Chapter 38 (Family?)

379 3 0
                                    

Kevin's POV

''Kevin wag.. Wag kanang lumaban please..'' pagmamakaawa nya sakin.

Hindi! Hindi ko sya pwedeng iwan dito! Dahil sakin kaya sya nandito ngayon!

''no! Hindi kita iiwanan dito lalaban at lalaban ako! Hanggat kaya ko!'' sabi ko sakanya.

''matigas pala ang ulo ng boyfriend mo ehh Ms.'' sabi nung lalaking holdaper habang pinapaikot pa yung baril sa daliri nya..

''Kevin.. Umalis kana dito. Ayokong may mangyare sayong masama.. Umalis kana Kevin.'' sabi nya ulit sakin. Habang pinipilit nyang makaalis sa pagkakahawak ng mga kasama nung holdaper.

'' i said no! Kung mamamatay ka! Mas mabuti pang sabay na lang tayo.'' sabi ko.

Mas maganda na to kesa mag dusa ko sa sakit pag nawala sya sakin nang wala man lang akong nagawa.

''wow naman.. Para kaming nanonood ng isang tragic Love Story.. Ang sweet mo naman. Ehh kung ikaw kaya ang unahin ko?''

O____O

- ganyan ang mukha nya nung tinutok sakin ng holdaper yung baril.. Pero no! dapat di ko ipakitang natatakot ako. Para saming dalwa.

Tiningnan ko lang sya. ''Handa akong mamatay basta pakawalan nyo na sya!''

''kung iyan ang gusto mo sige..''

Parang nag slowmo bigla ang lahat..

''Waaaaaggg!!!!!'' sigaw nya habang tumatakbo papunta sakin.

*BOOOOOOM*

''HINDII!!!'' sigaw ko.

Napabangon ako bigla. Bakit ko napanaginipan nanaman yun? Atsaka si eumee? Si Eumee yung babaeng nasa panaginip ko! Anong ibig sabihin nun?! Letse kinakabahan ako!

"Eumee!!!" Sigaw ko habanh pababa ako galing sa kwarto ko. Alam ko kasi dito sya natulog kagabe. Pinilit ko kasi sya.

Pumunta ako sa kusina para tingnan kung nandoon sya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko syang nagluluto. Napangiti na lang ako, napakaganda talaga ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Lumapit ako sakanya atsaka ko sya niyakap mula sa likuran

"Oh gising kana pala. Ang aga naman ata?" Tanong nya sakin habang nagluluto.

"Wala lang. Naramdaman ko kasing wala kana sa tabi ko." Sabi ko sakanya.

Sasabihin ko ba yung napanaginipan ko? Pero diba panaginip lang yin? Sabi nila kabaliktaran daw ng panaginip ang reality. Pero naalala ko yung sinabi sakin ng physician na pinuntahan namin dati. Sabi nya pwede din daw yung mangyare.

Hinigpitan ko yung pagkakayakap ko sakanya at sa paraan na hindi naman maiipit yung baby namin.

"Ang sweet mo yata ngayon? Hahaha!" Sabi nya atsaka sya humarap sakin tapos nilagay nya yung dalawang kamay nya sa leeg ko.

"Eumee, wag kang aalis sa tabi ko wah?" Kinakabahan talaga ako eh. Hanggat maari babantayan ko sya. O kaya umalis man sya eh dapat may kasama sya. Di ko kayang mawala sya sakin.

Kumain na kami tapos nag-ayos na. Pupunta kasi kami sa bahay ng Mommy nya. Gusto daw kasi syang makita ni Nami. Yung kapatid nya sa Mommy nya. After naming mag-ayos lumabas na kami ng unit ko.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Tine samin.

"Pupunta kami kila Mommy eh." Sabi ni Eumee.

"Ayy ganoon? Ano ba yan busy kayong lahat. Sige ingat kayo." Paalam nya samin.

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon