Jacque POV
Sabado ngayon.
Limang araw akong sinasanay para sa self defense. Tinuruan din akong gumamit ng baril kung paanong kalabitin ang gatilyo incase of emergency daw.
Hindi ko alam kung bakit pero parang nag-karon ako ng interes sa mga ginagawa nila ng makita ko kung paano sanayin ang mga Agents dito.Nandito kami sa Isla Catalina Montealegre Island
Napag aari nila Cloud. At nalula ako dahil ang islang ito ay nasa gitna mismo ng karagatan ng Atlantica. Ilan ba ang isla nila? Sobrang laki nito na kailangan mo pang sumakay ng helicopter bago ka makarating ng isla.Pagkatapos ng pag-sasanay ko kuno na parang recall lang naman dahil dati na pala naming ginagawa ni Joana yung moves ng self defense. Bumalik na kaming lahat dito
Dahil ngayon ang araw ng anniversary ng mga magulang ni Cloud.Halos mga kilalang artista at mga mayayaman ang imbitado dito. Nakakalula ang mga nakikita ko. Parang isang panaginip talaga. Nakita ko pa ang hinahangaan kong artista na sina Dakota Fanning at Chloe Mortez! Ang gaganda nilang dalawa! Hindi ako lumapit kasi nahiya naman daw ang balat ko sa sobrang puti nila!
Naglakad ako palayo sa mga celebriting artista ng may magsalita sa gilid ko. "Bakit ka nagtatago Jacquelyn?" Liningon ko ito. Si Vince pala. Nakasuot sya ng white tuxedo. Guwapo din talaga 'to eh. Ngumiti ako sa kanya.
"Hindi ako nagtatago! Nakakahiya lang dahil ang gaganda nila at mga sikat." Sagot ko sa kanya. Nakangiti akong lumapit dito.
"Eh ikaw? Bakit ka nandito rin? Tinataguan mo ba ang mga babae mo?" Natawa sya sa tinanong ko sa kanya.
"Hindi no kanina kapa hinahanap ng baby mo kaya nagpatulong na hanapin kita. Di mo daw kase sinasagot yung cell phone mo." Mahabang saad nya habang nakangisi sa akin. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung di ko dala ang phone ko! Sa dami ng maiiwan bakit yun pa? Napahagod ako sa buhok ko.
"Hehe di ko dala phone ko eh." Nakatawang sagot ko. Napailing nalang sya sa sagot ko. Inakay na nya akong maglakad kung saan si Cloud ng may mamataan akong pumasok.Si Janine kasama ang mga magulang nito. Nakasuot sya ng silver dress na masyadong mababa ang cleavage at may slit sa magkabilang hita na kapag humahakbang ito ay makikita mo ang makinis nyang mga hita. Hmp! Graveh mukha talaga syang manika. Hahangaan ko sana yan eh kasi mukha talaga syang barbie doll kung hindi lang maldita ang ugali. Habang pinagmamasdan ko syang maglakad dahil kumanan sila at hindi din naman nila kami nakita ay may tumawag sa amin.
"Gerald!" May babaeng lumapit sa amin na americana. Dilaw ang buhok nya at nakasuot ng seksing dress na kulay blue. Napakunot ako ng noo dahil kay Vince ito nakangiti. Gerald? Napatingin naman ako kay Vince na ngumiwi ng palihim.
"Hi! Patricia." Biglang ngiti nito. Lumapit yung patricia sa kanya at pinulupot ang mga braso sa batok ni Vince at walang pakundangang hinalikan ito!
Inaawat lang ito ni Vince. "Woah! What a lovely greeting pat." Nakangising saad nito.
"I'm so glad to see you here." Nakangiti talaga ito kay Vince habang ako naman nakatingin sa kanila.Lebirated talaga ang mga tao sa ibang bansa. Mga wild sila. Ako? Nagiging wild na din ako pero tanging kay Cloud lang. Eh sila? Kahit yata sino basta may itsura pwede. Naramdaman ko ang kamay ni Vince na inabot ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya ng nagtatanong? "By the way Pat this is my date. Jacquelyn, Jacquelyn meet Pat." Nakangising saad ni Vince! Parehas nanlaki ang mga mata namin ng Patricia na 'to! Luko-luko talaga 'to si Vince!
Nagulat ako ng biglang sumigaw si Patricia.
"No!" Sigaw nito na nagpalingon sa ibang mga bisita. Tiningnan ako ng matalim nito at umigkas ang mga kamay pa punta sa akin! Agad kong nasambot ang mga kamay nito at hinawakan sabay ikot sa kanya patalikod sa akin.
Napasigaw ito! Kaya agad ko syang bintawan!
"I'm sorry! It's just my reflex!" Hinging paumanhin ko dito at humakbang paatras.
"Hey!" Awat ni Vince. Humarap ulit ito sa amin. "Your a b-"! Hindi na natuloy ni Patricia ang sasabihin nya ng hawakan sya ni Vince at mabilis na hinila palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
De TodoSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...