Chapter 37 (Delubyo)

366 5 0
                                    

Eumee's POV

Nandito ako ngayon sa Room namin at hindi pa rin ako nakakamove-on sa sinabi ni Kevin >////////////< isigaw ba naman sa harapan ng lahat na magiging asawa daw nya ako! Ehhh? Kinikilig naman daw si Ako.

"Oy Eumee?"

Sabagay magiging asawa ko naman talaga sya eh kasi naman magkakaroon na kaya kami ng baby hahaha! Pero kasal? Ehhhhhh naman kasi >////////////<

"OY EUMEE!!!"

"AY PALAKA KA!" Sigaw ko kasi naman nagulat ako nung sigawan ako ni Mayoimie.

"Hindi ako palaka no!" Agad naman na depensa nya.

"Sorry naman, nagulat kasi ako."

"Eh kasi naman kanina ka pa kaya namumula dyan, tapos ngingiti-ngiti ka dyang mag-isa. Nako Eumee mukha kang baliw!"

"Ehh kasi naman hindi ako makamove-on sa sinabi ni Kevin a while ago!" Totoo naman eh at hanggang ngayon kinikilig ako na ewan.

"Naiintindihan ko naman yung sitwasyon mo okay? Pero bago ka kiligin dyan, alam mo na ba kung paano mo sasabihin kay Kuya Shaun?" Eto nanaman yung feeling na para akong kakatayin eh -________-

"Hindi ko nga alam kung paano eh. Kung pwede lang na huwag ko nang sabihin eh." Sabi ko atsaka ako napayuko. Hinawakan naman ako ni Mayoimie sa balikat ko giving me an assurance na tutulungan nya ako na kaya ko to.

"I'll be by your side okay?" Nginitian ko naman sya atsaka ko sya niyakap.

"Thanks"

---

Uwian na namin at hindi pa din namin nakikita si Tine, grabe. Kanina pang Lunch sila nawawala ni Tyller ano nanamam kayang kalokohan ang ginawa ni Tyller at nagkagalit sila ng matagal.

Nakasalubong naman namin si Enzo sa may Hallway papunta ng Tambayan nila Kevin. Ayaw na nga namin pumunta ni Mayoimie eh, kaso napakamapilit nila. Uwian na kasi at gusto naming magpunta ng mall! Duh! Ang tagal na namin na hindi napupunta sa mall. At imbis na magpunta kami ng mall ngayon eh eto papunta kami sa tambayan nila -_____-

"Pupunta ka din dun Enzo?" Tanong sakanya ni Mayoimie.

"Oo eh, tinawagan ako ni Jigger, kailangan din daw nya kasi ng back-up"

"BACK-UP?" Sabay namin na sabi ni Mayoimie.

Nag sigh naman sya atska tumingin samin. "Kaya tayo pupunta dun eh kasi nag-aaway si Tyller at si Tine, at sumabay pa si Khim at si Jigger, mukhang may Delubyo sa tambayan ngayon." Nagkatinginan naman kami Mayoimie at hinila na namin si Enzo patakbo.

Pumasok kaagad kami sa tambayan at halos malaglag ang mga mata ko sa nakikita namin ngayon.

O_________________O

"MASYADO KANG BABAERO!" Sigaw ni Tine sabay balibag ng vase na nahawakan nya.

Sa totoo lang ang dami ng basag na bote, vase, etc. Sa harapan naming lahat ngayon. Anyayare ba?

"Bah, wala lang naman talaga yun eh." Sabi ni Tyller habang umiiwas sa mga binabato sakanya ni Tine.

"ALA? PARA SAYO WALA YUN! LETSE KA! BWISIT KANG IMPAKTO KANG HALIMAW KA!" sabay balibag ulit ni Tine ng ewan ko kung ano yun.

"KASALANAN MO TO EH!" Sigaw naman ni Jigger kay Khim.

"ANONG AKO? IKAW KAYA!" Depensa naman nya.

Kasali nga pala sila gulo -__________- hindi parin kami umaalis na tatlo sa may pintuan kasi naman paano kami dadaan sa mga taong nag-aaway at nagbabalibagan?

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon