Chapter 13

7.4K 184 2
                                    

Cloud POV

Nandito kame ngayon sa bahay nila Josh.
Pinsan at kasamahan kong Agent din.
"Anong ginawa mo sa buhok mo Adrian?" Narinig kong tanong ni Duncan kay Adrian.
"Trip ko lang, hahaha.."
Sagot naman ng pinsan namin.
"Pauso nya." Sabat naman ni Josh. Pinsan din namin 'tong si Josh sa mother side.
Josh Ruiz Montejo.

Si Adrian ay pinsan namin sa father side. Montealegre din sya kagaya namin ni Duncan.

"Sa dinami-rami ng kulay na ipapalagay mo, bakit pula pa?" Sabat naman ni Vince.

Si Vince ay matalik na kaibigan namin noong college.
Vince Gerald Villegaz.
Mayaman din ang angkan nito.
Halos lahat ng mga kaibigan ko ay napapabilang sa mga high-class na miyembro.

Kundi political, mga anak ng business man.
"Bakit ba? Inaano ba kayo ng buhok ko? Bagay nga sakin eh." At hinimas-himas nya pa ang buhok nya.

Si Adrian ay matangkad din. kung sabagay may mga lahi kame kaya natural ang taas namin. Ang kaibahan lang ni Adrian sa amin nila Duncan at Josh, abohin ang kulay ng kanyang mga mata.

"Nanunusok kasi ang kulay pula mong buhok, ang sakit sa mata, sabi ko kasi sayo bago ka mag-pakulay Ash Brown nalang eh." Sabat naman ni Gray na best friend nitong si Adrian.

Gray Falcon.
Isa rin itong Agent.

"Oi Jay, simula ng dumating ka dito ang tahimik mo, Ano bang problema mo?" Baling sa akin ni Duncan habang nag-aasaran ang iba.

Bumuntong hininga ako.
Naalala ko nanaman ang nangyari noong hanapin ko ang binibining iyon sa MCS sa Tagaytay.

Flash back

"Bilisan mo naman Vince!"
Atat na sabi ko habang minaneho nya ang Red Ferrari nya sa highway.
"Takte ka Jay! Pwede bang huminahon ka! Halos paliparin ko na nga ito eh, mabagal parin sayo?" Balik sigaw nya sa akin.
Napahinga ako ng malalim.
Hanggang nakarating na kami sa parking ng MCS.
Agad akong bumaba.
Hindi ko na sya hinintay.

Nakarating kami pasado ala-siete ng umaga sa MCS.
Agad akong pumasok sa loob.
napatingin sa akin ang ibang costumer dahil may kalakasan ang pagkaka bukas ko ng salamin na pinto.
"Oh! Sir Jay, andito po pala kayo." Bati sa akin ni Mara.
Isa sa bagong crew.
Ngumiti sya sa akin.
"Ano po ang order nyo?" Magalang na tanong nya.
"Nandito ba si Manager Maya?" Mabilis na tanong ko.
Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Kelangan kong makilala ang binibining yon.
"Ay mamaya pa po ang shift ni Manager sir Jay, wala pa po sya." Magalang paring sagot nya sa akin.

Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon