Tine's POV
Nakakainis na talaga promise!!! Ang hirap maging mabaet!! Kasi naman bakit ba ganoon sila Eumee sakin? Ang baet baet nila?! Tapos nakaka konsensya pa! Ang plastik plastik ko. Di naman yung plastik na sinisiraan ko sila yung mga ganoong tipo ba! Iba yung pagkaplastik ko no! Di ko kasi mapakita sakanila yung totoo kong ugali bakit? Kasi nakakahiya!
Maarte ako! Bungangera! Mataray! Masungit pa! Pero bakit di ko nagawa lahat ng yun? Bakit di ko napakita nung una palang nila akong makita?! Bakit?! Nakakainis!
Nandito ako ngayon sa rooftop ng school namin kung saan lagi kaming nakatambay, kung saan kami unang mag kakilala. Sino sya? Sya si James Park. Ang lalaking inibig ko ng totoo. Iniwan ko lahat para sakanya pero ano nangyare ngayon? Ako yung iniwan! Karma ba yun?! Bullshit na karma yan!
Paano kami nag kakilala?? Ganito yun ehh..
*flashback*
Sa sobrang inis ko sa mga kaibigan ko, dahil sa nalaman ko. Pumunta ako dito sa rooftop, dito ako nag iiyak. Bakit ganoon sila? anong nagawa ko para tratuhin nila akong isang kawalan sa buhay nila?
''ang sama sama nyo *sniff anong klaseng kaibigan kayo *sniff'' tapos napahagulgol na ako ng tuluyan.
Maya mya narinig kong bumukas yung pinto kaya medyo tinakpan ko yung bibig ko para di ako makita. Sinilip ko kung sino. Isang lalaking matangkad, maputi, may blonde na hair, mukha syang koreano. May dala syang gitara tapos umupo sya sa may gawing ginta tapos humarap sa gawi kung saan kita ang buong school. Nag umpisa syang mag gitara.
Now Playing: Synesthesia (Acoustic Version)
Save your smile
Everything fades through time
I'm lost for words
Endlessly waiting for you
Stay with me
Yes I know, this cannot be
As morning comes,
I'll say goodbye to you when I'm done
Through the sun...
Ang ganda ng boses nya.. Para akong nakikinig sa isang anghel. Ang swerte naman ng babaeng inaantay nya.
Because I've waiting for you, Waiting for this
Dream to come true, just to be with you.
And if die, remember this line,
I'm always here, guarding your life...
Guarding your life...
BINABASA MO ANG
Just a game. [COMPLETED]
Teen FictionLet's laugh and cry with the story of their life.