Cloud POV
Hindi nanaman sya sumagot sa mga sinabi ko.
Nakakaramdam ako ng kirot sa puso kapag hindi ko naririnig ang mga katagang gusto kong marinig, alam kung masyadong mabilis ang mga pangyayari.. lalo na ang nararamdaman ko sa kanya, i'm not really sure about her feelings about me dahil palagi nya akong sinusupladahan kapag may pagkakataon, pero ako? sigurado na ako sa nararamdan ko para sa kanya.
Wala namang basehan sa nagmamahal kung gaano mo katagal na kilala ang mahal mo hindi ba? i know it sounds cheesy and its yucky, but i don't care.
Nakatitig kaming dalawa sa isat isa nang biglang may bumusina ng sobrang lakas.
Parehas kaming nagulat ng Baby ko.
Tsk siraulong Vince 'to.
"Wag mo masyadong titigan si Jacquelyn at baka maglaho yan Jay!" Pang-aasar nya habang humahakbang palapit sa amin.
Nakita kong namula ang mukha ng Baby ko sa sinabi ni Vince, kapag ganito ang reaksyon nya nakakaramdam ako ng kakaiba.
This women makes me want to take her when she blushes like that. Ugh!! Sh*t!
My buddy was reacting!
Kaya mabilis kong sinenyasan si Vince na sumunod sa akin."Baby mag-aayos lang kami sa loob ng van." Paalam ko at mabilis na tinapik si Vince at lumakad palayo.
Dahil baka hindi ako makapag-pigil at dalhin ko sya sa bahay ko and take her,make love with her 'till we both tired.
Sh*t! I feel like
i'm a h*rny man!Kalma Cloud Jay! nakakahiya ka kapag nagkataong makita
nya ang reaksyon mo!Naramdaman ko ang tapik ni Vince sa akin.
"Oi, ok ka lang?" Natatawa pang tanong nya.
Buwisit 'to mukha ba akong ok lang sa paningin nya?
Tumango nalang ako habang inaayos ang mga dadalhin namin para sa swimming.
"Sigurado ka?" Pangungulit pa nya. Tiningnan ko lang sya at di ako nagsalita.
"Ok, sabi mo eh.." nakangisi nyang pahabol kaya binigyan ko sya ng inis na tingin.
"By the way Jay, kanina ng sabihin kong baka matunaw si Jacquelyn.. tiningnan mo sya ng parang.." pambibitin nya.
Kaya nilingon ko sya.
"Kakainin mo sya ng buhay." Pahabol nya.
Nanlaki ang mata ko!
Bibigyan ko sana sya ng suntok sa braso ng humakbang sya paatras at natatawang lumayo sa akin.Lumapit sya kayla Joana na nakalabas na pala ng bahay at may mga dala.
Tinulungan ko silang isakay ang mga dadalhin sa van.
Marami kaming pupunta sa Montealegre Island.
Kailangan pa naming sumakay ng lantsa bago makarating don, gusto kasi nila Josh gamitin ang bagong biling lantsa ni Reid, ang kapatid nya.
"OK guys! Naka-pack up naba lahat?" Tanong ni Duncan.
Eto talaga ang tumatayong kuya sa lahat eh.
Sumagot kaming lahat.
"Ok lets go." Sabi ni Duncan kaya mabilis ang kilos na nagsisakay kame.
Si Duncan ang nagmamaneho habang ako naman ang katabi nya sa harapan.
Mahaba ang van para magkasya kaming lahat.
May dadaanan pa kami sila Gray at yong kapatid nyang babae na si Nika.
Si Alexis at ang kasintahan nitong si Nicole at kapatid na si Arthur.
Ang bonding na gagawin namin ay para sa aming pamilya at mga malalapit na kaibigan may mga Agents na natapos na ang misyon kaya pag-papahingahin muna.
Syempre dahil Montealegre
ang may hawak sa kanila natural na kasama kame.Napatingin ako sa salamin.
Nasa likod ko si Adrian na katabi si Joana na nakahiga sa mga hita nya.
Si Josh naman ay solo sa likod dahil wala pa ang iba.
At ang baby ko?Nasa tabing bintana habang may nakapasak na headset sa tenga at hawak ang phone nya na nakangiti. Nakangiti?
Sino namang katext nito?
Bumusina si Duncan ng huminto kami sa tapat ng bahay nila Alexis.
Una kong nakita si Nicole sumunod si Arthur at pang huli si Alexis dahil nilock pa ang bahay nila.
"Joana! Umayos kana ng upo! Ang bigat mo!" Narinig kong sabi ni Adrian.
Bumukas ang pinto ng van at bumangon si Joana. kinurot pa ni Joana si Adrian.
"Mabigat ako?!" Nanlalaki ang mata nyang tanong.
"Ouch!" Daing naman ni Adrian.
Pumasok na sa loob sila Alexis."Hi Guys!" nakangiting bati ni Nicole sa amin. Gumanti din kami ng bati sa kanila.
"Hi! I'm nicole, your Jacquelyn ayt?" Nakangiting bati nya kay Jacque na nagtanggal ng headset.
"Hi, yup i am.." nakangiti ding bati nya.
Ganon din ang ginawa ni Arthur nagpakilala din sya.
Umandar na ulit ang van.
Nagkwentohan sila habang nasa daan.Dinaanan na din namin sila Gray at Nika. nagpakilala din si Nika kay Jacque.
Nakarating kami sa da-ungan.
Nakita ko ang lantsa na may nakalagay na Reid Laurence Montejo.
"Dyan tayo sasakay?" Narinig kong tanong ng baby ko kay Joana, nasinagot naman nito ng ngiti at tango.
"Wow.." namangha na sabi ng Baby ko.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng ganyan?" Tanong ni Joana.
"Nakakita na din naman sa t.v nga lang." Sagot naman nito na nagpatawa kay Joana at pati sa akin.
Bumaba si Reid.
Nakangiti ito habang lumalapit sa amin.
"Rence!" Bati ni Joana.
Lumapit naman si Reid at humalik kay Joana.Tumingin ito sa baby ko.
Kaya agad akong humakbang palapit sa kanila. nagulat si Jacque ng hapitin ko sya palapit sa akin I know i'm acting like a possessive boyfriend but who cares!
We had a bro code. what yours is yours and mine is only mine.
Narinig kong tumawa si Duncan na nasa kaliwa ko pala kasama ang iba pa.
"So, you must be the mighty girlfriend of my kuya Jay? Jacquelyn right?" nakangiting bati nito.
"I'm Reid Laurence.." sabay abot nito ng kamay. Inabot naman ito ni Jacque.
"Pleasure to meet you at hindi ako girlfriend ng kuya Jay mo." Tanggi naman nitong baby ko.
Narinig ko silang tumawa sa sinabi ng baby ko.
Sumimangot na ako.
Hindi ba nito alam na nakakasakit sya ng damdamin? Tsk!"Ah, hindi paba? Well, soon then." Nakangising sabi ni Reid sa baby ko na nagpangiti sa akin.
Napatulala naman sya sa sinabi ni Reid.
Ha! That's right!
Nagsisakay na sila.Kami ni ng baby ko ang nahuli.
Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin dahil hindi ko parin sya binibitawan.Hanggang isinantinig ko
ang kanina ko pa gustong itanong sa kanya."Sinong katext mo kanina pa?" Bigla kong tanong na nag-pakunot ng noo nya.
BINABASA MO ANG
Montealegre Series 1: The Stranger I Fall Inlove (Completed)
RandomSi Jacquelyn ay kilalang palaban at may tigreng ugali. Ngunit mapag mahal na anak, kapatid at mabuting kaibigan. Kuntento na sa kabila ng simpleng pamumuhay. Si Cloud Jay isang makisig na lalaking nagmumula sa kilalang angkan. Habolin at matinik sa...