Jacque POV
Mabilis ako'ng napabitaw sa kanya ng marealize ko na ang akward ng posisyon namin.
Habang sya parang namangha sa mukha ko.
Ok! Jacque kalma..
Hindi ka matatandaan nyan nagkataon lang na nandito ang ĺalaking 'to.
Hingang malalim.."I'm Okay." Gusto kong pumalakpak ng hindi ako nabulol sa kapiranggot na english ko.
Humakbang sya paabante sa akin automatic namang napaatras ako.
Anong bang ginagawa nito?"It's you.." bulong nya pero narinig ko parin.
"You.. don't you remember me?" Tanong nya habang nakatitig ang asul na mga mata nya sa akin.
Nailang ako sa titig nya.
Pero hindi ko pinahalata.
Umarte ako na hindi sya kilala. Umarte pa? Eh hindi ko naman talaga kilala 'to?
O sige umarte ako na hindi ko sya naaalala.Kinunot ko ang noo ko.
"Excuse me? I don't know you. Your mistaken me of someone." Naks! pang famous! Gusto kong magtatalon!
Hindi ko alam na may pagka artista pala ako?
"No.. it's you.." sabi ng lalaki habang unti-unting humahakbang pa punta sa akin.
Ako nga yon pero nunca na aminin ko yon!
Bago pa sya makalapit may tumawag mula sa gilid namin.
"Hey Jay!" Tawag ng brazilian na babaeng mukhang manika at mala modelong katawan na nakasuot ng kulay gold na dress na hapit na hapit sa katawan nya at ang ikli ng laylayan.
Ito yung babae kaninang nakita ko na hinanapan ng invitation card.
Sabay kaming napalingon.
Saka ko lang natandaan na wala palang tumatawag ng Jhay sakin bukod sa mga ka crew ko. Jay at Jhay, magkatunog kase eh.
Mabilis akong tumalikod at lumiko ng makita kong niyakap sya ng brazilian girl na yon.
Nakaramdam ako ng inis.
Bakit ganon? Ano bang ngyayari sakin.Nitong nagdaan ang mga linggo napansin ko na nagiging moody ako.
Alam ko na mainisin ako pero mas mabilis na ngayon.Normal paba ako?
May dumaan na waiter sa harapan ko kaya agad kong kinuha ang isang basong champagne na dala nya at tinungga ito.
Nakalimutan kong nauuhaw ako kanina ng magkabanggaan kami ng guwapong lalaking iyon.
Ngayon naramdaman
ko na ulet ang uhaw.
Huminga ako ng malalim.Nahagip ng mata ko ang buffet table.
Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya mabilis ang hakbang ko pa punta doon.Ibat-ibang ang mga putahe ang iba ay kilala ko na, ngunit ang iba ay hindi. Kinuha ko kaagad ang
platong nakita ko.Nakakita ako ng parang kamukha ng grahams kaya agad kong kinuha iyon.
Natatakam talaga ako dito.
Kinuha ko din ang manok na may sauce na may mga nakabud-bod na kung ano-ano. hindi ko alam kung ano ang tawag pero ng tikman ko masarap.May mga kumakain na din at ang iba ay nakikipag kwentohan habang umiinom ng mga champagne nila.
Ako? Andito sa isang bakanteng mesa kumakain.Nararamdaman ko na binabato ako ng mga tingin ng iba.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
CasualeSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...