Babala: Ang kabanatang ito ay rated PG Parental Guidance is advice.
Jacque POVNandito kaming lahat sa napakalaking canteen na nasa ika-lawang palapag.
Anim na araw na ang nakalipas simula ng makita ko si Liane, tatlong araw na rin akong nag ma~man man dito.
Nalaman ko na may dalawang pilipina pang naibenta dito na mas nauna sa akin pero nagtataka ako dahil wala naman akong nakita na kalahi ko dito at kung meron man Saan nila dinala ang dalawang pilipina kuno? Mahigpit nga sila sa pag-kuha ng mga taga-silbi.
Nandito kaming lahat sa canteen habang kumakain ng lugaw na lumalangoy sa sobrang dami ng sabaw, tinapay na sobrang tigas!
Kapag ibinato mo 'to sa tao siguradong tulog eh.
Binibigyang nila kami ng pagkain kung pagkain nga ba 'tong binibigay nila sa amin habang mga nakapila kami.
Para kaming mga preso.
Ang higpit ng mga nagbabantay.
Kaya hindi ka talaga magtatangkang tumakas. Malalaki pa ang mga katawan nila.
Palihim kung nilibot ang paningin ko.
Nagkalat ang mga CCTV kahit saang sulok.
Kaya kapag nagtatanong sila sa akin mula sa device command ay hindi ako sumasagot.
Dahil kahit sa tulugan namin ay meron.
Sa cr lang ako nakakasagot ng bahagya pero kadalasan ay hindi.
Dahil ang cr namin ay pangkalahatan na.
Sabay-sabay kaming maligo lahat.
Syempre kung magsasalita ako ng mag-isa magtataka ang mga kasabay kong naliligo.
Mapagkamalan pa akong baliw. Sa ganda kong 'to? Mapagkakamalan akong baliw?
Habang pinupuri ko ang sarili ko ay may kumalabit sa likod ko.
Tiningala ko ito.
"Get out there!" Madiing bigkas nya sa akin.
Matangkad na babae 'to payat lang at kulot ang kulay maroon nyang buhok na hanggang leeg ang haba at mukha syang russian dahil ang diin nyang bumigkas ng salitang english.
Napakunot ako ng noo.
Pinapaalis ba nya ako sa upuan ko?"I said get out there!" Sigaw nya at ibinagsak ang hawak nyang tray sa harapan ko na may lamang pagkain nya.
Kaya naman napa-piksi ang ibang kasama ko sa mahabang mesa.
Tumayo ako at humarap sa babaeng mukhang mangku-kulam ang itsura.
Hanggang balikat nya lang ako dahil nga maliit ako sa kanilang lahat.
Huminga ako ng malalim.
Hanggang dito ba naman? Parang mga preso talaga ang ugali ng mga 'to.
Aalis nalang ako parang walang away.
Tiningnan ko lang sya at nang tatalikuran ko na sya hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso ko habang naka-ngisi.
Mabilis kong tinabig ang kamay nyang bumabaon sa balikat ko.
Meron pa nga akong pasa dahil sa pambuno namin ni Liane eh! Dadag-dagan pa ng bruhang 'to?
"Ooohhhh.." narinig kong react ng mga nakapaligid sa amin.
Tumawa ng parang bruha ang mangkukulam na 'to.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
DiversosSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...