Cloud POV
Nandito kami halos lahat sa Mansion.
Naghahanda kaming lahat para sa preparasyon.
Nakaayos na ang lahat para sa gaganaping kasal.
Napag-pasyahan na umuwi na kami ng Pilipinas at doon magpakasal.
Pakakasalan ko ng ang baby ko baka mabulilyaso nanaman ako, imbes na engaged na dapat kami noong nakaraan eh nag-away pa kame.
Naalala ko pa ang pag-uusap naming lahat nang sabihin ni Alexander sa amin na buntis ang baby ko.
Flash back
"Sumalang ang girlfriend mo sa misyon ng buntis sya? At wala kang alam Cloud Jay?" Seryosong saad ni daddy sa akin, napapikit ako ng mariin.
"Wala ka din alam dito Duncan Jade?" Baling naman nito kay Duncan na nakayuko.
Kaming lahat na magpi-pinsan na kaugnay sa misyon ay nandito.
"Hindi ko po alam tito Lucas, dahil kung alam ko lang po hindi ko po sya isasalang sa misyon." Magalang na sagot ni Duncan kay daddy.
Tiningnan ako ni Daddy na humihingi ng sagot ko.
Kaya naman tumingin ako sa kanya.
"I dind't know dad, wala syang nabangit sa akin na buntis sya, dahil kung alam ko lang hindi ko sya papayagan." Mahabang sagot ko kay daddy sa mababang tono at yumuko ulit.Silang apat na founder ay nandito.
"Sigurado kabang ikaw ang ama ng batang na sa sinapu-punan nya?" Tanong ni daddy na nagpaa-ngat ng ulo naming lahat! What the!
Napamaang ako kay daddy.
Pinagdu-dudahan nya ba ang mahal ko? Nakipagti-tigan ako sa kanya bago sumagot.
"It's mine. Nasa Pinas palang kami ng unang may mangyari sa amin dad kaya alam kong akin ang dala-dala nyang bata. And i'm sure of that." Seryosong saad ko sa kanya habang naka-titig at hindi kumukurap.
Nakita ko ang dahan-dahang pag-ngiti nya pati na rin nila tito Gilbert, tito Jade at tito Rex sa sagot ko.
Kaya naman nagulat ako ng bigla akong yakapin ni daddy!
"Kung ganon, tama ang hinala ko na sya ang binibining hinahanap mo noon! ï'm so proud of you son! phgnapatunayan mo talaga na active ang sperm nating mga Montealegre! Binuntis mo talaga si Jacquelyn! Well i like her for you son! She's one of the kind.." mahabang saad nito sa akin at napanga-nga ako!
Naramdaman ko ang tapik ni tito Jade sa akin kaya nilingon ko ito.
"Congrats Jay! Tsk! Naunahan mo pa ang panganay ko! Ang swerte naman ni Kuya Lucas at magkaka-apo na sila ni Catalina.." nakangiti ring saad nito. Pero hindi ako makapag-react.
Kanina lang seryoso nila akong tinatanong kung sigurado ba akong ako nga ang ama ng dinadala ng mahal ko tapos?
May tumapik sa akin ng malakas sa balikat.
"Tito Lucas is just testing you.." nakangising saad nitong si Vince, at nag sunod-sunod na silang tapik sa akin.
Lumapit sa akin si daddy at binigyan ako ng yakap at tapik sa likod.
![](https://img.wattpad.com/cover/65822744-288-k813094.jpg)
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
AcakSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...