Jacque POV
Nasa silid ako ngayon pero hindi ako nag-iisa. Marami kami ditong mga babae at ibat-ibang lahi kami,
Nilibot ko ang tingin ko sa buong silid namin.
Maraming doublde deck dito.
Dahil sa isang higaan ay dalawahan at ang pinili kong higaan ay sa taas.
Maraming bintana dito at may mga rehas na bakal lahat.
May magtatangka pabang tumakas eh nasa ikalimang palapag ito ng gusali?
Naalala ko pa ang mga nangyari noong isang gabi.
Biglang tumulo ang luha ko ng maalala ko kung paano nya ako sigawan at paratangan.
Flash back
"Aray ko naman Jackie! Alam kong mabigat kamay mo pero dahan-dahan naman!" Daing ni Liam habang ginagamot ko ang mga sugat nya.
Diniinan ko pa ito lalo! Kaya napasigaw sya sa hapdi ng lagay ko.
"Naturingan kang marunong lumaban pero hindi mo manlang dinipensahan ang sarili mo!" Sigaw ko sa kanya.
Nakakainis kasi! Binanatan nya nalang bigla itong kaibigan ko ng walang kamuwang-muwang!
"Eh paano ako didipensa kung na una na ang gulat ko! F*ck! Ang lakas pala ng Montealegre na yon!" Mariing bigkas nya sa akin.
Napailing nalang ako sa kanya.
Eh paanong hindi lalakas yun? Eh simula ata fetus yon nagsasanay na nasa tiyan palang ni tita Catalina.
Naiinis na niligpit ko ang first aid kit nya at sinauli sa lagayan nito.
Nandito kame sa sarili nyang bahay.
"Bakit kaba kase sinapak nun?" Mahinang bulong ko na narinig nya.
Narinig ko pang mahina syang tumawa kaya napakunot noo ako at nagulat ako sa sinabi nya.
"Malamang nagseselos yon sa akin! Baka akala nya hinalikan kita." Saad nya habang nakahawak sa may pasa nyang mukha.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
DiversosSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...