After 6 years...
"Daddy! Daddy!" Matulin na tumatakbo ang anak namin na si Claudilyn Jhay sa buhanginan habang may hawak na small shovel.
"Yes? Princess?" Sagot naman ni Cloud.
Pinagmamasdan ko sila dito sa may kubo malapit sa Mansion.
Ang Mansion ay nakatayo paharap sa karagatan at nasa gitna ng isla.
Kaya kailangan mo pang gumamit ng sasakyan kapag gusto mong pumunta ng dagat.
Pero hindi naman kalayuan.
Sa likod ng Mansion merong pools dalawa ito, ang isa ay Olympic size pool at ang isa ay ordinary pool.
Nag-aaral kasi si Princess ng pag-langoy sa edad nyang 3 years old noon marunong na syang lumangoy, tinalo pa ako.
"Can you build me a sand castle daddy?" Tanong ng anak namin kay Cloud.
Lumuhod ito sa harapan ng Prinsesa namin at ngumiti.
"Of course Princess.." sagot nito at nagsimula na silang mag build ng castle kuno.
Natatawa ako kay Cloud dahil seryoso itong gumagawa ng sand castle.
Nakarinig ako ng tunog ng helipad ng helicopter kaya tumingala ako.
Pa-punta dito ang dalawang chopper na may nakalagay na Montealegre mukhang may bisita nanaman kami.
Sa gilid ng Mansion ay pwedeng mag-landing ang chopper, pinasadya talaga yun para mas mabilis kung aalis kami pero pwede rin kaming gumamit ng lantsa.
Noong nakaraang taon niregaluhan ako ni Cloud ng sarili kong lantsa at pinangalan nya pa sa akin.
Napailing nalang ako, seriously? Eh hindi nga ako marunong mag-maneho ng kotse noon? Tinuruan nya pa ako at mabuti nalang automatic naman ang mga sasakyan nya.
Binilihan din nya ako ng sarili kong sasakyan, sabi ko nga yung pinaglumaan nalang nya ang kaso ayaw nya dapat daw brand new dahil first timer daw ako. May ganon pa? Tsk tsk tsk.
Nakita ko ang dalawang sasakyan na paparating parehas itim.
Sinalubong ko sila.
Si Alexis, Liane, Craig, at Joana kasama ang limang taong gulang na anak nyang si Max sa unang sasakyan.Sa pangalawa ay sila Vince, Reid at Duncan kasama ang anak nila ni Coleen na limang taong gulang din.
"Hi guys!" Salubong na bati ko at nakipag beso sa dalawang magagandang babaeng 'to habang itong mga lalaki naman eh isa-isa akong binigyan ng yakap, binigyan naman ako ni Max ng halik sa pisngi.
"Hey Princess! I have something for you!" Sigaw ni Reid, kaya naman lumingon ako sa mag-ama ko na puro buhangin ang katawan.
Naka-top-less na pala itong asawa ko.
"Ahh! Tito! What is it tito Reid?" Masayang tanong ng anak namin habang karga ni Cloud.
"Here.." sabay abot ni Reid ng malaking barbie na kasing laki nito, kulay pink.
Nanlaki ang mga mata ng anak ko sa nakita nya.
"Wow! It's beautiful tito!" Kinuha nito ang barbie at pinakatitigan.
"She's beautiful! Is it dad?" Tanong ng anak namin kay Cloud.
"Let me see.. hmmm, your mommy is much beautiful Princess.." sagot ni Cloud at hinapit ako sa bewang.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
AléatoireSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...