Steven's POV
Nakauwi na kami ni Kevin. Grabe lang kanina. Sobrang sumakit katawan ko dun ahh.. Kung tinatanong nyo kung saan. Tsaka nyo na lang alamin kakwento ko lang ehh..
''oi Steven!'' si Kevin lang pala =____=
''oh?''
''wala. Wala.'' tingnan mo tong isang to. Tanga ba sya? Tatawagin ako tapo sasabihing wala. Lakas din sapak nito sa utak! Makatulog na nga!
''oi Kevin sige una na ko! Inaantok na ako!'' paalam ko sakanya tapos lumabas na ako ng kwarto nya. Ano kayang iniisip ng hinayupak na yun. Masyadong seryoso. Tsk.
--------------------------------------------------------
Kevin's POV
Kanina pa ako nag iisip ng magagandang plano para pampahiya kay Eumee na yun. Oo alam ko na name nya. Galing ko no? Narinig ko kasi kanina nung pinakilala sya ni Migs.
Tapos naisipisip ko lang ulit. Maganda nga pala yung Eumee na sinasabi ni Steven. Tapos yung Eumee na pinsan nung babae ni Migs psh! She's the ugliest girl i've ever seen.
Ilang oras na din akong nag iisip ng plano para sa Eumee na yun! Litsi!
Ahh.. Okay.. Alam ko na ahahahahah!
''Ako ipapahiya mo Eumee?? Bwahahaha! Si Kevin Prada yata to! Tingnan lang natin ngayon!'' okay =___= para kong tanga ahh!
---------------------------------------
Gumising ako ng sobrang aga. Mga 5 am palang kaya nagulat kasi yung mga maids namin. Parang ganito ba.
''sir Kevin??'' tanong nung unang maid namin na nakasalubong ko.
''what?!''
''himala po yata nagising kayo ng maaga?? Hayss.. Salamat sir Kevin.''
''thanks for what?!''
''salamat po kasi di na ako mahihirapan sa paggising sainyo. Pero sir may sakit po ba kayo? O baka naman po nag ddrugs na kayo?''
''Pwede ba manang wag mo na nga akong kausapin! panira ka ehh alam mo yun?! Atsaka sinong nag ddrugs? Baka gusto mong mawalan ng trabaho ha?! Feeling close ka din no?!'' sabi ko tapos naglakad na ako. Iniwanan ko syang takot na takot hayss..
Pumunta na ako ng garahe namin para kuhanin yung Kotse ko. Syempre susunduin ko ang mababait kong kaibigan! Bwahahaha! Di ko na din sila kailangang gisingin. Bakit?? Tinakot ko kasi sila kahapon na kapag hindi sila gumising ng maagang apat magigising na lang sila ng nakasabit sa may gitna ng stage habang mga naka boxer lang tingnan lang natin! Ahahah!
BINABASA MO ANG
Just a game. [COMPLETED]
Novela JuvenilLet's laugh and cry with the story of their life.