad.

"Sana makita ni Jay ang binibining sinsabi nya, gusto ko iyon makilala. She's interesting, akalain mo? Iwan si Jay pagkatapos ng pakikipag-niig? Hahaha!" Halak-hak nanaman ni dad.

Napailing ako. Hindi talaga maka-get over si dad.

"Sana nga.. pero alam mo gusto ko din si Janine para sa kanya." Narinig kong sabi ni mom. Nasimangot ako sa narinig ko. Bakit ba gusto ni mom yun?

"I don't like Janine for Jay," mabilis na sagot ni dad na nagpangisi sakin.

"Why?" Tanong naman ni mom.
"She's spoiled brat and hard headed girl. Kung yun ang pakakasalan ni Jay, mabuti nalang ang mambabae sya." Tumatawang sabi ni dad.
"You're so mean Lucas," narinig kong sabi ni mom habang tumatawa din.
Umiling nalang ako at pumanhik sa itaas.

Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon