Chapter 31 (Step 1 goes to be in another way)

317 5 0
                                    

Melody's POV

Alam ko naman na epal lang ako para sainyo sa story na to. Pero wala kayong magagawa, kailangan kong kuhanin kung ano ang akin! Hindi ako basta-basta lang na pinamimigay ang gusto ko para lang sa iba! I don't care what will happened to me after this shits!

Nandito ako sa mall ngayon, sinusundan ko ang officially girlfriend ng taong mahal ko. Pag nga naman sineswerte ako eh mag-isa lang sya, syempre hindi ko muna sya papatayin! Nakaplano na ang lahat ng dapat kong gawin. At sisiguraduhin ko na unti-unti nyang lalayuan si Kevin. Pagkatapos wala nang extra sa buhay namin at dapat na naming ituloy ang naudlot naming pagmamahalan bwahahahaha!

Sinusundan ko sya wherever she goea pero syempre hindi ako nagpapahalata. Step 1: Make her be your friend. Yeah, I will be her friend kukunin ko yung tiwala nya pati na din ng iba nyang kaibigan, gagawin ko ang lahat para makalapit na ako kay Kevin. Nakakasawa na naparati na lang akong nasa malayo at pinagmamasdan sila, sinusundan-sundan kung sila magpunta. Nakakasawa na, kaya mas maganda tong plano ko na to.

She went inside a shoe boutique. Nakita kong dun sya gumawi sa may mga flat shoes. Lumapit din ako dun at kunyare namimili ako, at kung anong magustuhan nya, kunyare gusto ko din. She smiled when she saw a kind of flat shoes with color Black simple lang pero Rock. Kukuhanin na sana nya yun kaya sinabayan ko sya. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Ahh miss kukunin mo ba?" tanong nya sakin.

"Oo sana eh, kaso nauna ka naman kaya sige ikaw na lang yung kumuha." I smiled after I said those things. Bumitaw ako sa sapatos tapos kunyari naghanap na lang ng iba.

"Okay lang, madami pa namang iba eh" sabi nya sakin atsaka nya inabot sakin yung sapatos, as if I like this psh!

"No, it's okay you can have th----" hindi ko natuloy yung sinasabi ko kasi may nagsalita na sales lady.

"Excuse me ma'am, if pareho po nyong gusto may stocks pa naman po kami." sabi samin ng sales lady. Nagkatinginan kaming dalawa tapos tumango na lang sa sales lady.

Napabili pa ako ng sapatos na cheap! -_______- umupo ako sa may upuan dun sa may gilid habang hinahantay yung sales lady, umupo din sya sa tabi ko.

"Hmmm, nagkita na ba tayo somewhere?" nagulat ako sa tinanong nya sakin. Di kaya nakita nya ako one time na sinusundan ko sila??

"I-i think not?" Hindi ako makatingin sakanya nng maayos.

"Ahh akala ko kasi nag-meet na tayo somewhere else. Hahaha, by the way I'm Eumee." sabay abot nya sakin ng Kamay nya.

"I'm Melody." tapos nakipag shake hands ako sakanya. Mukha naman syang mabait at uto-uto.

Afterwards dumating na yung sales lady tapos binigay na samin yung sapatos. Binayaran na namin sya then umalis na kami dun. Napagastos pa ko letse!

"May kasama ka ba Melody?" napatingin ako sakanya nang bigla syang magsalita.

"Hmm wala why?"

"If you don't mind pwede bang sumama na lang ako sayo? Wala din kasi akong kasama eh. Kung okay lang naman." Hindi ko akalain na madali lang syang magtiwala sa isang tao. Pag ganito lang din naman hindi pala ako mahihirapan na gawin ang plano ko.

"Sure, why not?" sabi ko sakanya habang nakangiti. Syempre fake lang yung ngiti ko anong akala nyo sakin? Makikipag kaibigan sa babaeng kaagaw ko? Oo plano kong makipagkaibigan sakanya pero hindi yung kaibigan na akala mo kapatid ko na Duh!

Pumunta kami sa department store, naglibot-libot kami tapos nagsusukat ng kung ano-ano dun, medyo nahihirapan nga syang mamili ng mga damit nya kasi medyo tumataba na sya, pansin ko din yun. Masyado ba syang pinapakain ni Kevin at nagkakaganyan sya? If I we're I okay lang sakin yun basta si Kevin ang kasama ko, ang taong mahal ko at mahal ako. Mga ilang oras din kaming nasa department store hanggang sa nagsawa sya sa kakabili ng mga damit at sapatos, Ako? hindi naman ako gaano namili eh, hindi ko naman kailangan this is just part of my plan, isa pa may sarili kaming designer ng damit namin. Naglalakad-lakad kaming dalawa hindi ko alam kung saan kami exactly pupunta, I look at her. She's not pretty like me, I mean I'm mkre prettier than her, she's not sexy at all like me. So anong nagustuhan sakanya ni Kevin? O kaya naman ginayuma nya si Kevin kaya baliw na baliw sakanya? Is she a witch?

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon