Chapter 42 (Paghaharap-harap)

204 5 0
                                    

Third Person's POV

Kasalukuyang naghahanda si Eumee para sa party na gaganapin ngayon para sakanyang kaarawan. Invited lahat ng malalapit sakanya pati na din ang iba pa nyang kakilala kagaya ng mga kaklase nila.

Nakatayo sa harapan ng full length mirror sa kwarto nya at pinagmamasdan nya yung sarili nya suot ang kanyang long sleeves white dress na above the knee ang haba, naka flat shoes sya na black at naka kulot yung dulo ng buhok nya. Light lang ang make-up nya. Hindi naman kasi nya kailangan na mag-ayos ng magara, hindi naman kasi masyadong enggrande ang handaan nila.

Hindi nya maintindihan ang sarili nya kung bakit sya kinakabahan. Natinag lang sya ng may kumatok sa kwarto nya at niluwa ng pinto si Mayoimie. Nginitian nya ito at lumabas na sya.

"Mayoimie, kinakabahan ako." Sabi nya sa pinsan nya.

"Nako Eumee, kinakabahan ka lang kasi nalaman na ni kiya Shaun. Wag ngang mag-iisip ng kung ano-ano. Alam kong nag-iisip kana ng hindi maganda. Relax ka kang okay?" Alam naman kasi ni Mayoimie ang mangyayari mamaya.

Masaya sya para sa pinsan nya. Dahil alam nyang hindi ito pababayaan ni Kevin kahit na alam nilang pareho na nagagalit si Shaun. Pero bigla din syang nakadama ng kakaibang kaba sa dibdib nya. Feeling nya may hindi magandang mangyayari ngayong araw na to. Pero sana wala naman.

Sumakay na sila sa kotse ni Migs para makapunta na sila sa hotel nila Kevin. Ayae nya sana na doon ganapin pero masyadong mapilit si Kevin, kaya wala na lang din syanb nagawa.

"Migs, bakit hindi si Kevin ang sumundo sakin? Nasan ba sya?" Tanong nya kay Migs. Hindi maalis sakanya yung kaba nya. Kakaiba yung kaba na yun. Hindi nya maintindihan.

"Ah may inaasikaso lang sya pero papunta na sya. Sakin kana lang nya pinasabay." Nginitian na lang nya si Migs habang tumatango sya.

Mga 20 minutes na byahe at nakarating na sila. Sinalubong sila ni Lolo Rafael at ng mga magulang ni Mayoimie kasama ang Mommy nya at ang kapatid kasama din ang step father nya.

"Happy Birthday Eumee." Bati sakanya ni Lolo Rafael.

"Thankyou po Lolo." Sabi nya dito.

"Nako Eumee, dalaga kana talaga haha, Happy Birthday." Bati sakanya ng Tita nya at Tito nya. Pagharap nya kay Nami ay bigla na lang syang niyakap nito.

"Happy birthday ate." Pinagmasdan naman nya yung kapatid nya, napasimangot na lang sya ng makita nya kung anong suot nito.

"Thankyou Nami." Tumingin sya Mommy. "Ma, bakit ganito itsura ni Nami?" Nagkibit balikat lang yung Mommy nya tapos niyakap sya at binati kagaya nang iba binati din sya ng Step Father nya.

Kung iniisip nyo kung anong itsura ni Nami, naka suot sya ng Short na above the knee ng konti na kulay Gray tapos naka long sleeve na polo na kukay White na nakatupi hanggang siko nito at naka boots ito. Napa face palm na lang sya sa nakita nya, hindi nya talaga lubos akalain na tomboy na ang kapatid nya.

Nagpasukan na sila Loob madami ng bisita at binati sya ng mga ito. Thank you lang sya ng thank you. Hinahanap nya kasi ang taong magkokompleto ng araw na to. Pero hindi nya to makita.

"Eumee!" Napatingin naman sya sa tumawag sakanya. Nakita nya si Cathy, Hailey, Cross at Steven.

"Hello." Bati nya sa mga to.

"Happy Birthday!" Sabay-sabay na bati ng mga ito.

"Asan si Kevin? Wala ata sa tabi mo?" Tanong ni Cathy sakanya.

"At bakit mo naman hinahanap si kuya Kevin? May balak ka nanaman bang agawin sya?" Tanong sakanya ni Hailey.

"Hoy bubwit pwede ba wag kang makisabat sa usapan namin? Hindi naman ikaw ang kausap ko diba? Atsaka wag kang mag-alala hindi ko aagawin si Kevin! Duh! If I know may umagaw na ng trono bilang Kontrabida dito! And I can't wait to see her." Oo nagkabati-bati sila pero not really. Lagi kasi nilang sinusungitan si Cathy, especially Mayoimie and Hailey. Napailing na lang sya sa asal ng dalawa. Mukhang wala na atang pag-asa.

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon