Jacque POV
Nabitawan nya ang kamay ko ng may pumulupot na sawa-este braso sa kanya.
Biglang sumulpot ang brazilian barbie na 'to kung saan man sya galing.
"Hey boys!" Malanding bati nya sa mga nakapalibot sa amin.
Si Josh at Vince lang nakita kong ngumiti.
Pati si Joana ay hindi gumanti ng bati.
"Nga pala Jacq Jacq." Biglang saad ni Joana.
Hinila nya si Cloud, Adrian at Josh pa punta sa harapan ko.
"Mga pinsan ko 'to, si Josh pinsan ko sa mother side at si Jay at Adrian sa father side." Nakangiting tuloy nyang sabi sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko!
Pinsan nya ang tatlong 'to sa mother at father side???!!!
Ibig sabihin they belong to the mighty Montealegre clan!
Si Joana Mary Montealegre.
Nabibilang din sya sa Clan nila. Tsk! Malamang Jacquelyn! Montealegre nga diba? Naloloka ako!
Hindi kailan man pumasok sa isipan ko na ang kaibigan kong ito ay napapabilang sa kilalang angkan!
Akala ko mayaman lang talaga sila! Hindi lang mayaman sorbrang yaman!
Idagdag pa na ang dalawang adonis na 'tong nakaengkwentro ko ay
parehas Montealegre!Information over load!
Parang nakaramdam nanaman ako ng uhaw-ay hindi!
Gusto ko ng umuwe kaya naman hindi ko namalayan na napahakbang ako paatras at di ko din napansin na may tao sa likod ko at natamaan ng ulo ko ang braso nya.
May hawak pala syang red wine na tumapon sa damit nyang kulay puting Tuxedo!
Napa 'oh my gosh' ang dalawang kasamang babae nito.
Napalingon ako-kami pala ng bigla syang nagmura ng malakas!
"Sh't! Watch where you going!Damn!" Nagulat ako.
Kaya naman mabilis akong nakakuha ng tisue at dinapian ang damit nya.
"I'm sorry! Sorry!" Mabilis na hinging paumanhin ko.
Pero nagulat ako ng tabigin nya ang kamay ko.
"Don't touch me! Whore!" Sigaw nya sa akin!
Napasinghap ako ng bongga sa sinabi nya! Napansin kong ngumisi ang brazilian barbie na 'to sa sigaw sa akin ng lalaking ito.
Pati ang dalawang kasama ng gagong lalaking ito!
Anong akala nito? Na porket naiiba ako sa kanila hindi ko na naintindihan ang itinawag nya sa akin!
Nagpanting ang tenga ko at pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko pa punta sa ulo ko! At may nakikita akong imagination na usok na lumalabas sa magkabilang tenga ko! Ha! Ggrrr!
"Hey-" narinig kong sabi ni Cloud pero inunahan ko na sya ng sasabihin sa lalakeng ubod ng gago na 'to!
"What did you just call me?!" Pasigaw at mabilis kong tanong sa lapastangang nilalang na 'to!
Alam kong tama ang dinig ko pero gusto ko lang makasiguro kong uulitin nya pa dahil may kalalagyan sya!
Nakita ko pa ang dahan-dahang pag-ngisi nya.
"You.Are.a.whore." at tuluyan na syang ngumisi!
Ha! This means war!
Napatid nya ang napaka iksing pisi ng pasensya na meron ako!
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
De TodoSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...