Jacque POV
"Kailan ang alis mo Lyn?" Tanong ng ate ko sa akin habang nag aayos ako ng mga damit sa maleta ko.
Nakabili ako ng murang maleta sa ukay-ukay
malapit sa amin.
400 lang murang mura.
"Sa susunod na Lunes te' inayos ko na ngayon palang. Exited ako eh." Tumawa sya sa sinabi ko.
Napatingin ako sa ate ko.Sya si Catherine Flores ang panganay sa aming magkakapatid.
Maaga syang nakapag asawa sa edad na disisyete.
Matanda lang sya ng isang taon sa akin.
Nang malaman ng mama namin na nagdadalantao sya noon nagtapos sya ng high school.
Umiyak si mama nagkulang ba daw ba sya ng paalala sa kanya noon.Nang makita ko na umiyak si mama.
Naiyak din ako.
Kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi muna ako mag-aasawa katulad ng ate ko.
Na maghahanap muna ako ng trabaho at pag naging stable na ang katayuan ko saka na ako mag-aasawa.
Pero ayokong maranasan ang nangyayari sa kanya ngayon.
Luhaan ang kanyang mga mata.
Hay.. bakit kaya ganon?May pinsan kame na si ate Ces sa mother side.
Nakapag asawa sya ng magtataho at kamukha ni Tasyo ang mukha.
Maliit na tao sya at maitim.
Mukha ba akong nanlalait?
Hindi naman diba? Dine-discribe ko lang yung asawa nya.Nagpakasal pa sila pagkalipas ng isang taon ng magkaron sila ng lalaking anak na si Kurt ang pangalan.
Nagloko ang asawa nya. Nambabae pa! Kapal ng mukha ang p0ta.. magtataho na nga lang sya nakuha pang lokohin ang ate Ces kong parang singkamas ang kulay ng balat dahil sa puti.
Hay..Pagkatapos yung kapatid naman ni ate Ces na si ate Melai. Nagkapag asawa ng guwapo. Ikinasal din.
Pagkatapos ng isang taon at magkaron sila ng anak na lalaki din ang pangalan ay Anjo. Ayon! Nagloko din!
Mga gagong lalake.At ngayon ganon din ang ngyari sa ate ko.
Ang matinde lang dalawa ang anak nila na sobrang kulet!
Pero magkaganon pa man di sila matiis ni mama.
Kaya ayun umuwi sa bahay kasama ang dalawang anak nyang sila Sean at Ace parehas lalake.Ewan ko ba naman dito sa ate ko. Ang gandang babae eh sinayang lang nya.
Nag asawa ng maaga at nagkaron ng dalawang makulit na anak na lalake.
Pero ang ending?
Ayon nambabae ang asawa nya.Ang asawa nya-- ay dati palang asawa nya ay kilalang kilala ko.
Paano ba namang hindi ko makikilala? Eh naging kaklase ko noon ng grade 5 un.Isa syang gangster na mahilig makipag basag ulo sa kanto.
Kilalang-kilala yun sa Room namin noon.Paano ba namang hindi makikilala? Eh tirador yun.
Tirador ng mga ball pen.
Kaya kapag nawalan ng ballpen ang isa sa amin.
Buksan mo lang ang bag nya.
Paniguradong magkikita kayo ng ball pen mo.Ang alam ko hindi yun nakapagtap0s ng grade 5. Napabalita dati sa school na meron daw yun nilabanan na guro. Kaya na drop out.
Nung nalaman ko na yun ang nanliligaw sa ate ko.
Sinabi ko sa kanya ang mga katangiang tinataglay nun.
Sinabi ko sa kanya na wala syang mapapala dun.Eh ang kaso nga 'Love is Blind' ayon! Na blind nga sya at yun ang napangasawa nya na hindi rin naman nagtagal dahil nagluko
ang gago.Makalipas ang isang taon. Tuluyan na silang naghiwalay ng asawa nya. Ang dalawang anak nilang lalake ay nasa bahay. Hindi na rin naman alagain pa dahil ang edad ng panganay nya ay walong taon at ang pangalawa ay pitong taon.
Kaya nasabi ko sa sarili ko? Kung magkakaron man ako ng boyfriend at kung may mangyari sa amin tapos nabuntis ako? Hinding hindi ako maghahabol lalo na kung tatalikuran lang din ako.
At least may anak ako. HeheheAng ate ko ay may taas na 5'4 matangkad sya kumpara sa iba. Namana nya ang makapal na buhok at kilay sa aming ama. Bilugan ang
kanyang mata.
Habang ako naman ay may taas na 5'1 Katamtaman lang ang katawan ko. Kulay brown ang aking buhok na lagpas sa balikat ko ang haba.
Pero hindi kagaya ni ate ang mga mata ko at kilay,
Singkit ang aking mga mata at kulay chokolate din ang aking mata katulad ng kay mama. Manipis lang ang kilay ko. May manipis at mapulang labi. Napaka simple ko lang kumpara sa ate ko na bumbayin ang aura.
Habang ako? Mukha akong china doll. Lalo na at nagpakulay ako ng buhok."Ilang taon ang kontrata mo doon?" Nagbalik sa kasalukuyan ang aking isipan sa tanong ng ate ko.
"3 years ang kontrata ko." Sagot ko sa kanya.
"Ang tagal ah.. mamimis ka namin."
Napangiti ako sa sinabi ng ate ko. Ako din mamimis ko sila. Ang sumunod sa akin ay mas bata sa akin ng limang taon si Christine.
Pero gusto nya na tinatawag syang Chris lang.
Napapabilang sya sa mga 3rd sex. Isa syang lesbian.
Kung hindi lang lesbian 'tong kapatid ko. At naging tunay na lalake 'to.
malamang sa malamang naka buntis na 'tong isang to.
Ang lande eh. Kung sino-sinong babae ang kasama.
Ang bunso naman namin na si Romell ay 17 years old na.
Katatapos lng sa secondarya.
Balak kong pag-aralin sya sa kolehiyo.Ang ate Cathy ay nagtatrabaho sa isang restaurant na nakabase sa manila.
Ang kapatid ko naman na si Chris ay nagtatrabaho sa convenient store malapit samin.Mabilis kong niyakap ang ate ko. Ganito kame ka close.
"Mamimis ko din kayong lahat. Alagaan mo sila mama pati si lola at yung mga anak mo ha. Wag mong papabayaan."Oo naman. Mag i-ingat ka doon ha. Palagi kang tatawag sa skype kapag kokontakin mo kame ha?" Tinap pa nya ang balikat ko habang nakayakap sa akin. Napangiti nalang ako.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...