Chapter 23 (just a chapter)

409 7 2
                                    

MIG'S POV

Oi nag POV ako? HAHAHAHAH. Alam kong namiss nyo ko HAHA, syempre ako lang nagsasabi nun alam ko naman na hindi eh HAHA. O sya, sya. Nandito ako ngayon sa Condo unit ko, katapat nang Condo unit nila Babes and Eumee. Nag iimpake na kami para sa pag-alis namin mamaya papuntang tagaytay. Si Mayoimie tinutulungan na lang nya si Eumee mamili, di kasi excited yung si Babes ko na yun kaya kagabe pa lang nag-ayos na sila nang gamit nila -_______- Grabe no???


Syempre si Eumee naman di yan makakaalis nang walang baong pag-kain. Naalala ko nung last time na vacation namin na magkakasama, nag-aaway pa sila ni Kevin mga isip bata kasi kaya bagay na bagay sila. Kaso akala namin sila nung mga panahon na yun hindi naman pala. Oo nararamdaman ko kayo na nalulungkot kayo dahil dun. Pero ang kinaiinis ko lang naman eh yung bakit sya pinagpalit ni Kevin kay Cath. Tapos eto nililigawan nama sya ni Steven. Haysss..


Kasi naman pala, sya pala yung first love ni Steven since childhood -____- oo bagay sila, at alam kong di masasaktan ni Steven si Eumee. Hindi kagaya nang ginawa ni Kevin sakanya. Pero isang taon na yung lumipas hindi parin namin alam yung dahilan kung bakit mas pinili ni Kevin si Cath. 


Buti nga hindi nasira yung Relation namin ni Mayoimie eh, kasi nga diba kuya ni Babes ko yung fiance dapat ni Cath -____- di naman kasi ganoon dati si Cath. Mabait si Cath, kaya nga sya nagustuhan ni Kevin eh atsaka ni Lolo Rafael kahit na hindi sila mayaman. Kung tatanungin nyo naman ako kung bakit nakapasok si Cath sa School namin kung hindi sya mayaman dati eh.. Scholar kasi sya, matalino sya, masipag. Gusto nyo pa bang ikwento ko kung paano sila nagkilala? Alam kong nakakainis na yung ugali ni Cath eh dama ko naman kayo pagdating dyan hahaha.. Si Babes nga kulang na lang sugurin nya tapos buhusan nya nang asido para hindi na lumandi. Oo ganoon nya kinamumuhian si Cath, ikaw ba naman paasahin yung kuya mo. Pero kung tatanungin nyo naman kung nagalit sya kay Kevin?? OO sobrang galit sya kay Kevin, dun kami muntik mag break pero syempre wala naman sya nagawa eh, mahal na mahal nya kasi ako.


Okay kwento ko na ba yung sa pagkakakilala nila Kevin? Osige eto na wag kayong apurado. Atsaka kung nagtataka kayo kung bakit kalalaki kong tao ang daldal ko susko, kayo kaya magkaroon nang karelasyon nang napaka-ingay -_____- Okay eto na mag-uumpisa na ako.


*FLASHBACK*

(Second Year HS)


Nakatambay kami sa may mga bench sa may playground dito sa school nang elem. Ewan ko kung anong trip ni Kevin at dito nya napagtripan tumambay -______- 


"Kevin anong trip mo at sinama mo kami dito?" Tanong ni Jigger sakanya (Di pa po mahilig sa Psp si Jigger this time)


"Ala lang trip ko lang HAHAHAHA" Napa Face palm na lang kaming apat sakanya -_____- 


"Ala naman tayong mapapala dito Kevin tara doon  nalang tayo sa High school Department ala pang chix dito oh! So boring" Syempre sino pa ba ang babaero samin? edi si Tyller.


"Puro ka babae Tyller -_- tara na nga maiinis nyo pa ako!" tapos ayun tumayo na sya. Syempre sinusundan lang namin sya.


Biglang napatigil si Kevin kaya naman napahinto din kami. Tumingin kami sa tinitingnan nya. Psh. BABAE lang naman pala, kaso mukhang di naman sya Elem eh. Parang ka-age lang namin sya. Pero bakit naman dito sya may Elem nagrereview? Kug tinatanong nyo kung paano ko nalaman na nagrereview sya eh, may hawak kasi syang libro tapos ang dami pang libro sa lamesa nya. Grabe ang sipag naman nya. 


"Woah, chix yun ah. Aba Kevin wag mong sabihin na nagagaya kana kay Tyller na malakas ang paningin pagdating sa babae" sabi sakanya ni Cross.


"HAHAHA. Grabe ka Kevin, kunyare mo pa akong sinasabihan na babaero ikaw din naman pala kaso palihim" *BOINK* nabatukan lang naman sya ni Kevin. Lagi na lang kawawa tong si Tyller kay Kevin.

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon