Shaun's POV
Nabalitaan ko yung nangyari kay Eumee. Kakaalis ko lang ng Pilipinas nung mismong pagkatapos mag propose sakanya ni Kevin. Kahit gusto kong bumalik para makita si Eumee wala naman akong magawa dahil ayaw din akong payagan ni Daddy.
Hindi ako magagalit kay Kevin dahil alam ko naman na wala syang kasalanan sa nangyari, hindi nya kagustuhan yun.
Isa pa nawalan din sya, nawala yung magiging anak nila. Buti na lang din at nagiging matatag pa sya para kay Eumee. Dahil kung hindi kukunin ko na sakanya ang pinsan ko.
May kasunduan kaming dalawa. Ilalayo ko sakanya ang pinsan ko oras na may mangyaring di ko magustuhan. Na talagang ikakawasak nito.
"Shaun may bisita ka." Napatingin naman ako kay Xerrah.
Kung pinagtataka nyo kung sino sya at ano ko sya. Well she's my friend since I came here. No more no less. Alam naman nating lahat na isang babae lang mahal ko.
Kahit na napakasakit ng ginawa nya sakin hindi ko alam kung bakit patuloy ko pa din syang minamahal.
Kahit na alam kong ginamit nya lang ako umasa ako. Umasa ako na dadating yung minsan na mamahalin nya din ako pero hindi eh. Iba ang nangyari.
Pero napatawad ko na naman sya. Gusto ko na syang kalimutan pero hindi ko alam sa sarili ko kung baki sya pa rin ang mahal ko at minamahal ko.
"Sige papasukin mo."
Nandito kasi ako sa library ng bahay at may inaayos na mga papeles. Ako kasi yung naghahandle ng company namin dito.
"Shaun." Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sa nagmamay-ari ng boses na iyun.
What is she doing here?
--
Kevin's POV
Hindi ko inaasahan ang sasalubong sakin pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay. Nagkakagulo silang lahat. Anong proble ng mga to?
"What's happening here?" Sa curious na talaga ako eh.
"Thank God you're here. Dalian mo Kevin si Eumee!" Dahil sa sinabi sakin ni tanda napatakbo ako sa kwarto ni Eumee.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng kwarto nakita ko na yung mga gamit na nakakalat at mga basag sa lapag. I look at her. Nasa isang sulok sya at umiiyak.
"No please! Maawa ka sakin!" Sigaw nya na parang may kinakausap.
Oo akala ko din okay na sya, pero habang tumatagal lumala na. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. Palagi na lang syang ganyan, parang baliw na ewan.
Tuwing gabi nagkakaganito sya sa araw naman tulala nanaman sya tapos mag-iiiyak. Minsan naman nakakausap sya ng matino. Pinapunta ko na din dito one time yung step dad nya pero ang sabi lang eh she's still in trauma.
Lord bakit ba ganito naman yung kabayaran na binigay nyo sakin sa lahat ng nagawa ko?
Pwede namang ako na lang eh bakit sya pa? Kinuha nyo na nga yung anak ko tapos pati ba naman yung pinakamamahal ko ganito pa yung mangyayari?!
Lumapit ako Eumee. "I'm here Eumee." Sabi ko sakanya.
"No please! Tama na! Maawa kana sakin! Please!" Sigaw nya pero patuloy pa din akong lumapit sakanya.
Hinakan ko sya pero nagpupumiglas sya. This is not the usual set up! No please! Ano nanaman to!
Napagkakamalan nyang ako yung bumaboy sakanya?
Di nya ako makilala? Shet naman!
"No Eumee! Ako to si Kevin! Mahal ako to!" Sabi ko sakanya. Pero patuloy pa din sya sa pagpupumiglas nya. Niyakap ko na lang sya. "Eumee please stop. Ako to si Kevin okay? I'm here. Don't be scared I'm here." Pero parang wala syang naririnig.
BINABASA MO ANG
Just a game. [COMPLETED]
Teen FictionLet's laugh and cry with the story of their life.