Chapter 26 (Truth or dare)

350 6 0
                                    

STEVEN'S POV

"Makakusap nyo naman ako nang matino eh, kagaya ni Kevin, nakausap nya ako last year nang matino. At take note ako lang ako nakakaalam nang sekreto na yun."


I must say na napatulala kami sa sinabi ni Jigger. Secret? Anong sekreto naman yun? at bakit mukhang napaka complicated naman masyado at nilihim nila samin nang almost one year? This time kay Kevin naman kami napatingin na halatang nagulat sya sa sinabi ni Jigger. Mukhang hanggang ngayon ayaw nya parin itong ipaalam samin.


"Wait lang guise. Akala ko ba Friends tayo? Bakit naman ang unfair nyo at may secret kayo samin nang almost one year." sabi ni Cross. He's right.


"Hindi ba nyo pwedeng ipaalam samin yun?" this time si Migs naman ang nagsalita.


"Masyado bang complicated yung sekreto na yun at ganoon katagal nyo naitago? Tell us, may balak ba kayong dalawa na sabihin pa samin yun?" sabi ko.


"Why don't we just play Truth or Dare later. Wag kayong masyadong mainit. At wag nyong masyadong pag-isipin si Kevin." sabi samin ni Jigger. Tapos tiningnan naman nya this time si Kevin na nakyuko na. "Sorry Kevin, di ko na napigilan eh, matagal na din naman diba? atsaka tama naman yung hinaing nila na kaibigan mo din sila at may karapatan silang malaman yang pinagdadaanan mo sa loob nang isang taon. I think this is the best time that you have to tell them the truth."


Hindi nakasagot si Kevin. So all this time, may problema sya at oo hindi naman nya sinarili, sinekreto lang nya, nila. At all this time, eto namang si Jigger, titingnan mong ganyan, sya pa ang may madaming alam sa mga nangyayari sa paligid naming lahat. Pero ang hindi ko lang naman maintindihan eh kung ano yun! Wala akong clue! Pero tama naman si Jigger the way to know his secret is by the game of truth or dare. Mahilig din naman sya makipaglaro eh. Ngayon sya naman yung lalaruin namin.


It's Almost 6:30 in the evening and nandito na kami sa may gawing likod nang mansion kung saan pwedeng mag Bonfire. Nag iihaw lang kami nang barbeque, hotdogs, marshmallows. Si Kevin kanina pa sya umiinom, mukhang natetense sya. Kanina pa nga sya sinasaway ni Cathy pero ayaw nyang paawat.


"Let's have a game guise." napatingin naman kami kay Jigger na may dala dalang Bote.


"Wow Jigger, hindi ata Psp ang lalaruin mo ngayon ah. Anong milagro ang nangyare?" Tanong sakanya ni Mayoimie.


"Wala lang naisip ko lang makipag bonding sainyo. Puro na lang kasi ako Psp, hindi ko na alam mg nangyayari sainyo Haha." sabay kamot nya sa batok nya. So he's acting like he's so innocent.


"ano namang laro?" sabi ni Eumee. Katabi ko sya at kanina pa sya kain nang kain. Ang takaw talaga nang babae na tao.


"Truth or dare. Simple lang yung mechanics, Kapag tumapat sayo yung nguso nang bote, iikot mo ulit, at kung sinong tapatan, sya yung mag tatanong sayo." paliwanag ni Jigger.


"Eh what If parehong tumapat sayo?" tanong ni Thin.


"Well, Pareho mong gagawin, ang truth at ang dare." paliwanag nya ulit.


"Ahhhh.. eh sinong mag-uutos?" tanong ulit ni Thin. Di sya matanong no?


"kaming lahat. Kailangan namin magkasundo lahat sa ipapagawa sayo. Easy as that." sabi ni Jigger.


"Simulan na natin." tapos umupo na sya at sinimulan na nyang ikutin yung bote, halos lahat kami nakatingin lang sa bote.


"Sana wag akong tapatan." bulong ni Eumee, hinawakan ko na lang yung kamay nya at napatingin sya sakin kaya ngintian ko sya.

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon