Jacque POV
"Ma. Aalis muna ako ha." Paalam ko kay mama namen habang nag-aayos ako sa tapat ng salamin.
Ang bahay namin ay hindi na lawanit at cocolumber
ang paligid.
Napa-ayos na naming magkakapatid ang bahay namin kahit pa unti-unti lang.
Nagkaron na din kame ng second floor pero gawa sa makapal na plywood ang mga ding-ding nito.
Nadagdagan na kasi kame sa bahay kaya kelangan ng karagdagang space.
Sakana namin ipapasemento kapag nakaluwag-luwag.Nakapag pakabit na din kame ng sarili naming kuntador ng kuryente at sariling metro ng tubig.
Ang tagal din naming nagtiis sa walang kuryente at igib tubig.
Kaya nung kumikita na ako nun. Inuna ko talaga ang metro ng tubig.
Ang hirap kasi kapag wala kang sariling tubig.
Di bale ng nahuli ang kuryente noon dahil
nakaka-pag tiis pa naman kame mamaypay.Kaya ang mga bayarin sa bahay ay pinag-hahatian naming magkakapatid.
Isa nalang naman ang nag-aaral noon.
Yung bunso naming lalake.
Ngayon na nakapag tapos na sya ng sekondarya at nagbabalak nga nag mag aral ng Business Management.
Nabawasan ang gastusin
sa bahay.
Sinabihan ko na tumulong kay mama sa pagtitinda ng kakanin habang wala ako dito sa Pinas dahil pag-iipunan ko pa ang pag-aaral nya next year.Napag-usapan naming magkakapatid ang course nya.
"Sigurado kang kaya mo yun?" Tanong ng sumunod sa akin na si Chris sa bunso.
Si Chris ay may taas na 5'4 mas matangkad sya sa akin.
20 years old na.
Kayumangi ang kulay nila
ng bunso namin na mana
nila kay mama.
Habang kame ni ate Cathy ay namana ang kulay ni papa.
Maputi kame parehas.
Makapal din ang buhok nilang dalawa. Katulad kay ate Cathy. Parehas na matatangos ang ilong naming apat.
Ang kaibahan sa bunso mamin matangos ang kanyang malaking ilong sa edad na 17 ay malaking bulas ito."Oo naman, wala kabang tiwala sa talino ko?" Sagot ng bunso namin kay Chris.
"Edi wow.. kapag ikaw nag-loko habang nag-aaral ka. Lagot ka saken." Banta ni Chris sa bunso namin.
Sumimangot naman ang huli.
"Hindi yan magloloko. Sinabihan ko na ipapahinto ko sya kapag nag-loko sya." Sabat ko sa kanila.At ngayon nga ay mag gagala ako.
Sabado ngayon at sa Lunes na ang alis ko.
Nagkita kami ni Analyn sa Mall nung nakaraan at nag aya ngayon na mag Bar dahil paalis na pala daw ako."O sige. Mag iingat ka." Sagot ni mama habang nag babalot ng suman sa dahon ng saging.
Eto parin ang pinagkakaabalahan nya kahit may mga trabaho na kaming tatlo.Inaayos ko ang damit ko.
Ang suot ko ay black na dress off shoulder na hanggang hita ang haba.
Nag lagay din ako ng kunting maskara sa mahabang pilik mata ko. Manipis lang ang kilay ko na parang ginuhit ng pintor.
Pero maganda ang shape nya.
Nag apply lang ako ng manipis na pink lipstick.
At nag spray ng pabango.
Sinuot ko na ang black heels ko na may taas na 3 inches.
Nahihilig ko na magsuot ng mataas dahil nga maliit ako.
Nakakapit ito sa mga paa ko kaya hindi ako kabado na matanggal ito.
Sanay din ako maglakad ng nakaganito."Alis na po ako." Humalik ako sa pisngi ni mama at umalis na ng bahay, nag tricycle ako palabas sa aming lugar.
Pag dating sa labasan hinintay ko ang tawag ni Analyn.
Sakto naman parating na pa sila sakay ng Honda Civic na kulay dilaw.
Phs parang taxi cab lang ng airport ah. Nangisi ako sa naisip ko.Bumaba si Analyn ng Kotse na naka red dress at hapit na hapit sa katawan nya.
Mas matangkad ito sa akin at medyo malusog.
Nagulat ako ng makita ko sa loob si Gregor kasama si Mia.
Sa pagkakatanda ko di naman close dyan si Analyn.
Si Mia naman nakakausap ko yan pero di kame close.
Hindi ko gusto ang aura nya.
Lalo na itong Gregor na kung makatingin sa akin parang susunggaban ako.
NBSB ako pero alam ko ang tingin ng lalaki kapag may pagnanasa sayo.Mahilig akong magbasa ng mga kung ano-anu. Katunayan nga nyan meron akong Wattpad na naka install sa phone ko.
Kapag may oras nagbabasa ako. Mahilig din akong manuod ng kung ano anu basta gawang america or english.
Ayoko ng mga tagalog film.
I'm sorry to say but naboboring ako kapag nanunuod ng mga tagalog
lalo na kapag horror film. Di kapanipaniwala ang mga eksena. Wag kayo magalit sakin yun lang ang opinyon ko.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...