Chapter 45 (Struggles)

255 6 0
                                    

Mayoimie's POV

"May Good News at Bad News ako.."

Lahat kami nakaabang sa sasabihin ng doctor. Lahat kami kinakabahan. Magmula kanina, tumutulo na ang luha ko. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Napakasama nang may gawa nito kay Eumee.

"A-ano po yun?" Nauutal na tanong ko.

"Ang Good News ay.. maayos na ang kalagayan ng pasyente." Nakahinga kaming lahat sa sinabi nang doctor. Buti na lang galaga okay lang si Eumee.

"Pasyente? Isa lang ang maayos?" Napatingin kami kay Kevin, halatang naluluha sya. Pero ano bang.. shit!

Bakit ngayon ko lang naisip na dalawa nga pala sila? Dalawa sila nang magiging pamangkin ko! This can't be!

"Iyun ang Bad News. Dahil sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabagsak nya ay hindi kinaya ng kapit ng bata. Nalaglag ito."

Bigla na lang kinuwelyuhan ni Kevin ang doctor. "NO!!! TELL ME THAT WAS A FUCKING LIE! TELL ME!" Sigaw nya dito habang umiiyak.

Ngayon ko lang sya nakitang nagkaganyan. In my entire life na kasama ko sya ngayon lang talaga. Sabagay, ako man ang nasa kalagayan nya iiyak talaga ako.

Pinigilan naman sya nila Cross at Steven at pinakalma.

--

Akala namin iyun lang ang masamang balita pero hindi pala.

Nandito kami nila Tine at Cathy para magbantay kay Eumee, may pasok pa kasi yun iba. Kami naman na tatlo ay saktong walang pasok kaya kami na ang nakatokang magbantay sakanya.

Gusto din sana ni Kevin na sya ang magbantay pero pinigilan namin sya. Pinagpahinga muna namin sya. Alam namin na sobrang sakit at hirap para sakanya ang nangyari, nawalan sya nang magiging anak idagdag mo pa ang kalagayan ni Eumee.

"Eumee, kumain kana." Sabi sakanya ni Cathy nang makalapit ito sakanya, pero nakatulala lang ito at nakatingin sa bintana.

2 days na syang ganyan. Nakatulala lang sya palagi, tapos iiyak na lang sya bigla. Minsan naman nanaginip sya atsaka sya sisigaw nang 'Tama na' 'Maawa ka'. Naaawa kami sakanya. Hindi nya deserve ang magkaganito. Wala naman syanb ginawang masama. Wala din akong maalala na nagawa nyang mali sa ibang tao. Kung sino man ang may kasalanan kung bakit sya nagkaganito, karma na ang bahala sakanya.

Akala ko magiging masaya na ang pinsan ko, ang bestfriend ko. Pero bakit ganito? Kulang pa ba yung sakit na naidulot sakanya nang nakaraan nya? Kulang pa ba yung paghihirap na naranasan nya nang masaktan sya dahil sa pagmamahal kay Kevin?

Kung kelan nag-uumpisa na sila, kung kelan magiging masaya na sila atsaka naman may mga taong patuloy na sumisira sakanila.

"Shh. Wag kang umiyak Mayoimie nahahawa kami sayo." Napatingin naman ako kay Tine at kay Cathy na nasa tabi ko at umiiyak na nakatingin saakin.

Pinahidan ko ang mga luha ko. Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako. "Hindi siguro napigilan ng mga luha ko. Nakakaiyak naman kasi talagang isipin na hahantong sa ganito si Eumee." Sabi ko habang nakatingin kay Eumee na nakaupo at nakatingin lang sa bintana.

"Lahat naman tayo hindi natin ineexpect na mangyayari to. Ang hirap lang isipin kasi kung kelan magiging masaya na sila atsaka pa to nangyari." Pagsang-ayon sakin ni Tine. Kagaya ko nakatingin sila kay Eumee.

"Everything happens for a reason." Sabi ni Cathy.

--

Kagaya nang mga nakaraang araw. Ganoon pa din ang kalagayan ni Eumee. Palagi syang tulala tapos iiyak. Pati pag natutulog sya ganoon pa din, napapanaginipan pa din nya marahil yung pambababoy na ginawa sakanya. Napakasama nila.

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon