Cloud POV
Nandito kami ngayon sa mahabang mesa.
Kanya-kanyang kuha ng pagkaen.
Katabi ko sa kanan si Joana na katabi si Jacque habang katabi naman ni Jacque si Adrian na ang katabi ay si Josh at katabi nya si Vince.
Katabi ko sa kaliwa si Janine na ang katabi ay si Gray at katabi si Alexis.
Nakakainis ang pag-dikit-dikit sa akin ni Janine! Kung makaarte pa parang gusto pang pagsilbihan ko.
Tumayo si Jacque at Joana.
Mukhang mag ra-round three pa sila ng kain.
Kanina ko pa sya pinag mamasdan buhat ng dumating kame dito galing Hotel.
Hindi nya napapansin dahil mukhang kabadong-kabado sya kanina ng umakyat sa mini stage na nasa gitna malapit sa big fountain.
Nang makita ko sya kanina na umakyat at umupo sa tapat ng grand piano. walang tigil sa pagka-labog ang puso ko. Nakakabakla man sabihin pero yun ang toong nararamdaman ko.
Nang magsimula syang magtipa ng piano keys ay humanga na ako.
Alam ko ang babaw pero humanga talaga ako. lalo na ng kantahin nya ang Way back into love parang nahulog na ng tuluyan ang puso ko ng marinig ko ang kalmado at magandang boses nya.
She had a voice of an angel.
Hindi na naalis ang pagtitig ko sa kanya.
Nagulat pa nga ako ng tapikin ako ni daddy at biruin na baka daw matunaw ang kumakanta dahil sa pagti-tig ko sa kanya.
Nasa itaas kami nila mommy,daddy, tito Jade,tita Ellen sila Duncan at Joana.
Katabi ko si Duncan na nakangisi dahil nga tinititigan ko sya habang kumakanta at tumutug-tog
ng piano."Sya nga ba ang hinahanap mo?" Bulong na tanong sa akin ni Duncan.
Tumango ako."May paka-snob at mataray yan si Jacque, pero mabait yan at madaling pakisamahan." Biglang sabi nya na nagpalingon sa akin.
Tinapunan nya ko ng ngisi.
"Mukha kasing nainlove ka kay Jacque." Sabi nya na nagpalawak ng ngiti nya.Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Inlove na nga ba ako? Kailangan kong malaman kung inlove na nga ba ako sa kanya.
"Kung sigurado kana sa kanya, siguraduhin mong hindi mo yan masasaktan."
Napalingon ulit ako sa kanya na nakakunot ng noo.May gusto ba ito kay Jacque?
"Don't give me that kind of look, wala akong gusto kay Jacque. Sinasabihan lang kita dahil kilala kita kung gaano ka kalikot sa babae. Parang bunsong kapatid na ang turing ko dyan, mas mastured pa nga mag-isip yan kay Joana madalas." Mahabang paliwanag nya.
Napangisi ako.
May pagka mind reader nga pala 'tong si Duncan.
Sa aming magpipinsan medyo matino 'to.
"Kung sabagay.. hindi napala kita kailangang balaan, kung si Jacque ang seseryosohin mo, hindi ka uubra dyan kung babalikan mo ang pambabae mo, may pagka tigre magalit yan, kahit maliit." Patuloy pa nyang sabi.
Kaya naman hinamon ko sya ng tanong.
"Bakit mo naman na sabing inlove na ako kay Jacque?" Mahinang tanong ko.
Yong kami lang ang makakarinigan.
"Dahil hindi ka magsasayang ng oras na hanapin sya kong nasaan man sya," hindi tumitinging sagot nya.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
De TodoSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...