Cloud POV
"Ok na Jay! Pumayag na syang maging model!" Basa ko sa txt ni Joana.
Nandito na kami sa Palawan.
Eto ang surprize ko sa kanya. Sana lang magustohan nya ang gagawin namin.
"Ok, kamusta naman sya?" Reply ko kay Joana.
Nagt-txt lang kami, baka mahalata kasi kung tatawagan ko sila para mamonitor ang baby ko.
"Eto nakatulog na.. napagod daw sya." Reply ni Joana.
Madali na syang mapagod sa ginagawa nya, mabuti nalang pala at medyo maliit pa ang tiyan nya nang gawin nya ang nakamamatay na stunt nya, at malakas ang kapit ng anak namin sa kanya, kung nagkataong nalaglagan sya.. ba sisihin nya ang sarili nya sa mangyayari.
"Ok, paki dala nalang sya sa hotel natin, wag nyo nang gisingin ha.." reply ko kay Joana.
May tumapik sa akin.
Nilingon ko ito at si Daddy pala.
Nandito na halos lahat ng angkan ko.
Ang naiwan nalang dun ay ang mga magse-set-up sa kanya para makapunta sya dito sa Palawan.
"Yes dad?" Tanong ko dito.
"Hindi naman halatang patay-na patay ka dyan sa kasintahan mo anak." Nakangising saad nito sakin.
Napangisi din ako sa tinuran ni dad, patay na patay talaga ako dito sa baby ko.
"Your right dad, ayoko na ngang pakawalan eh." Nakangiting sagot ko sa kanya.
Tumango-tango naman sya habang nakangiti.
Nandito kami sa pag-aari kong isla na pina-ngalanan kong 'Lady Jhay's Paradise'
Isunu-nod ko sa agent name ng baby ko.
Nakaayos na ang lahat, simbahan, reception lahat lahat, kinakabahan nanaman ako, sana lang magandang senyales ito.
Humugot ako nang malalim na hininga habang tinatanaw ko ang ibang mga kasama ko ng busing-busy sa mga ginagawa nila.
Naalala ko ang pag-uusap namin ng baby ko isang linggo na ang nakaraan.
Flash back
Nakahiga sya sa kama habang nakasandal sya sa balikat ko, nakaupo ako sa tabi nya at nakasandal sa malalambot nyang unan.
"Baby.. ok lang ba sayo na Secret Agent ako?" Tanong ko sa kanya habang hinahagod ko ang kanyang kulay brown at malambot na buhok.
Tumingin sya sa akin."Bakit mo naman sinasabi sa akin yan?" Nagtatakang tanong nya sa akin.
Tumingin ako sa kanyang mga mata.
"Humihingi ako ng permiso." Sagot ko naman.
Ngumiti sya sa akin.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
DiversosSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...