Chapter 15

7.1K 179 0
                                    

Cloud POV

Nakaharap ako sa full length na salamin dito sa hotel na tinutuluyan namin.

Ngayon ang araw ng dating nila tito Jade at Tita Ellen galing London. tito Jade is my Daddy's second Brother.

Panganay si daddy sa kanilang anim na magkakapatid.

Apat silang lalaki at dalawang babae.

Si Daddy ang namamahala ng mga negosyo nila pero napaghati-hati na ang mga ari-arian nila.

Nagbukod-bukod sila ng mga negosyo. ang dalawang babaeng kapatid nila daddy ay nakapag asawa ng mga politiko.

Magkaganon pa man lalong lumalakas ang impluwensya namin dahil kahit bukod-bukod na ang mga ari-arian nila, at may sari-sariling pamilya na, di nawawala ang respeto, paggalang,kapatiran at tulungan nila sa isat'isa, na lalong nagpapatibay ng aming angkan.

That's why Montealegre. our Clan is one of the most powerful family along Asia..

Bigla ko naalala ang pag-uusap namin ni Duncan.
Mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan.

Flash back

Dahil sa description ni Josh lalong lumakas ang hinala ko na ang binibining yun ay ang babaeng nakaniig ko.

Nagtatawanan sila habang kami naman ni Vince ay nagkatinginan.

"Gago ka kasi Adrian eh, ayan eh di tinamaan ka." Natatawang saad ni Josh.

"Shup up bro!" Pikon na si Adrian. Mabilis mapikon 'tong si Adrian pero ang lakas mang alaska.

"Tigilan nyo na yan." Saad ni Duncan sa kanila.

Tumayo sya habang hawak ang cell phone nya.

"Oh paano.. una na ako sa inyo, may gagawin pa ako." Paalam ni Duncan bukod kasi sa pagiging Secret Agent may mga negosyo din ang taong 'to.

Nasa dugo talaga namin ang pagiging negosyante bukod sa hilig naming mag undercover as an agent.

Isa-isa nya kaming tinapik.
Nauna na syang lumabas ng bahay ni Adrian.

Nagkatinginan kami ni Vince.
Alam nya kung ano ang nasa-isip ko.

Parang sinasabi ng tingin nya na wag na akong mahiyang magtanong kay Duncan. Kaya naman mabilis akong tumayo at sumunod kay Duncan.

Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon