Cloud POV
Kinabukasan nagpunta ako sa Moonlight Coffee Shop na pinapaubaya ni Joana kay ate Maya.
Ang alam ko nasa L.A si Joana ngayon at tinitingnan ang bagong patayo nilang branch ng MCS don.
Matagal na yung naumpisahan kaya alam kong patapos na din yon.Si ate Maya ay matagal na nilang manager sa MCS kaya kilala na din ako.
"Magandang tanghali sayo Jay." bati sa akin ni ate maya.
"Magandang tanghali din po Manager." napangiti ako ng sumimangot sya. Ayaw kasi nyang tinatawag ko sya na Manager.
"Sinabi ko sayo diba? Wag mo akong tawaging manager." Pinanlakihan pa ako ng mga mata. Kaya natawa ako.
"Ok lang yan bagay naman eh" and i winked at her.
"Heh! Puro ka bola o sya anong order mo Sir?"
Ako naman ang napapikit sa itinawag nya sakin.
Sabi ko kasi dati na Jay
ang itawag sakin.
Tsk gumaganti si manager.
"Hahaha alam mo na yun manager" ngumiti nalang ako sa kanya.
"Ok Sir! Coming!" Ngumiti din sya.
Habang hinihintay ko ang order ko.
Pinagmamasdan ko naman ang paligid. Cozy ang ambiance ng lugar may mga buhay na halaman sa mga gilid ng lamesa.
At ang gitnang sentro nito ay may mini stage kung saan may mga instrumento na tulad ng guitar, bass at grand piano sa gitna nito.Di sinasadyang napatingin ako sa babaeng pumasok sa MCS. Hindi ko alam kung bakit pero napasunod ang tingin ko sa hakbang nyang papalapit sa dereksyon ko.
Nakasuot sya ng stripe na green dress na hapit sa kanyang balingkinitang katawan. Hanggang hips ang haba. Sa ilalim nun ay may puting short na plain lang.
Pero dahil maikli iyon parang hindi mu din mapapansin kung hindi mo titigan.
Naka doll shoes sya na stripe din na green.
Match sa suot nya.
Hanggang lagpas balikat ang kulay brown at medyo alon nyang buhok. Maputi rin sya and she has a pair of beautiful chocolate brown eyes.
She's so simple yet beautiful.
Wait-- why I am checking her out?? This is the first time na my pinansin akong babae at ako pa ang
tumitig sa kanya.Tumigil sya sa isang table at may tinawagan.
Habang nakaupo sya ay di ko talaga matanggal ang
tingin ko sa kanya.
Nang biglang may naglapag ng order ko sa harapan ko.
"Sir eto na po ang order nyo." nagulat ako kay ate Maya pero hindi ko pinahalata.
Ngumiti lang ako. I grab my frappe and sip in.
"Sinong tinititigan mo dyan?" Tanong ni ate maya sakin.
Kamuntik na akong masamid dahil sa tanong nya.
"Wala." I cleared my throat to clear my voice.
"Wala ah?" Nakangising tukso nya saken.
"Wala nga." Ulit ko pa. tumawa lang sya.
Nang biglang..
"Ate Maya tumawag po ba si Joana?" Biglang may lumapit samin at umupo sa tabi ko. Napalingon ako ng bigla sa babaeng nagtanong.
It's her..
the girl i stared a while a go.
Kilala nya si Joana?
"Ay hindi pa bakit?" Tanong naman ni ate maya.
"Nawala po yung number nya at nakalimutan ko rin po." Then she smile. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What? I am having a heart attack? Napasobra naba ako sa kape?
"Nakuu.. ikaw talagang bata ka at bakit mo kinalimutan eh importante yon?" Sermon sa kanya ni ate Maya.
What? I am invisible here? Ito talaga si ate Maya hindi man lang ako ipakilala sa kausap nya.
"Eh alam mo naman.. may amnesia ako.. hahaha." sabay tawa ng binibini.
Hindi ko alam pero
nadala ako sa tawa nya.
Hindi mahinhin ang tawa nya. Natural na natural.
Hindi katulad ng mga babae ko na kung tumawa pilit
na nga pahinhin pa.
Halatang peke.
Pero sya hindi.
Parang wala lang sa kanya ang tawa nya kung malakas o ano. Natural na natural
ang kilos nya.
"O teka kukunin ko lng yung phone ko ha. Sandali lang ha."
