Chapter 43 (Proposal)

198 6 0
                                    

Eumee's POV

"Kailangan kitang makausap Kevin"

Ilang minuto na mula ng umalis si Kuya Shaun kasama si Kevin. Hindi parin ako mapakali kasi baka mamaya kung anon gawin ni kuya Shaun kay Kevin.

"Eumee, wag ka ngang OA dyan." Sabi sakin ni Mayoimie habang tinatap nya yung likod ko.

Kasama ko sya dito atsaka si Tine tapos si Ethan. Naiwanan kaming apat dito samantalang yung iba nasa dance floor at nag-eenjoy. Hindi naman ako makapag enjoy kasi inaantay ko pa si Kevin.

"Oo nga naman, kinakausap lang sya ni kuya Shaun." Sabi ni Tine.

"Baka mamaya hindi naman talaga sila nag-usap. Baka mamaya binubugbog na yun ni Kuya Shaun. Baka mamay--" naputol yung paghehestirikal ko ng tumawa si Mayoimie. Problema nito?

"Hahahahahahahaha. Grabe ka palang mag-alala kay Mahal mo haha." Nag make face na lang ako sakanya. Palibhasa wala silang problema ni Migs kaya ang lakas ng loob nyang maggaganyan. Bakit nga ba sila lang yung walang problema? Napaka unfair naman ata no?

"Nga pala, nasan si Melody?" Napatingin kami kay Tine.

"Oo nga, ngayon ko lang napansin. Kanina pa sya wala." -Mayoimie

"Baka natakot sya sakin at naisip nyang makapal talaga ang face nya para pumunta pa dito." Napatingin naman kami kay Cathy na kakadating lang at may dalang alak.

"Hahaha baka nga" akala ko ba inis sya kay Cathy? Eh bakit kinakampihan naman nya ngayon? Dapat dito kay Mayoimie magpatingin na sa doktor. Ang gulo eh.

"Oh ayan na pala sila eh." Tumingin kami sa bandang tinitingnan ni Tine.

"Ganyan ba ang nagbugbugan Eumee?" Napanguso na lang ako sa sunabi sakin ni Mayoimie.

Ang OA ko naman kasi. Ayan nga eh magkasama sila, nagtatawanan pala. Takte. Sila tawa ng tawa ako alalang-alala dito lintek na yan! -___________-

Papunta na sana ako sakanila kaso biglang namatay yung ilaw dahilan para magsigawan ang lahat.

"Kyyyyaaaaaahhhh!!!!"

Tapos biglang may tumutok saking ilaw. Tapos may isa pang ilaw kaso nakatutok na kay Kevin. Anong nangyayari??? Kinabahan nanaman ako.

--

Kevin's POV

Nagulat ako nang sabihin ni Shaun na kakausapin nya ako. Pumunta kami sa may garden para makapag-usap nang solo.

"Buntis na pala si Eumee, at ikaw ang ama." Sabi nya kaagad sakin ng makapunta kami sa may garden. At nakatalikod sya sakin.

"Sinabi na pala nya sayo." Sabi ko. Usapan kasi namin ni Eumee kaming dalawa ang magsasabi.

"Hindi nya sinabi sakin. Narinig ko sila ni Mayoimie na nag-uusap." Sabi nya tapos humarap sya sakin. "Anong pumasok sa isip mo at binuntis mo si Eumee?!" Medyo tumaas ang boses nya.

Alam kong may galit parin sya sakin, at sa nalaman nya alam kong lalo syang magagalit.

"Look Shaun, ginusto naming dalawa ang nangyari. At papanagutan ko sya." Sincere na sabi ko sakanya.

Pero tiningnan nya lang ako nang nanlilisik ang mga mata nya.

"Papanagutan?! Tang*na Kevin! Pagkatapos mong guluhin ang mga buhay namin ganyan naman ang gagawin mo! Tang*na!"

Inaasahan ko na to. Ang magalit sya sakin. Alam kong masyadong magulo. Pero ginusto naming dalawa yun ni Eumee, we made love not sex. We love each other that's why we made it.

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon