Cloud POV
Matapos mag report si agent Lady jhay na nakapasok na sya bilang maid ng organisasyon ay hinanda na ang mga gagamiting device para madaling malalaman kong anong nangyayari sa kanila.
Nandito kami ngayon sa hapag at nag aagahan nang lumapit ang isa sa mga kasambahay.
"Excuse me Ma'am Joana you have a visitor." Narinig kung saad ng isang maid dito sa mansion habang kumakain kami dito sa hapag-kainan.
Nandito ang grupo ko sa pangu-nguna ni Duncan.
Si Reid ay dito muna nagla-lagi sa hindi malamang dahilan dahil ang alam ko ayaw na ayaw nyan dito sa mansion.
Pupunta lang yan kapag may gathering ang pamilya namin.
Hindi rin naman sya kasama sa grupo ko dahil ibang group ito.
Napakunot noo ako ng tumayo si Joana at mag excuse ganong hindi pa naman natatapos ang pagkain nito.
Nagpatuloy kami sa pagkain ng pumasok ang hindi inaasahang bisita.
Si Liam Xiaolin Tan.
Oo kilala ko na sya dahil pinaimbistigahan ko na.
Purong intsik pala 'to at kilalang business woman ang ina at ama nito.
Meron itong kapatid na babae na Liane Jhing ang pangalan pero matagal na daw hindi nakikita ang kapatid nito.
Nag-igting ang bagang ko ng makita sya dito. Ang lakas ng loob tumapak ng teritoryo ko.
"Bago kayo mag-react lahat ipinapaalam ko lang na ako ang nag-imbita sa kanya dito kaya bisita ko sya ok?" Mahabang saad ni Joana bago pa ako magsalita.
Ano bang pumasok sa isip nito?
Tahimik kaming lahat.
At mukhang nagpapakiramdaman tinapunan ko sya ng masamang tingin at ganon din sya sa akin.
Meron pang pasa sa kanyang mukha at panga medyo maliit din ang isang mata nito at may maliit na sugat sa ilalim ng mata dahil sa tama ko sa kanya.
Pagkatapos naming kumain lahat ay nagtungo kami sa malawak na sala.
Nagpanting ang tenga ko sa tanong nito.
"Nandito ba si Jackie?" Tanong nito kay Joana dahil ito lang naman ang kumakausap sa kanya.
Talagang Jackie ang tawag nya sa baby ko? As in Jackie? Jackie Chan? Phs!
"Naku.. wala eh, may pinagawa kasi sa kanya kaya wala sya dito." Sagot ni Joana at pinaupo ang bisita nya sa single sofa.
Naunang umalis si Alec at papasok na ito sa Secret room namin para mag monitor.
Sumunod sa kanya sina Josh,Gray at Adrian.
Naiwan kami nila Duncan,Vince at Reid dito sa sala.
Siguro ito na ang pagkakataon para malaman ko kung bakit nya hinalikan ang baby ko.
"Ganon ba? Tinatawagan ko kasi sya pero hindi nya sinasagot ang tawag ko. Pwede ko bang malaman kong nasaan sya?" Tanong pa nito kay Joana!
Kaya naman sumabat na ako sa usapan nila.
"Confidential, bakit ba hinahanap mo ang baby ko?" Nayayamot na saad ko.
Nakita ko ang pangisi nya!
Ginagalit yata ako nito ah.
"Baby mo? Sabagay, bagay nga kay Jackie ang tawaging baby, dahil sa pag-iyak na ginawa nya sa mga bisig ko." Nakangising sagot nito.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...