Jacque POV
Nakabalik na kami ng L.A pagkalipas ng 5 araw sa Pilipinas.
Umuwe pa kasi ako sa amin. Alam ko na sasama 'tong si Cloud kapag umuwi ako pero hindi ko sukat akalain na magsi-sisama silang lahat! Eh ang liit lang ng bahay namin!
Nagulat si mama ng bigla akong tumawag at sinabing nandito ako panandalian at babalik naman agad dahil may gagawin lang kunwari dito.Ayokong sabihin ang totoong dahilan. Sa amin nalang yon total na ayos din naman na ang di namin pagka-kaintindihan.
Na star struck sila na may kasama akong mga nagu-guwapohang lalake. Hahaha nagulat ang pamilya ko ng magpakilala si Cloud bilang boyfriend ko. Biniro pa ako ni ate na jackpot daw ako. May paka-baliw din 'tong kapatid ko eh. Pagkalipas ng ilang oras ay nagpa-alam na silang lahat.
Sa hotel daw sila tutuloy. Syempre alangan namang sa bahay namin sila matutulog saan sila hihiga don? Sa bubong? Eh maliit lang ang bahay namin kahit may taas pa yon.
Na alala ko pa ang mga pinag-usapan namin bago kami bumalik dito.Flash back
Nakaupo kaming lahat sa tapat ng mahabang mesa katulad sa mga palabas na pang conference room. Pinapaliwanag ni Duncan ang magiging sitwasyon ko.
"Madali lang ang gagawin mo dahil magpapanggap kang maid nila." Nagulat ako sa sinabi ni Duncan. Magpapanggap? Paano? At pinaliwanag nya.
"Kumukuha sila ng mga maid na ibenebenta sa murang halaga. Hindi sila kumukuha ng mga maid na nakakaintindi ng lenguwahe nila.
Pero ibat-ibang lahi ang mga maid doon." Nagtaas ako ng kamay pagkatapos nyang magsalita para magtanong sa kanya. Tina-gnuan ako ni Duncan.
"Bakit kailangan purong pilipino?" Tanong ko.Nakakapagtaka kasi sa dami ng mga magiging maid pilipino pa ang gusto? Sumagot si Duncan.
"Malaking organisasyon 'to. Nag papa-iba-iba sila ng mga maid kada isang buwan. Sa isang buwan kapag nagbanggit sila ng mga lahing kukunin ay puro ganon lang lahat. Hindi sila kumukuha ng maid kapag hindi yun ang lahing demand nila. At ayon sa source natin pilipino naman ngayong buwan ang kukunin nilang maid. Mahirap makapasok don kaya magpapanggap ka na nadukot ka at ibebenta don." Mahabang paliwanag nya at napanganga ako! May demand pang lahi sa loob ng isang buwan? Parang may flavour of the month lang? May ganon?Nagpatuloy ang pag-papaliwanag ni Duncan sa akin ng magtanong si Cloud na kanina pa tahimik. "Sigurado kabang gagawin mo 'to baby?" Seryosong tanong nya. Noong mga nakaraan nagsimula na syang mangulit na wag ko daw gawin ang misyon na 'to. Kaya naman tinanong ko sya kung bukod sa akin may nakuha naba silang gagawa ng stunt na 'to. Natahimik sya. ibig sabihin walang ibang gagawa kundi ako lang. Kaya naman sinabihan ko sya na magiging ok lang ako. Medyo madali lang ang gagawin ko. "Kailangan mong mahanap ang chips device ganito ang itsura nya." At pinakita ni Duncan ang chip device kuno. Square na kulay gray at medyo manipis. Sabi nya iba daw ang kulay ng device ng kalaban pero ganon daw ang itsura non. para may idea ako kung ano yon.
"Baby.." narinig kung muli ang boses ni Cloud. Nginitian ko sya at lumapit sa kanya.
"Wag kang mag-alala. Madali lang naman daw ang gagawin ko hmmm?" At binigyan ko sya ng magaang na halik pero hinapit nya ako pakandong sa kanya at nilaliman ang halik nya. Napabitaw ako sa kanya ng marinig ko ang ng aasar na boses ni Vince
"wag kang matakot para sa baby mo. Nakakalimutan mo bang tayo ang magiging back nila?" Nakangising sagot saad nito sa amin ni Cloud. Napa 'tsk' nalang si Cloud ng malakas.
"Wag kang mag-alala kasama nya si Alexis sa loob." Si Alexis pala ang makakasama ko sa loob. Nag prisinta si Cloud na sya nalang pero hindi pumayag ang tito Jade nya ang daddy ni Duncan dahil baka daw mabulilyaso kame kapag may nambastos sa akin doon dahil may bar na negosyo ang organisasyon don. Baka daw pa-away si Cloud at mapadali ang mga buhay namin.
"Kaya mo namang gawin 'to Jacque diba?." Seryosong tanong ng tito Jade ni Cloud. Dahan dahan akong tumango kahit hindi ako sigurado. Nakapag bitaw na kasi ako ng salita na pumapayag ako sa ipapagawa ni Duncan. May magagawa paba ako? At hindi ko talaga ugali ang mag-bawi ng salita.Nagulat nga ako ng makita ang Daddy ni Cloud na si tito Lucas dito.
Pinakilala ako ni Cloud bilang kasintahan nya. Kinabahan pa ako ng bonggga dahil mukhang kagalang-galang na tao talaga sya at mahihiya kang makipag-usap!Pero mahigpit ako nitong niyakap katulad ng pagyakap ng tito Jade at tita Ellen ni Cloud sa akin noong gabi ng party ng mga magulang nila Joana.
Hindi talaga sila matapobre at nakakahanga yon para sa isang kilalang angkan sa bansa. Sinabihan din ako nito na tawagin ko daw syang Daddy! Pero dahil nahihiya ako tito ang tinatawag ko sa kanya na ikinatawa nito. Kahit may edad na ito mahahalata mo parin na magandang lalaki ito noong kabataan nito! Kulay asul din ang mga mata nya.Nasabi sa akin ni Cloud na iimbitahin nya ako sa ika 32th anniversary ng mga magulang nito sa darating na sabado at gaganapin din dito sa Real State. Sinabihan din ako nag Mommy Catalina ni Cloud na dapat daw present ako doon. Nakangiting tumango nalang ako sa kanila.
Sinabi sa akin ni Duncan ang mga gagawin ko at hindi dapat gawin.
"Kailangan kung anong command ko yun lang ang susundin mo. Dahil sa oras na suwayin mo ang sinabi ko malalagay sa alanganin ang buhay mo." Seryosong saad pa ni Duncan at tumango ako. "Syempre susundin kita. Mahal ko pa ang buhay ko." Seryoso ding sagot ko sa kanya. "Ngumiti sya sa akin. "Good." Maikling sagot nya.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...