Jacque POV
Nagising ako dahil nangi-nginig ako, nangi-nginig ako sa gutom!
Saka ko lang naala-la na hindi pa pala ako kumakaen simula kahapon!
Anong oras na?
Napatingin ako sa relo koat 6:30 na ng gabi!Nang may maramdaman akong gumalaw sa likuran ko, yumakap ang mga kamay nya sa akin.
Dahan dahan akong lumingon at natawa.
Nakita ko na ang ganitong eksena, ang kaibahan lang hindi ako nakainom.
Inalis ko ng marahan ang mga kamay nya at umupo.
Napapikit ako ng makaramdam ako ng hilo dahil sa gutom.
Huminga ako ng malalim.
akmang bababa ako ng kama nang hatakin ng adonis na ito ang braso ko!"San ka pupunta?" Biglang sabi nya sa akin.
His voice is like bedroom voice, husky.
Pero kapag ganitong gutom ako literal na hindi gumagana ang utak ko dahil nakapokus ako sa gusto kong kainin.
Kaya hindi ako kaagad na kapag react sa tanong nya.
"Baby?" Narinig kong tawag nya, huminga ulit ako ng malalim.
"Nagugutom ako." Sagot ko sa kanya, nangunot ang noo nya.
Napansin kong hindi sa akin nakatingin ang mga mata nya kundi sa dib dib ko- teka? Sa dib-dib ko?
Napatungo ako at agad kong nakitang hubot-hubad nga pala ako! hinatak ko ang kumot pataas! Pervert!
Narinig ko ang tawa nya.
Kaya pinanlisikan ko sya.Mabilis naman nya akong niyakap at hinagkan sa buhok,
"Don't be shy baby.. we do it many times, kaya masanay kana.. hmmm?" Agad akong napahiwalay sa kanya.
"Nagugutom na ko!" Inis kong sabi sa kanya, nagulat sya saglit pero nakabawi din agad.
"Ok baby relax.." magaang sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
"Gusto mo bang kumain sa hotel sa bababa?" Malambing nyang tanong. Umiling ako.
"Ok, magpa-room service nalang tayo, anong gusto mo?" Tanong nya.
"Kahit ano." Maikling sagot ko na nagpakunot ng noo nya.
"Ok.. but after we ate we need to talk ok?" Saad nya sa akin, tumango ulit ako.
Ngumiti sya at walang pakundangan tumayo at nanlaki ang mata ko dahil wala syang saplot kahit isa!
Walang hiya 'to!Mabilis kong piniling ang ulo ko sa kabilang dereksyon para hindi ko sya makita.
Nag dial sya sa telepono.
Agad nahagip ng mata ko ang polong suot nya kanina.
Tiningnan ko sya, mabuti nalang nakatalikod sya sa akin kaya mabilis kong kinuha ang polo nya at isinuot!
Agad akong pumasok ng banyo.
Hoooo! Naamoy ko ang natural scent nya sa polong suot ko.
Sinamyo ko ito.Hhmmmm.. ang bango talaga.
Nag bago ang isip ko, maliligo na lang ako kaya naman inisa-isa ko pa ang mga botones ng polo nya nang may napansin ako sa salamin.
Tinitigan kong mabuti at binuksan ang tatlong botones.
Potek! May mga kiss marks ako sa magkabilang dib-dib ko!
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...