Cloud POV
"Jay, umuwi kana muna sa bahay para makapag-pahinga ka." Tinapik ako ni Duncan sa braso ko habang naka-upo ako malapit sa kama ng baby ko.
Tatlong linggo na ang lumipas pero hindi parin sya gumigising.
dumating na din ang pamilya ng mahal ko at nasa mansion sila.
Tinurukan nila ang mahal ko ng makabagong inbensyong gamot para mabilis na gumaling ang mga sugat nya.
Ayon kay Alexander magigising din naman daw sya, hindi nga lang alam kung kailan.
"Nag-aalala na sila tito at tita sayo," nadinig kong dugtong ni Duncan.
Hindi ko magawang makakain, hindi rin ako makatulog dahil binabantayan ko ang baby ko.
Nalipat na sya sa private room, pinaka-malaki na ang kinuha namin na tanging kami lang ang pwedeng makapasok at ang ibang bisita.
Nang makarinig kami ng katok sa pinto, binuksan ni Joana ang pinto at nakipag-usap kung sino man ang kumatok.
Narinig namin na may pumasok.
Lumingon ang mga kasama ko pero ako nanatiling nakatingin sa baby ko.
"Craig? Akala ko naka leave ka?" Nadinig kong saad ni Reid.
"Yeah, naka leave nga ako." Maikling saad ng baritonong boses medyo pamilyar.
"Gusto lang dalawin ni Jhing ang binibining tumulong sa kanya." Saad ulit ng baritonong boses.
Narinig ko ang sinabi nya pero hindi parin ako lumingon.
"Sya ba si Liane?" Nadinig kong tanong ni Duncan.
"Gusto ko lang madalaw sya, nalaman ko ang nangyare sa kanya kaya pumunta ako dito." Boses ng binibini.
Pero hindi parin ako tumitingin sa kanila, nanatili ang paningin ko sa babaeng mahal ko na maraming naka-kabit na aparato.
Nag-usap-usap sila pero parang wala akong naririnig.
Nang may kumatok ulit sa pinto.
Narinig kong may kausap si Josh sa labas, maya-maya ay narinig ko ang napaka-pamilyar na boses.
Kaya naman napalingon ako.
Anong ginagawa nito dito? Sinabi naba ni Joana sa kanya na nandito sa ospital ang baby ko?
"Pasensya na sa abala, ang sabi kasi ng doctor ni Lia-" naputol ang sasabihin nya ng magkasalubong ang mga mata namin, lumagpas sa akin ang paningin nya at dumako ito sa binibining nakaratay sa kama.
Nanlaki ang mga mata nya sa nakita nya.
"Jackie Chan?" Nadinig kong saad nya.
Mabilis syang lumapit sa amin.
"Anong nangyare sa kanya!?" tumaas ang boses nitong tanong sa amin.
Lumapit si Reid dito.
"Calm down, wag kang sumigaw dito." Seryosong sagot nito sa kanya.
"Jackie Chan?" Patanong na boses ng binibini kaya naman napatingin ako sa katabi ni Craig.
Naramdaman ko nalang na dumapo ang kamao ni Liam sa mukha ko na ikinatumba ko.
"Jay!" Sigaw ng mga kasama ko.
Napapikit ako sa hilo.
"Hey! Liam! What the hell?" Nadinig kong saad ng baritonong boses na umawat pala kay Liam.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RastgeleSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...