"Sige po ate maya." Ngumiti si ate Maya bago tumalikod at pumasok sa loob.Naiwan kaming ng binibining ito. Tatanungin ko sana kung anong kailangan nya kay Joana ng lumapit si biboy sa kanya. Isa sa crew ni Joana.
"Hay Jhay.. kamusta? Gumaganda ka ah.." i give biboy a sharp look. Halatang bolero. And what did that biboy call her? Jay?
"O ngayon?" Nakataas ang kilay na tanong ng binibini.
Napangiti ako sa sagot nya. Mataray ang dating.
"Ikaw talaga ang taray taray mo. Kaya ka walang boyfriend eh.." ganti naman ni biboy.
"Bakit ikaw? Meron kana bang girfriend? Sa pagkakatanda ko friends zone kayo ni Suzy."
Then ngumiti ulet sya ng mangamot sa ulo si biboy.
"Ikaw talaga.. pinaalala mo pa di bali ng friends zone ako. Ang importante ang love life mo." Sabi ni biboy dito.
"Mata-touch na ba ako bibs?" Tanong ng binibini.
"Sige iyak kana.." Sabay akbay ni biboy sa binibini.
Parang gusto kong tumayo at balian ng buto itong si biboy. Mga moves eh pero hindi pa man din ako nakakatayo sa upuan ko ng hawakan ng binibini ang braso ni biboy at pilipitin.
Napasigaw ito.
"Ay! Sorry bibs! Ikaw kasi eh! Yung galawan mo ang bilis.." sabi ng binibini.
Biglang lumabas si ate Maya.
"Oh anong ng yare?" Nagulat na tanong nya.
"Wala ma'am Maya.. etong si Jhay eh pinagpraktisan ako." Sagot naman ni biboy.
"Kayo talaga. O sya oh Jhay.. "sabay abot ng papel sa binibini. Why are they calling her jay?
"Thankz ng marame ate Maya.." then she walked away past on me. What the--!!
Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
W0w.. amazing.. ngayon lang ako na snob sa tagal ng inalagi ko sa 27 years na nag exist ako sa mundo. She's interesting.
Sinundan ko sya ng tingin hanggang mawala sya sa paningin ko.
"Akala ko ba wala kang tinititigan jay?" Napaligon ako kay ate maya na nakangisi.
I smirk when i told her she's interesting.
"That girl didn't give me a single glance." Then ate Maya's laugh at me.
I frown of her reaction.
What's with the laugh?
"Apektado ka?" Tanong nya.
Napaisip ako. Bakit nga ba ako naiinis na hindi ako tinapunan ng tingin ng binibining yun?
"Wait ate Maya. Why are you calling her jay?" Before i knew it the question that still rang on my head.
I accidentally ask
about her.
Ate maya just smile.
"Ewan ko." Sagot nya na muntik ko ng ikahulog! Seriously?? Hindi nya alam?
"Dalawang buwan palang ako dito sa Tagaytay.. alam mo namang galing pa akong davao branch diba? Jhay kasi ang tawag nila dun.
Hindi ko alam kung yun yung pangalan nya. Why? Cloud Jay? Are you interested-" bago pa nya matapos ang tanong nya sa akin tumunog ang phone ko.
"Excuse me ate Maya."
Sabay tayo ko at talikod
sa kanya.
Si Vince ang tumatawag isa sa kasamahan kong agent din.
"Hello?" I answer the phone call.
"Hello Jay? Asan ka?" Tanong ni Vince,
"Andito ko sa Tagaytay bakit?" Balik tanong ko.
"Nabasa mo naba ung files na finorward ko? May nagbago sa misyon naten." Sabi nya.
Si Vince ay kasamahan namin sa grupong pinangungunahan ni Duncan. Kasama rin ako sa grupong yun, second in command nya ako kapag may malakihang mission kaming illegal na papatumbahin.
Sya rin ang partner ko kapag may mission kami na madali lang gawin.
"Ok. I'll check on it." Then i hung up my phone.
Humarap ulet ako kay ate maya na busy na sa pakikipag usap sa mga umoorder.
Hapon na kasi kaya dumarami na ang mga costumer.
"Ate maya i'll go a head.." then she gave me a smile and nod. Tumalikod na din ako.
Napansin ko na maraming napapalingon sa dereksyon ko. Hindi na ako nagtataka.
Head tuner talaga ako kahit san ako mapunta.Pero ang binibining yun?
bakit hindi man lang ako binigyan ng sulyap?
Nakakainis sa ego ko.
Di ko matanggap.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
DiversosSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...