Chapter 10

7.5K 183 0
                                    

Jacque POV

Nagising ako na parang nilalagare ang ulo ko.
Napahawak ako sa sintido ko at hinilot-hilot ito habang nakapikit ang aking mata.

Alam kong hindi ako sanay uminom. Pero ang O.A lang dahil sa pagkakatanda ko eh isang basong margarita lang ang ininom ko kagabi.
Naramdaman ko din na
masakit ang gitna ko.

Nang may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Kasabay na yakap mula sa likuran ko.
Napamulagat ako bigla ng mata! Dahan dahan akong lumingon sa tabi ko at shete! Ang guwapo ng lalaki!! Lalaki?? Teka asan ako??!!

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay, Kulay beige ang pintura ng mga dingding.
May malaking t.v flat screen na nakakabit sa dingding nito may dalawang kulay brown na sofa at mini table sa gitna. May malaking walk in closset sa gilid nito.
Bukod sa King size na kamang aming tinulugan ay wala ng iba akong nakita.

Takte! Anong nagawa ko!
Binigay ko ang V-card ko sa lalaking ito ng walang pakundangan!

Dahan dahan kong inalis ang mga braso nyang nakakapit sa akin. At maingat na bumaba ng kama.

Red carpet ang sapin ng sahig nya dito sa bahay nya?
Mabilis kong kinuha ang mga damit kong nagkalat kung saan-saan.
Habang nagbibihis pinagmasdan ko ang mukha nya. Mahaba ang pilik mata nya at kayumangi ang maskulado nyang katawan.
kamukha talaga nya si Robbie Amell o mas guwapo pa ito?
Parang nakakaramdam nanaman ako ng pag-iinit ng katawan.
At kahit masakit ang gitna ko. Binilisan ko ang kilos at dahan dahang pinihit ang door knob. Pag ka bukas ko.

Napamulagat ako dahil bumungad sa akin ang malawak na sala. Karugtong ang kusina. Natatanaw ko pa dito ang stante ng mga
mamahaling nyang wine.
Seriously??
Lumingon ako sa pintong kinatatayuan ko at napanganga ng Ma realize kong silid pala nya yon!

Kung ganon? Mayaman ang Lalaking ito?! Eh bakit nya ako ikinama?

Isang simpleng babae lang ako.
Aaminin kong maganda ako. Simpleng makinis na mukha at maputing kulay ng balat.
sa taas kung 5'1 alam kong maliit ako kumpara sa mga babaeng matatangkad na siguradong naikama narin nito. Ah, siguro sa kalasingan nya kagabi eh ang tingin nya maganda at seksing babae ako.
Siguradon lasing 'to kagabi.
Sa itsura ng lalaking ito babaero 'to.

Sa isiping iyon naging mabilis ang mga hakbang ko.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nagmamadaling umalis.

Sakto naman at bumukas
ang elevator na walang sakay mabilis akong pumasok sa loob.
Sinulyapan ko ang mga number botton at pinindot ang G-floor.
Nasa 65 floor pala kame. Nakakalula.
Binuksan ko ang bag ko.
Napasulyap ako sa relo sa bisig ko its 4:37 in the morning. Ang aga pa pala.
Kinuha ko ang phone ko at nakitang tumatawag sakin si mama, ang mga kapatid ko pati si Analyn kagabi pa.
Napahinga ako ng malalim.
Mabilis kong tinawagan si Analyn.
Naka anim na ring bago nya sinagot.
"Hello?" Alam kung nabulabog ko ang tulog nya pero kailangan ko ang tulong nya para hindi ako masermunan sa bahay.
"Hello Analyn.." sagot ko.
"Jacque?" Tanong nya.
"Oo ako 'to sensya na sa abala pero pwede bang dumiretso ako dyan sa inyo?" Tanong ko.
"Oo naman! Alam mo namang welcome ka dito sa bahay, alam mo naman ang bahay ko diba? Deretso kana lang. Antok pa ako." Sabi nya at napahikab pa sa kabilang linya.
Napangiti ako.
"Sige sige, deretso na ako dyan." Sabi ko.
"Sige sige." Then she hung up her phone. Antagal naman bumaba sa G-floor.

Huminto ang elevator at may pumasok na tatlong lalaki at isang babae.
Lima kaming nasa elevator.
Nakatulala ako habang iniisip ang mga ng yari kagabi.
Grave.. umiling-iling ako.
Napatingin ako sa elevator door at dahil stainless iyon may repleksyon.
Nakikipag halikan ang babaeng kasamahan ng mga lalake sa isang kasamahan nila na may pulang buhok.

Nangunot ang noo ko.
Ganun ba kalalim ang
iniisip ko at hindi ako aware sa mga 'to?

Bumukas ang elevator at lumabas ang babae.
Akala ko susunod ang tatlong ito. Pero laking gulat ko ng kumaway lang sila dun sa babae nag thank you pa si babae dito kay red hair.
Sabay nagtawanan silang tatlo pagka-sara ng elevator.
Hindi pala nila kilala yung babae? Naloka ako..

Ang tagal talaga ng G-floor.
Nanindig ang balahibo ko sa batok. Alam kong nakatingin ang mga 'to sakin.
Napatingin ako sa
repleksyon ng elevator.
Nakatigtig sakin si red hair guy. Napataas ang kilay ko.
Kursunada pa yata
ako nito ah.
"Hi miss." Bungad sakin ng red hair guy. Tiningnan ko lang sya. Buset talagang G-floor yan. May itatagal paba 'to? Naiinis na ako.

Nang sa wakas bumukas ang elevator sa G-floor lalabas na sana ako ng maramdaman ko ang kamay nyang humablot
sa bewang ko.
Idinikit nya ako
sa katawan nya.
"Wala pang nangahas na mang-snob sa akin miss cutie." Nakangising sabi nya.

Automatic ang reaksyon ng katawan ko. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya.
Nginitian ko sya.
Sabay tuhod sa kanya ng malakas sa gitna nya.
Nagulat ang dalawang kasama nya sa ginawa ko.
At sya naman ay napaluhod
ng tuluyan.
"F*ck!" Sigaw nya.
"Ayan lang ang maibibigay kong atesyon mister." Sabay karipas ng takbo palabas.
At dahil maaga pa walang nakakita ng ginawa ko.
Hindi rin naman nila
ako hinabol.
Hmf. Akala nya ah! Tama na ang isang lalaki na
naka home run sa akin.

Nang makalabas ako ng Condominium nilingon ko ang pangalan.
Montealegre Royal Condominium.
Napangnga ako.
Kilala ang mga Montealegre Royal Condominium bilang pinaka mahal na Condo sa buong pilipinas!

Oh my G!
Kaya pala may red carpet ang buong kuwarto ng lalaki na yun. Mga dugong bughaw lamang ang nakakapasok sa mga ganyang lugar.

Huminga ako ng malalim.
Masuwerte ba ako at sa isang dugong bughaw ang nakadale ng V-card ko?
Umiling ako.
Hindi ko na dapat pang isipin yun total naman paniguradong hindi na kame magkikita pa.

Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon